kabanata 29

979 16 0
                                    

Ellaine's POV


Its already ten AM nang magising ako. I just wear a simple brown dress at flat shoes. And I feel really comfortable with this.

Wala akong ganang kumain kaya hindi na ako nag almusal. Mula sa boarding house na ito ay nakiusap ako kay mader Della na ihatid ako sa sementeryo kung saan inilibing si mama Lanie.

Good thing that cementery is not too far from here.

Before ako bumaba ng taxi ay binigay niya ang number niya sa akin. Sabi niya, i text lang daw niya ako kapag magpapasundo ako. And I just realized na wala akong phone.

Bibili na lang ako mamaya.

"Ingat ka, ganda." sabi niya nang makababa ako ng taxi. Napatango lamang ako.

Tuluyan na akong pumasok sa sementeryo at pinuntahan ang puntod ni mama. Hindi muna ako nagdala ng bulaklak o kahit anong pwedeng iwan dahil baka malaman nila dad na pumupunta ako rito.

Nang mahanap ang puntod ni mama Lanie ay umupo ako sa tabi nito, saka nagsimulang magsalita.

"Ma, sorry kung hindi ko kayo nabisita. Sorry din dahil hindi ako nagdala ng kahit anong pwede kong iwan sayo..." sabay hawak sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan niya. Naluluha man pero pinigilan ko lang iyon.

"Mama, sana huwag kang magagalit sa akin kung umalis ako sa puder ni papa. Hindi ko na kasi kaya ang pagtrato nila sa akin. Ma, mula nang mawala ka, sobra akong naghirap. Pero, ma... Alam mo, mabait sa akin si mama Desa. Parang ikaw lang."

Si mama Desa... Hindi niya alam na umalis na ako sa bahay. Nasa kamay ni dad ang phone ko, and I dont know how to contact her.

But, I will find a way. And she will know about this, maybe soon.

Napatingala ako sa kalangitan, at napapikit. "Sana, nandito ka pa rin ma. Hindi sana magkakaganito ang buhay ko. Hindi sana mamamatay ang anak ko, hindi sana ako mahihirapan. Pero, kasalanan ko rin naman ang lahat."

Hindi na napigilan ng luha ko na tumulo, kaya hinayaan ko na lang. Tinuyo ko rin ito gamit ang kamay ko, at saka tumayo.

"Ma, aalis na ako. Love you ma." sabi ko, saka naglakad papalayo.

Nang makakita ng tricycle ay agad ko itong pinara at nagpahatid sa mall. And there I withdrawed all of my money. This is the last thing that I will do, na mata-track nila.

After that, hinati ko sa apat ang ATM card na ginamit ko, para masiguradong hindi na ito mapakikinabangan. Wala na rin naman itong lamang pera.

Then I buyed all what I need, yung pinakaimportanteng mga bagay lang na magagamit ko sa bahay, saka mga instant na pagkain na rin.

I buyed a cheap android phone na pwede kong magamit pang text at tawag. Okay na to.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Siguro naman, tama ang naging desisyon kong lumayas sa amin at mamumahay ng malaya, diba? Siguro.

Nang nakuha ko na ang mga pinamili ko sa mall ay kaagad na akong umalis at naghanap ng masasakyan.

At sinabi kong ihatid ako sa children's playground na iyon.

Habang papunta roon ay naisip ko ang lahat ng ito. Siguro, hindi ako masyadong nahirapan dahil ganito naman ang buhay namin dati.

Kahit na nakaranas ako ng karangyaan, dumaan pa rin ako sa hirap kasama si mama. At siguro, nang dahil doon ay hindi ako nahirapang mag adjust.

"Nandito na tayo, ineng." napalingon na lamang ako sa driver nang narinig ko siyang magsalita.

Hindi na lamang ako nagsalita at agad na lamang akong nagbayad, saka bumaba ng tricycle.

One More Night Where stories live. Discover now