Hinihingal na dumating si Luther dala ang tubig at banana cues? Inabot sa akin ni Luther ang isang bote ng mineral water at banana cue. Bagong luto pa iyon. Masaya ko iyong tinanggap.

I crinkled my nose when I smelled bananas. Napangiwi ako. What the fuck?

Naramdaman kong nasusuka ako. Shit!

Dali-dali akong tumakbo sa pinakamalapit na banyo. My stomach is churning and I think I couldn't hold it anymore. Sumuka ako nang sumuka at kulang na lang ay ilabas ko pati ang bituka.

Pagod na pagod kong pinahid ang labi ko. Nanghihina akong napasandal sa pintuan.

Biglang sumama ang pakiramdam ko. Ano bang nangyayari? Hindi pwede 'to kasi malapit nang magsimula ang competition.

Nang tumayo ako ay medyo nagdilim ang paningin ko. Anemia na naman siguro 'to. Babawasan ko na nga ang pagpupuyat. Masyado kasi akong kinabahan kagabi kaya nag-aral ako magdamag. Natatakot ako na baka wala akong maisagot.

Nanghihina akong lumabas. Dinaluhan naman agad ako ni Luther.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Okay lang ako," sabi ko naman. Ngumiti pa ako para makumbinsi siya.

"Ayaw mo ba ng saging?" tanong niya.

Hindi ko naman ayaw ang saging. Madalas ko pa nga iyong kainin. Ewan ko ba bakit nasuka ako nang maamoy iyon.

"Hindi naman." Umiling pa ako para ipakitang okay lang talaga ako. "Masama lang siguro ang gising ko. Puyat kasi ako kagabi dahil sa pag-aaral kaya siguro medyo nahilo ako nang maamoy 'yon, pero okay lang talaga ako," paliwanag ko. "Tara na," yaya ko. Nagsimula na akong maglakad.

Naramdaman kong hindi siya sumusunod kaya nilingon ko siya. Mukha siyang may malalim na iniisip.

"Luther, tara na! Ayos lang talaga ak-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na namang masusuka ako.

Bumalik ako sa CR para sumuka. Ano ba naman 'to? Daig ko pa ang may hang over.

Narinig kong tinatawag na ang mga contestants kaya dali-dali akong lumabas. Kaya ko naman siguro.

"Luther, tara na," muli kong yaya sa kanya. Hinigit ko pa siya pero hindi siya nagpapatinag.

"Xena." Kinakabahan siyang tumingin sa akin. "May nangyari ba sa inyo ni Achilles?"

Napatigil ako sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin? Unti-unting nabuhay ang kaba sa sistema ko.

"What do you mean?" pag-aalinlangan kong tanong.

"J-just answer it," he stuttered. Halatang kinakabahan na din siya.

Ilang beses namin iyong ginawa at lahat 'yon walang proteksyon.

Hindi naman siguro. Hindi pwede.

Ayoko.

Inisip ko kung dinatnan ba ako ngayong buwan. Nakagat ko ang labi nang maalala na hindi pa ako dinadatnan.

Napailing-iling ako.

No.

Nagbagsakan na ang luha sa mata ko.

"Luther," nanginginig ang mga labi kong binanggit ang pangalan niya.

Ramdam na ramdam ko ang kaba at takot. Buntis ako? Hindi pwede.

Nagdilim ang paningin ko and the last thing I saw was Luther's worried face.

Napamulat ako ng mata. Nagsisimula na ba ang laban? Bakit ba nakatulog ako?!

Dahan-dahan akong bumangon. Teka! Bakit nasa ospital ako?

Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Totoo ba iyon?

Napakapit ako sa tiyan ko. Buntis ba ako? Hindi 'yon panaginip?

Nasaan si Luther?

Iginala ko ang mga mata para hanapin si Luther. Biglang may dumating na nurse.

"Miss, bakit ako nandito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Magpahinga ka muna, Miss. Huwag ka munang gumalaw, baka mahilo ako," sabi niya habang may chinicheck sa katawan ko.

Muling bumukas ang pinto at pumasok ang nag-aalalang si Luther. Patakbo siyang lumapit sa akin.

Ipinatong niya ang dala niyang prutas sa side table.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Nahimatay ka," simpleng sagot niya.

"Paano ang competition?" Tapos na ba iyon?

"Pinilit kong manalo para sa school. Mabuti at hinayaan akong sumali kahit mag-isa lang," sagot niya.

Napangiti naman ako. Mabuti naman at nanalo pa din siya. Alam ko namang kaya niya.

May pumasok ulit at ngayon ay hindi na ito nurse, doctor na.

Masuri niya akong tiningnan kaya naman kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Doc, how is she po? May sakit po ba siya?" pagtatanong ni Luther sa doktora.

"No. Wala siyang sakit." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "All you are feeling are normal. It's probably the symptoms but no need to worry. Everything is normal, Miss Sandoval," paliwanag ng doktora. Akala ko kung ano na ang nangyari sa akin.

"Here is the list of vitamins." Inabot niya ang reseta kay Luther. "Hindi ka dapat nagpupuyat at hindi ka dapat magbuhat ng mabibigat na bagay," paalala niya. "Kung pwede ay lumayo ka rin sa stress," dagdag niya.

Kumunot ang noo ko. Vitamins? Mga bawal?

"What do you mean, Doc?"naguguluhan kong tanong.

"Congrats to the both of you." Tinapik niya sa balikat si Luther.

"You're 9 weeks pregnant, Miss Sandoval."

Tattooed Soul (UNEDITED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora