Chapter 27: Tired

4.2K 80 11
  • Dedicated to Aldrian Monilla
                                    

Pasukan na tom,. at bago magstart ang 2ndsem ko maguupdate muna ako. And dahil loves ko kayo. sobrang haba ang update. hahahaha. :")
enjoy reading. vote.comment.fan.

-------------------------------------------------------------------------------

ZOMBIE! That's what I look right now. -___-



Geez! Hindi talaga ako sanay maaga pumasok. Kaya eto ako ngayon, nakapikit parin habang hinihintay makarating sa school.


"Shaine, darling .. Are you okay?"

tanong ni mommy sa akin.


I slowly opened my eyes then nodded.


Nakaupo ako ngayon sa may likod ng kotse habang nakasandal ang ulo ko sa may bintana.


Hayst.Maaga akong papasok ngayon kaya sinabay na ako nila mhie papuntang school.

"hmmm...hindi makatulog sa gabi sa kaiiisip..Hmm..hmm.hmm. *sipol*"

bigla namang kumanta si daddy habang nagdridrive.
At saka sumipol-sipol pa! Yung sipol na may tono parin.


Tinignan nya ako sa may mirror at saka naggrin.


Waaaah! Si Daddy!! Nang-aasar!! Alam na rin kasi nila dahil simula nung tuesday palagi na akong hinahatid pauwi ni Daniel. Gustong-gusto nga sya nila dhie lalo na si mhie.! Gwapo daw kasi at mabait pa. Syempre may taste ako nuh. Ahahaha! At alam din ni dhie na may insomnia na ako simula nung monday. Paano naman kasi eh.. Hindi ako makatulog dahil sa ano.. Ano kasi... Sya kasi!!



Bigla akong napangiti ng maalala yung nangyari.


Iniwas ko yung tingin ko at humarap sa may bintana.


Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Parang panaginip lang kasi eh.


Ganito pala yung feeling kapag crush ka ng crush mo.



Hindi ka makatulog sa gabi.


Sa kakaisip sa kanya.



AAAAHHH!!!!




pa'no naman kasi, paguwi ko palang ng bahay nun ang dami ng nagtext, nagpost sa wall ko at balak pang magTRENDING sa  twitter! Puro about dun lang naman ang sinasabi.


Oh yes! Right! -__-

Kalat na agad sa campus ang nangyari. To think na 'HEARTHROB slash VARSITYPLAYER slash CHESSMASTER slash DANIELPADILLA--- oooh, I mean isang JUSTINE DANIEL SANCHEZ ang gumawa ng ganung scene kung saan tatanungin ka kung pwedeng manligaw..... AND ..... that was the first time na may liligawan sya AND..... That was also the first time na pumayag AKO--si Ashley Shaine Santos also known as A-girl-who-doesn't-have-a-boyfriend-since-birth-never-been-court-by-someone-but-a-heartbreaker  allow to court by him.

Grrrrr.....!


At syempre dahil dun lalong dumami ang haters ko. Kulang nalang gumawa si ng ANTI-ASHLEY PAGE!! Tss.



Any ways, maaga akong papasok ngayon dahil sakanya. Nahiya naman kasi ako,lagi nya akong hinihintay para sabay kaming pumasok. Ayan tuloy pati sya nalalate ng dahil sa akin. Kinikilig nga ako dahil hinahatid pa nya talaga ako sa room ko kahit malalate na sya. Yiihhh!! Pwede ko na ba syang sagutin? Oo na agad! Ngayon na. Agad agad kami na! Mwahahaha!


"andito na tayo sweety, mag-ingat ka ah, wag kang matutulog sa room nyo. Pumunta ka na lang ng clinic kung inaantok ka,ok?"

"opo mhie, ingat din po kayo. Bye dhie!"


humalik na ako sa mga pisngi nila at saka nagpaalam.


Mommy ko talaga,love na love ako. Matulog na lang daw ako sa clinic. Pffft.. Wag ng mag-aral,matulog na lang. Ahaha!


6:50am palang pala.Masyado yatang napaaga yung pagpasok ko.Wala parin dito si Daniel.


Inilabas ko yung cellphone ko para tawagan sya.


Tatawagan ko nga ba sya? Ano namang sasabihin ko?



'hello daniel,asan ka na mahal ko?'



PSH! bakit may mahal ako? Hindi! Mali! Uhmm. Ano nga ba dapat? Kung sungitan ko kaya?


'Oy! Asan ka na?! Andito na ako! Kapag wala ka pa dito within 5minutes busted ka na!'



Ahhhhh!! Meannie! Hindi dapat ganun! Wag na nga lang, hihintayin ko na lang sya. Tutal 3days ko naman din syang pinaghihintay dito. And besides,hindi rin nya alam na maaga ako papasok ngayon.


Sumandal ako sa pader sa may gilid ng gate. Kinuha ko nalang ang earphone ko at nagpatugtog, para kahit papaano hindi ako mainip kakahintay sakanya.



Almost 3years na rin pala ang nakalipas. Parang nung dati lang tinatanaw-tanaw ko lang sya sa malayo. I've never taught na mangyayari pala ito.  Ang sarap sa pakiramdam na mahal ako ng taong mahal ko. Paano pa kaya kung maging kami? Paano kapag sinabi ko na sakanya na mahal ko rin siya? Hanggang ngayon kasi hindi parin nya alam. at hindi ko alam kung kailan ko balak sabihin. Kahit na sinabi nya sa aking mahal nya ako, gusto ko parin naiproved nya ito para sa akin. Ayoko kasi na baka pagsisihin ko lang yung isasagot ko sakanya. Natatakot ako.... natatakot akong masaktan.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now