Chapter 72: His Girl

1.9K 35 3
                                    

hi! Congrats po sa mga bagong graduates na! Dedicate to Jenny and Pauline. Congratulations! :)

****

"Thanks Ash ah."



"wag ka ngang umiyak dyan! Ang panget mo umiyak! Hindi bagay! Hahaha!"



"grabe ka! Ngayon nga lang ako umiyak sayo. Tears of joy yan!"


Inaasar ko si Carlo. After namin magsayaw ni Vince, nagchange partners. Napunta ako kila Lawrence, Bryan tapos sa iba pang players hanggang eto, kay Carlo. Hindi ko akalain na iiyak sya sa akin. Mga kalalaking tao, players pa man din sila. PFFFT.



Pero, tama naman pinunta ko diba? PROM NIGHT ngayon. Bakit may mga umiiyak?!


Actually, natotouch ako kay Vince saka kay Carlo. Sila lang yung ilang lalaki sa mundo na nagpapatunay na meron paring seryoso sa pagmamahal.



"Ash,naalala mo nung Christmas Ball? Akala ko hindi na kami magiging ok ni Khate. Malakas na sampal yung sinabi mo sakin dati na nagparealize sakin na tinamaan talaga ako kay Khate"



bahagya syang ngumiti bago nya ko yakapin. Naalala ko tuloy yung kanina kay Vince. Yung itsura nya nung sabihin ko na i lelet go ko na sya. Halos hindi sya makapagsalita at nakatitig lang sya sakin. Ang gusto ko lang naman yung makamove on sya,yung makahanap sya ng iba. Yung mas better kesa sakin.


Hindi ko alam kung ilang kanta na ba yung nasayaw namin. Nagpapakiramdaman lang kami sa isa't isa. Pero bago nya ko ibigay kay Lawrence, inassure na nyang Bestfriends parin kami at gusto nyang ibalik yung kami, noon.



"Ash, bakit ganun? Eto ba yung sinasabi nilang karma? Kung kelan ako naging seryoso dun pa..."



hindi na nya matuloy-tuloy yung sasabihin nya. Hinanap ng mata ko si Khate, at napansin kong magkasayaw sila ni Vince.



"alam kong g*go ako, pero sya yung dahilan ng pagbabago ko! Gusto ko pa syang makasama ng matagal Ash. Gusto ko sya yung makasama ko habang buhay. Pero paano mangyayari yun? Kung...Kung.. Mawawala na sya"



napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Alam ko kung gaano kasakit yung nararamdaman nya ngayon.

"mali bang mahalin ko sya? Mali bang mahalin yung taong may taning na yung buhay? Kung pwede lang ibigay yung buhay ko sakanya,gagawin ko. Ayoko syang makitang nahihirapan sa sakit nya! Ayoko ng dumating yung araw na tuluyan na syang mawala! Ang sakit sakit Ashley! Kung kelan ako nagpakaseryoso, dun ako g*g*hin ng tadhana!"



hinahaplos ko lang yung likod nya. Hinahayaan ko muna syang umiyak lang ng umiyak. Hindi ko nga alam kung may nakakapansin ba na dalawang lalaki na yung umiiyak sakin. Galing din ng mga ito eh, yayakap lang para itagong umiiyak sila. Bading!



Ramdam ko rin naman kung gaano nasasaktan ngayon si Carlo. Kung ibang lalaki lang siguro yun, baka layuan na ng tuluyuan si Khate. Pero si Carlo, patuloy parin nyang pinaparamdam kay Khate na mahalnya talaga sya. Hindi sya sumusuko.



"Carlo, naniniwala ka ba sa miracle? Yung magkagusto lang sayo yung crush mo, parang miracle na yun diba? Yung mga bagay na hindi mo ineexpect na mapupunta sayo. Minsan hindi rin masamang maniwala sa miracle. Kahit 99% lang yung chance na hindi mangyari yun, may 1% ka parin na reason para umasang matutupad yun. And that is your miracle"

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon