Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makalabas ako ng school.

My vision was blurry. Punong-puno nang luha ang mga mata ko.

I was shocked when someone wiped my tears. Mas lalo pa akong nagulat nang makitang si Luther iyon.

Naupo siya sa tabi ko.

"Kanina ko pa inaabot sa'yo ang panyo kaya lang hindi mo ata nakikita," ani niya. Hindi siya nakatingin sa akin. Diretso lang ang tingin niya sa malayo.

"Ano ba? Bakit ka ba nandito?!" Naiirita kong pinalis ang mga luha sa mata ko.

Ayaw kong may makakita sa akin na umiiyak.

"Attitude mo," puna niya. Nakangisi siyang tumingin sa akin kaya napairap ako. Nagagawa niya pang asarin ako?

"Attitude talaga ako kapag badtrip ako. Pake ko kung sino ka," masungit kong sabi.

Tinawanan niya lang ako. Pinunasan niya ulit ang mga luha ko.

"Dapat hindi umiiyak ang kagaya mo. Sayang naman ang kagandahan ng mga mata mo," patuloy lang siyang nagpupunas ng mga luhang bumabagsak mula sa mata ko.

Naninibago ako sa kanya. Hindi naman siya ganito. Usually, tahimik siya.

"Hayop ka, Luther!"

Nagulat ako nang humandusay sa damuhan si Luther. Napatayo agad ako at pinigilan si Aki sa muling pagsuntok sa kanya.

"Aki ano ba!"

Hinihingal na tumingin ng masama si Aki kay Luther. Lumapit ako at tinulungang tumayo si Luther. Pinahid niya ng kanyang kaliwang kamay ang dugo sa gilid ng bibig niya.

Tumingin ako ng masama kay Aki.

"Ano bang problema mo, Aki?"

I don't know what was Achilles' reason to just punch Luther. We're not doing anything wrong in the first place!

Hindi ako sinagot ni Aki, sa halip ay itinuro niya si Luther.

"Akin yan, hanap ka ng sayo," he spatted. Hinigit na ako palayo ni Aki doon, hindi binigyang pagkakataon na mag-sorry kay Luther.

Hindi ako nagsalita habang hinihila niya. Hinayaan ko ang sarili kong magpatianod sa kung saan niya dadalhin.

Pagdating sa parking lot ay doon pa lamang ako nagsalita. Marahas kong hinigit ang braso ko sa kanya.

"Wala kaming ginagawang masama!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

"Wag kang magsalita!" Tumaas na rin ang boses niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

"You're unbelievable," napailing pa ako. Seriously, anong issue niya sa amin ni Luther?

Hindi siya mapakaling nagpabalik-balik sa harap ng kotse niya.

"I'm sorry. I j-just... Shit! Ayokong nakikita kang hinahawakan ng iba," he said. Bigla siyang lumapit at siniil ako ng halik.

I didn't respond to his kisses. Napansin niya siguro iyon kaya tumigil siya.

Naiinis ako. Bakit ba ang bilis niyang mag-assume at magalit?

Masyadong magulo ang utak ko para patulan ang childish acts niya.

Si Alena na itinuring kong bestfriend, ginamit lang pala ako. Nalaman kong naiinggit siya sa akin at gusto niya akong sirain.

Hindi pa ako nakaka-get over sa pagkalat ng video namin ni Aki.

Madaming nangyayari at nagiging okupado ang isipan ko sa ibang bagay.

"You should know the real story before you assume."

Iyon lang ang sinabi ko sa kanya at umalis na doon. Aabsent na lang ako ngayong araw.

Nakaka-stress!

Pumunta na lang ako sa mall para mag-unwind. Maya't maya naman ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Tiningnan ko iyon at mga text 'yon mula sa mga kaklase ko at mga texts at missed calls galing kay Aki.

I turned off my phone. Walang magandang mangyayari kung kakausapin ko silang lahat. Galit ako at ayokong may masaktan dahil lang may nasabi akong masama.

My mind is clouded with anger. Ayokong palakihin at paramihin ang issue.

Pumunta ako sa Kid's World para kumalma. I guess this is my happy place now?

Maghapon akong naglaro at tumambay doon. Nakalimutan ko naman ang mga problema ko sa maikling panahon.

Balak ko nang umuwi kaya lalabas na sana ako ng mapansin si Aki na naghihintay sa isa sa mga upuan doon.

Nag-aalalang lumapit siya sa akin. Pagkalapit ay niyakap niya ako.

"Baby, I'm sorry," he apologized. Hinaplos niya pa ang buhok ko.

"I know you'll come here kaya pinuntahan kita. You're not answering my calls. Nag-alala ako," he said.

I guess my stay in Kid's World somehow calmed me. Humupa na ang inis ko kay Aki.

"I'm sorry din," sabi ko. Mabilis naman siyang umiling.

"No, you didn't do anything."

Before driving me home, he treated me my favorite cookies and cream ice cream. Maayos na ang mood ko.

I'm happy that he knows how to handle me.

Pagdating sa bahay ay agad akong humiga sa kama ko. This day has been a tiring one!

Naisipan kong buksan na ang cellphone ko and messages flooded my inbox. Mga kaklase ko lang 'yon na naghahanap sa akin.

I opened my social media accounts. Bumungad sa akin ang DM ni Luther.

curryiedo:

I'm sorry.

I replied right away. Bakit siya nagso-sorry kung wala naman siyang ginawa?

xeressandoval:

You don't have to say sorry. Wala ka namang ginawa. Sorry for Aki's actions pala.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya.

curryiedo:

Wala akong masamang intensyon. Nakita ko lang na umiiyak ka.

xeressandoval:

It's really fine.

I'll talk to him so don't worry :>

Luther is really cute. I giggled. Is it cheating if I find him cute? He's so mysterious kasi.

Nang sunduin ako ni Aki sa umaga ay kinausap ko siya.

"You should ask for Luther's forgiveness," seryoso kong sabi.

"Tss," he hissed. Napailing ako.

"Don't 'tss' me. Seryoso ako. Wala naman siyang ginagawang masama. He just saw me crying, yun lang," sabi ko pa.

"Okay, okay," pagsuko ni Aki. I smiled.

"Why were you crying then?" tanong niya pa.

Napabuntong-hininga ako. Naalala ko na naman si Lena. It's just sad that we ended up that way.

Naging malungkot ang mukha ko.

"Siya ang nagpakalat ng video," I sighed. Tumingin ako sa labas ng bintana. I really hate this feeling.

Bakit kasi ganoon? After all the things I've done for her ganito lang ang mangyayari? She's like a sister to me. Ayoko talaga sa lahat yung bigla-bigla na lang akong iiwan.

Bihira lang ako makipagkaibigan. For me, it's okay to have few friends as long as they're true to me. Kaso mayroon nga akong kaibigan, akala ko kaibigan, hindi naman pala tunay.

I hate fake people.

Why does it feel like I'm not good enough for anyone?

Fake friends, really, are easy to find and easy to lose.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now