Chapter 65: Forever and always

1.9K 34 1
                                    

tagal ng update. sorry po. :'(
estudyante lang po. minsan tinatamad din. hoho! ay! madalas pala :P

***

"Lumayo ka nga sakin Ashley! Matutumba tayo!"

"ang arte mo Carlo! Ikaw na nga yinayakap ko. Isuot mo nga yung ulo. ayokong nakikita mukha mo!"



ang sarap yakapin ni Carlo. Nakamascot kasi sya kaya para syang malaking teddy bear. WAAAAHH! Natutuwa talaga ako. Kaso tinatanggal nya yung ulo ng mascot. Inis!

"Grabe ka talaga sakin. Parang hindi mo ko kaibigan! Ayaw mo na nga magshare sakin tapos ngayon ayaw mo din makita poging mukha ko"



psh. Napatingala ako sakanya. Inuungkat na naman nya yung kahapon. Nakita nya pala kaming magkasama ni Vince kahapon, tapos ayun na. Nagtatampo na sya, bakit hindi man lang daw ako magshare sakanya. As if naman may matino kaming pag-uusapan?!

"Oo na! Magsheshare na ko. Pero dapat nakasuot ka nyan at hindi mo tatanggalin yung ulo ng teddy bear. Makikinig ka lang, bawal ka magsalita! AT...."

"ang dami naman. Di bale nalang kaya?"

"eh di wag! Ikaw tong pilit ng pilit."

"psh. Geh na. Ano pa?"

"Wag na wag mong sasabihin kay Daniel yung mga sasabihin ko." bumulong pa ko sakanya. Ngumiti sya at tinaas pa yung right hand nya.

"Pinky--ay Powerhug Promise nalang"



niyakap ako ng mahigpit ni Carlo. Pakiramdam ko gusto kong magbreakdown ngayon dahil sa yakap nya. Gusto kong ilabas yung bigat sa dibdib ko.

Kahit anong paliwanag yata sakin ni Vince, nasasaktan parin ako kapag nakikita ko si Daniel.

"B! Ano na? Dito ka nalang? Si Khate nalang kakanta ah."

napalingon ako bigla kay Vince. Nakapamulsa sya at tinitignan ako ng masama. Aysos! Mukhang may nagseselos.

"B!!!! Selos ka? Yiiiee. Gusto ng yakap ko."

lumapit ako para yakapin si Vince pero layo sya ng layo. Akala mo ang dumi dumi ko para pandirihan nya ngayon. HAHAHA! paikot-ikot lang kami kay Carlo, ayaw magpayakap!

"nahihilo ako sainyong dalawa. Tumigil nga kayo!"

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now