Chapter 68: Waiting

1.9K 28 2
                                    

Naguguluhan na talaga ako! Litong-lito na ko! Pupunta ba ako o hindi? Malapit na mag-1pm pero hindi parin ako makapagdecide....

Hindi parin ako makapagdecide kung ano susuotin ko.

WAAAAAHH! Ano ka ba Ashley?! Mag-uusap lang kayo hindi magdadate!

Hinagis ko yung damit ko sa kama, sabay higa. Hindi ko na maintindihan sarili ko kung bakit nagkakaganito ako. Handa na nga ba akong makipagbalikan sakanya? Paano kung masaktan lang ako ulit?

"AHHHH! Kainis!"

napapasabunot na ko sa buhok ko. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil dito. Pupunta nga ba ako? Kapag ginawa ko yun, para ko narin syang binigyan ng chance. Pero hindi sya nagtetext or tumatawag man lang. Baka hindi tuloy?

Napapapikit ako habang iniisip kung pupuntahan ko ba sya. Ano ba talaga gusto ko? HAYST! 1pm pa naman yun. Hihintayin ko nalang muna text nya. Magtetext naman yun kapag andun na sya.

***

"1pm sa may bench hihintayin kita"

"hihintayin kita Ashley"

"Hihintayin kita..."

"Hihintayin kita..."

Napabangon ako bigla. Nakaidlip pala ako. Loche! Pati sa panaginip ko, ginagambala ako. Ang lungkot lang ng mukha nya sa panaginip ko. Ano, pangkonsensya lang? PSH.

Kinuha ko yung cellphone ko pero wala paring text sakanya. Napatingin ako sa oras.

3:24pm?

Kinusot-kusot ko pa yung mata ko baka mali lang ako ng tingin pero 3:24pm talaga yung nakalagay! Tinignan ko pa yung alarm clock ko, 3:25pm na! SHOCKS! Hindi ako nakaidlip! Nakatulog ako!

Kagat kagat ko na yung kuko ko. Pabalik balik lang ako ng lakad. Hindi ako makapag-decide! 2hrs mahigit na yung nakalipas, baka wala na sya dun. Aalis pa ba ako?

Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan sya, pero yung number ni Vince una kong napansin.

["hello?"]

"B! I need your help!"

["wag kang sumigaw masakit sa tenga. Bakit ba?"]

wrong timing ba ako sa pagtawag o talagang nagsusungit na naman sya sakin?

"ano kasi B.. Ano..uhmm.. Hindi ko alam gagawin ko"

napaupo ako ulit sa kama. Hindi ko alam kung tama bang si Vince yung tanungin ko about dito.

["ano ba yun? Baka naman gutom ka lang? Kain mo lang yan"]

"Hindi. Yung kay Daniel"

["oh? Kayo na ulit?"]

naiimagine ko yung mukha nya sa tono palang boses nya and its killing me! Kahit ano yatang decision na gawin ko, may masasaktan at masasaktan parin... At si Vince yun.

"hindi. Nakatulog kasi ako. Hindi ko alam kung pupunta pa ba ako"

["pumunta ka"]

ang bilis lang ng sagot nya na parang wala ng other choices kundi pumunta ako.

"pero kanina pang1pm yung usapan. Baka wala na sya dun"

"[engot ka ba? Diba sabi nya maghihintay sya sayo? Andun pa yun. Hindi yun aalis hanggat wala ka]"

awch!! Makaengot! Tagos tagusan naman kung magsalita toh. Medyo masakit ah!

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now