Chapter 9: Destiny

5.1K 98 14
                                    

Dedicate ko po ito kay ate Glimmer.. hehehe! Excited na kasi ako sa next update ng RNK. Kilig much ako kay Silver and Zylie. I really Love it. ^___^
Lagi nalang akong pinapakilig ni Ate Glimmer. ♥__♥

-------------------------------------

 

Vince's POV




Tahimik sa school ngayon. Hayst. Ang boring! Last Monday na namin ito for this Quarter. Sembreak na kasi next week. Kaya ayan puro exams.


Psh. may 30minutes pa bago mag-uwian. Wala namang magawa ngayon. Ayoko namang matulog kasi kakatulog ko lang kanina. Walarin akong makulitan ang layo ni Ash sakin. Alphabetical pa kasi, dapat talaga palitan na ng Garcia yung surname nya. HAHA! pasimple ko syang tinignan.


Seryoso yung mukha nya ngayon. Pero maganda parin,ang amo parin ng mukha nya parang Anghel... pero parang lang yun. Dahil napakasadistang babae. Hayst! 
Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko yan. Kahit na anong gawin ko, babalik at babalik parin ako sakanya..
Kahit na, nasasaktan ako. Psh.


Napatingin ako kay Lawrence, tropa ko. May pakindat kindat pa sya saka flying kiss sakin. Pucha! Kadiri! G*go talaga toh. Porket alam nyang tinitigan ko si Ashley.Tss.


Iniwas ko nalang tingin ko. Actually, alam na ng mga kabarkada ko. Halata narin naman ng iba, si Ashley na nga lang yata walang kamalay malay. Manhid kasi!

Ako naman torpe, bagay kami. PSH!

What if sabihin ko na sakanya? AHHH! Pucha! Bakit ang torpe ko naman kasi?! Natotorpe ako,baka kasi tawanan lang nya ako. Baka kasi akalain nya nagbibiro lang ako.


Saka, may iba na syang mahal. Yun naman lagi ang sinasabi nya sa mga nanliligaw sakanya diba? Lalo tuloy nakakatorpe. SHT! Saka natatakot din ako na lumayo sya kapag nalaman nya na may gusto ako sakanya..na mahal ko sya.

Mas ok ng ganito. BESTFRIEND.


Kahit papaano masasabi nyang mahal nya ako.. Mahal nya ako bilang kaibigan. Awch! Pucha! ang baduy ko.



*Brringggg!!!


"okay time's up. As I count of 10, papers should be in. 1.. 2.."


sa wakas uwian na! Maaga uwian ngayon kasi exams lang naman. 


"tol, kinikilig ako sa titig mo sakin kanina."

"fck you! Manahimik ka."

Dinaanan ko lang si Lawrence, haharang harang pa alam naman nyang nagmamadali ako.

2days ko kayang hindi nakita si Ashley. Nakakamiss sya agad. Hindi ko rin sya natawagan,baka kasi nagrereview sya. Kaya ngayon,kelangang makabawi. 





"Hi B" lumingon sya at ang sama ng titig sakin. Ano na naman bang ginawa ko?
"oh,bakit ganyan itsura mo?"


"ang selfish mo!"

Pinagsasabi nya? Lagi ata syang may period. Tss. 


"oh?ano na namang ginawa ko?nag-Hi lang ako sayo selfish na agad"


"eh pano kasi paeasy-easy ka lang kanina,natulog ka pa nga eh.tapos ako hirap na hirap.. Hindi mo man lang ako naisip. Dapat sinenyas mo sa akin yung sagot. Ang daya mo. Selfish ka!"


anong hindi iniisip? Halos ikaw nga nasa isip ko. Engot talaga nito.


"Miss mo lang siguro ako kaya ka ganyan" umupo ako sa tabi nya saka sya inakbayan.  Pinisil ko pa yung ilong nya. Hahaha! Ang cute nya kasi. Nakakapanggigil.

"aarraayy! Hey, Stop that!!"


"ahaha! Ayoko nga. Selfish ako diba?"
bwahahaha! nakakagigil kasi sya. Gusto ko lagi syang ginaganito, kung pwede nga lang din gusto ko lagi syang yakapin. Kaso kapag nilalambing ko sya, joke para sakanya o kaya iniisip nya inaasar ko lang sya.


Inalis ko narin yung kamay ko sa pagpisil ng ilong nya. Kawawa naman kasi namumula na. Pffft!

"ahh. You're so mean! How dare you!" magkasalubong na ang kilay nya at ang talagang nakamamatay nyang deadly stares. Ibig sabihin naiinis na yan.

Napatayo ako bigla nung sikuhin nya ko sa tyan. Sht! Masakit yun ah!


"ahh! Aray B! Mamatay na yata ako"

"OA! Siniko lang? Suntukin pa kita dyan"

tss. Mahal ko nga ba talaga yang babaeng yan?! Napakasadista.


"psh. Sige ganyan ka. Lilibre pa naman sana kita ng ICE CREAM"
inemphasize ko talaga yung ice cream. Isip-bata na sadista na masungit yang MAHAL ko. Makarinig lang ng ice cream, tignan mo nakangiti na sya agad. Kaya lalo akong naiinlove. Kahit napakamoody pa nya.


"B saan yung masakit? namiss kita grabe! Miss na miss kita B!"

kumapit pa sya sa braso ko. Pwede kayang supplyan ko sya ng ice cream, sagutin lang nya ko? Psh. Kung sana ganun na nga lang kadali yun.


"oo na! Lumayo ka nga."

"grabe, tinataboy mo na ko."

"psh. Nagugutom na ko, tara na"

"sungit! Wait, sasabay daw si Bestie sa atin.. BESTIE!! Tara na!lunch na tayo"


psh. Bakit ngayon pa? Hindi ba nya alam na lunchdate namin ito. Kelangan namin ng quality time.


wag kang sasabay Trish.


wag kang sasabay.


wag kang sasabay.




"Sori Bestie..Vince.. Tomorrow na lang siguro, pinapatawag kasi ako ni Ma'am Cruz."


YES! Napangiti ako bigla. Hindi naman sa ayaw kong kasabay maglunch si Trish. Actually namimiss ko narin yung tatlo kaming magkakasama. Kaso, mas gusto ko ngayon na kami lang dalawa. Gusto ko masolo si Ashley.

Silently In Love (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum