Pamilyar.

Parang panyo ni Molly.

Nagkibit-balikat na lang ako. Madami naman sigurong may panyong ganoon. Ano si Molly, special?

Inubos ko ang oras ko sa cafeteria. Hinintay ko si Lena kasi paniguradong may klase pa 'yon ngayon. I texted Aki.

Don't stress too much, okay?

Ayaw ko nang ganitong feeling. Ayaw kong maramdamang mag-isa ako.

Nag-scroll lang ako sa Facebook. Nagre-react lang ako sa mga post ng kakilala ko. I checked some memes too. Pampatanggal boring lang.

Thankfully, dumating din si Lena.

"Oh, kanina ka pa?" pang-aasar niya.

"Hindi ba halata?" bored kong tanong sa kanya.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Ayos lang yan. Sanay ka namang maghintay," biro niya at tumawa. "Order muna ako. Gutom na gutom na ako." Mabilis siyang tumayo at pumunta sa counter.

Pagbalik niya, nagkwento lang siya tungkol do'n sa guy na nakilala niya sa Tinder. May balak na daw silang magkita.

"Madidiligan na ulit ako," humalakhak niyang wika. "Matagal-tagal ring matumal ang sex life ko. Mga ilang araw din 'yon! Focus kasi ako dito kay Zylan," tukoy niya do'n sa ka-chat niya sa Tinder.

"Kayo na ba ni Aki?" tanong niya habang ngumunguya sa burger.

Napababa ang tingin ko sa mesa.

Bumuntong-hininga ako.

"Ano ba? Ang panget mo! Parang pasan mo ang buong mundo," puna niya. Nakasimangot kasi ako.

"Hindi pa kami. Hindi ko mahanap ang perfect timing. Pareho pa kaming busy," matamlay kong sabi.

"Naku, baka naahas ka na. Madami pa naman diyang makakati sa tabi-tabi," she said.

Ang mga salitang yon ang tumatak sa utak ko buong araw.

Hindi.

Hindi naman magagawa sa akin ni Aki iyon.

Siguro.

Nadatnan ko na nanonood ng TV si Molly. Nakaupo siya sa couch. Tumabi ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Ibinalik na ulit niya ang tingin sa TV nang mapansin na wala namang interesante sa akin.

"Anong ginagawa mo sa banyo kanina?" tanong ko, dahil sa sinabi ko ay napalingon siya sa akin. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Kwago ka girl? Alaga siguro 'to ni Harry Potter. Si Hedwig!

"N-nakita mo ako?" kinakabahan niyang tanong. Something is fishy here!

"So ikaw nga yon?" Malaki na ang ngisi ko sa kanya. I caught her off guard. "Nakita ko lang ang panyo mo. Hindi pa ako sigurado kanina pero base sa reaction mo," tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Confirmed!"

Nanginginig pa ang mga labi niya at kumukurap kurap ang mga mata. Bakit ba takot na takot siya? Wala naman akong pakialam. Gusto ko lang malaman kung siya nga 'yon.

"Chill, couz! Wag ka mag-aalala, hindi naman kita isusumbong kay Tita Maddie. Kalma. Baka hikain ka." I flashed her my sweetest smile. Tumayo na ako at umakyat, iniwan siya doon na nakatulala.

Nakabawi rin ako sa kanya. Ilang araw siyang weird ang pakikitungo sa akin.

Nagbihis lang ako. I checked my social media accounts, wala namang bago. Umakyat na ako at inaral ang mga notes na hiniram ko kay Lena.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now