Sinundo ako ni Aki sa bahay. Pumasok din ako na walang kabuhay-buhay.

I have lots of issues in life. One of it is trust. Nakakatakot nang magtiwala sa panahon ngayon kasi hindi mo alam kung sino ang totoo sa hindi.

Napapaisip din ako kung tama ba ang naging desisyon ko na pumayag agad kay Aki. Hindi ba masyadong mabilis?

Hindi ba masyado akong marupok na kakakilala pa lang namin ay agad na akong nagtiwala at nagpaligaw?

Nakakapanibago na halos lahat ay nakatingin sa akin pagdating ko sa school.

May dumi ba ako sa mukha?

Lumapit sa akin si Chynna.

"Ano 'tong kumakalat tungkol sa'yo?" bulong niya sa akin. Tumingin ako sa mga kaklase ko at nag-iwas naman sila ng tingin.

Bumaling ako kay Chynna at kumunot ang noo.

"Anong meron?" takang-taka kong tanong.

Nasapo niya ang noo niya. Problemado siyang tumingin sa akin.

"Wag mo sabihing hindi mo alam?" tanong niya. Umiling ako at nakakunot pa rin ang noo sa kanya.

Bakit ba hindi na lang niya sabihin sa akin?

Inilabas niya ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang isang video clip. Video namin iyon ni Aki sa TheWalker!

We were making out on the couch, iyon ang nakuhanan sa video.

Nanlumo ako nang makitang naka-post iyon sa Facebook at libo-libo ang nagre-react at nagshe-share!

"Sino'ng nagpakalat nito?" My voice slightly shaking, I finally have something to say.

Heck! I don't know how to react! Paano kapag nakarating ito sa principal, sa tita ko, at lalo na sa Mama ko?

Dali-dali akong lumabas. Tinakpan ko ang mukha ko kasi pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

Nanginginig ang mga daliri kong tinawagan si Lena.

Shit!

Unattended. Bakit ba tuwing kailangan ko siya ay hindi ko siya ma-contact?

Nakarating na ako sa labas at si Aki naman ang ini-dial ko.

Nanginginig ang mga labi kong nagsalita nang sagutin niya ang tawag.

"Aki," pagkabanggit ko sa pangalan niya ay humikbi ako.

"Shit! Xena, where are you?"

"Aki, hindi ko alam ang gagawin ko," umiiyak na ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Just tell me your location, baby. I'll be there. Just calm down, okay? Breathe."

Sa kabila ng paghikbi ay nagawa ko pa ding sabihin sa kanya kung nasaan ako. Ilang minuto lang ay nakita ko na ang pagdating ng isang kotse.

Dali-dali siyang bumaba at binuksan ang pinto. Nakatulala akong pumasok doon.

Pinaharurot niya ang kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. My mind went blank and all I could think of is the people's opinion about me.

Hindi naman siya magkandaugaga sa pag-contact sa kung sino-sino.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.

"Don't worry. I already asked someone to take it down the internet," he said assuring me. Sumulyap siya sa akin.

"P-paano kung...p-paano k-kung," my voice broke. Napahikbi na ako.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now