"Where is Dr. Dominguez?!" deretsahan ko ng tanong, pero ng sasagot na s'ya ay may pumalakpak sa dulo ng hallway. Nakasandal pa s'yang parang nag-eenjoy manood do'n.

"Aigoo. I thought you all we're going to Toilet. I enjoy watching. You can go on." natatawa n'yang sambit. "Why did you stop?"

"I just told them."

"Ooops. Sarry. We'll be late on our flight. Wrap that up."

Nakatingin lang kami kay Hanna hanggang sa makalabas s'ya ng tuluyan.

"May kakausapin lang ako saglit, sumunod ka na lang kung ayaw mo kong pagkatiwalaan." Hinanap ko kung saan nakapwesto sina Min, at madaling nakita ko naman sila. Inutusan ko yung translator na tawagin sila at bumalik sa hallway na pinanggalingan namin kanina.

"Reina.." mahinang tawag nila sa pangalan ko. Parang napakalungkot ng boses ni Min. "Rei."

"Hmm Min?" tanong ko at lumapit. Tumingin silang dalawa kay Lee na katabi si Woo Bin.

"Si Jae." pagpapatuloy ni Shin.

"Bakit?! Anong nangyari sa kanya?!"

"Nagpaka--"

"PATAY NA SIYA." Napalingon ako kay Min ng sumingit siya sa pagsagot ni Shin.

Gulat akong tinignan si Min na nakayuko sakin.

"A-ano, s-sigurado ka ba?!" para bang biglang sumikip ang dibdib ko ng di sila makasagot. Bakas sa itsura nila ang pagkatakot.

"Kaya Rei, umuwi na tayo. Umuwi tayong apat ng saby sabay." pagdudugtong n'ya. "Hinihintay tayo ni Jae."

"I can't." nasagot kong bigla sa kanila. "You can't go with me. I-I..."

Hindi ko na alam bigla ang sasabihin ko. Gusto kong umiyak pero ayokong sa harap nila. Tinalikuran ko silang dalawa at tumingin ako sa mga mata ni Lee na mukhang nagulat din sa balita.

"P-patay na si Jae?!" tanong muli n'ya. Napaluhod ako sa sahig at nagawa naman akong masalo ni Lee.

Ano pang saysay sa pagsama ko sa kanila?! Ano pang saysay na pag-sang ayon ko sa rule ng Raven na 'yon?! Na ibibigay n'ya sakin ang hinahanap ko matapos naming gawin ang mission na 'to.

"Rei...." tawag nila sakin. "Rei, tinatawag na ang pangalan natin."

Narinig ko ang pangalan ko dahil sa pagtawag nila sa pangalan namin. Tumayo ako ng sarili ko matapos kong tabigin si Lee ng mahina.

[Flashback]

Bumalik kami sa Hotel na tinutuluyan ko, pati na rin kay Dr. James, pero syempre kasama ko ang Hyun Woo team at si Hanna. Bantay na bantay sila sakin.

Nagpaalam ako kay Dr. James at binigay ko ang address ng bahay ko sa Pilipinas at nagsabi kung may mabalitaan man siya kay Dr. Dominguez ay ipaalam n'ya sakin. Nagpasalamat rin ako sa tulong n'ya. Bandang umaga 'yon.

Nang makauwi kami ay papaalis na rin si Raven at mukhang babalik nga rin s'ya sa Korea. Kinausap n'ya kong mag-isa.

Sa isang madilim na kwarto ay binuksan n'ya ang table lamp, pati na rin ang drawer.

Ibinato n'ya sakin ang litrato ni Dr. Dominguez sa harapan ko. Iba't-ibang litrato 'yon.

May kumatok lang sa pinto at pumasok si Soo Hyun, dala ang isang babae, sinabi nito sa lenggwahe nila na isa 'tong translator.

"Sabi daw po n'ya na kapalit ni Dr. Dominguez, tulungan mo silang makuha yung diamond na nasa Pilipinas." takot na lumapit s'ya sakin.

"Magsalita ka sa ingles, baka sabihin iba tintranslate mo." suhestyon ko.

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Where stories live. Discover now