Chapter 70: Clingy

2K 28 1
                                    

HIndi pala ako nakakapagdedicate nuh? luh. next time na po siguro. nakakalimutan ko na. after matapos? hoho! tatandaan ko nalang muna mga usernames nyo. ^^

Read! Read! Read! Thank  youuuuuuuu so much! :")

***

'No matter what you do,

I'll be there for you.

And every time you close your eyes I will be by your side'

[Dati napapangiti kita agad, ngayon hindi na. Kelangan ko na bang pabalikin sya, para bumalik na yung ngiti mo?]

Lines yata yun ng kanta tapos may drawing yung card ni Vince, lalaking nakaupo sa may puno. Simple lang sya. Pero yung message nya.. Hayst! Pakiramdam ko napakaselfish ko na. Masaya kasama si Vince. Iba yung saya ko kapag sya yung kasama, yung parang wala ng bukas. Nagkataon lang siguro na naguguluhan ako at litong-lito sa nangyari. Pero kung alam lang nya, how happy I am na nandyan sya lagi sa tabi ko,... na wala namang pinagbago samin.

Ano bang pwedeng gawin ko para hindi na sya masaktan pa?

Hindi ko naman kayang i let go ng basta basta lang si Daniel.

Napatingin ako kay Daniel. 

Kinokopya nya yung mga notes ko nung last week. Nakaupo kami sa sahig ng salas ng bahay nila at nakapatong lang yung ulo ko sa may table.

Ang gwapo pala nya lalo kapag seryoso. Kelangan nya kasing humabol sa mga lessons namin dahil malapit na yung exams. Good boy nga sya ngayon, hindi sya nangungulit or nang-iinis sakin. Nakakapanibago. Hihi! Kelangan na yatang magpa-misa.

"naiinip ka na?"

"Hindi"

"Nagugutom?"

tumingin na sya sakin at ngumiti. Yung ngiting nakakaloko. Ano naman problema nya? As if naman gutom ako. Eh ang dami nya kayang pinakain sakin kanina!

"psh. Hindi."

"Nagwagwapuhan sakin?"

"oo. Ay hindi! Ang kapal mo!"

napaupo ako bigla at hinampas sya. Nakakainis! Ano ba yung sagot ko!

"sabi na nga ba. Kanina ka pa kasi nakatitig sakin"

"Asa! Ang kapal mo! Hindi ako sayo nakatitig, sa may.." hanap palusot ashley dali! "sa may chandelier! Oo! Tama sa chandelier! Iniisip ko kung kelan sya babagsak ng matamaan yung mga mayayabang na lalaki na tulad mo."

"sus. Palusot! Nadulas ka na kanina."

Inakbayan nya ko at pinisil na naman ilong ko! URGH!

Kakasabi ko lang na good boy sya ngayon, Aish! Panandalian lang pala yun!

"Tigilan mo nga ko! Tapusin mo na yang ginagawa mo"

"pwede break muna. Sakit na ng kamay ko oh"

nagpapaawa pa, kasalanan din naman nya yan!

Nakayakap na sya sakin habang nakahawak sya sa mga kamay ko. Parang nakapalibot yung kamay nya sa may bewang ko. Tapos yung ulo nya nakapatong sa balikat ko. Nakuuu! Tinatamad na yang magsulat kaya ganyan.

"Hoy, Mr. Justine Daniel Sanchez, wag mong dinadadaan sa paglalambing yang katamaran mo. Hindi yan effective! Gumawa ka na lang."

"hindi ka ba naaawa sakin? May kalyo na kamay ko oh. Ang sakit na kaya."

Silently In Love (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum