Chapter 83: Do you love me?

1.7K 45 15
                                    

***

Iba yung ineexpect ko na mangyayari. Akala ko magpapaliwanag pa ko ulit sakanya, gagawa na naman sana ako ng alibi. Pero nakakapagtaka na hindi man sya nagtanong, ni hindi na namin pinag-usapan yung tungkol dun.

Hinatid nya ko pauwi pero ang tipid lang nya magsalita. Alam kong galit sya pero hindi nya sinasabi. Nakasmile sya pero alam mo yung feeling na parang hindi sya yung kasama ko.

Eto naman yung gusto kong mangyari diba? Alam ko namang masasaktan ako. Kaya hindi naman  dapat ako magtaka kung mag-iba sya sakin. Hindi na dapat ako magtaka kung hindi na nya ko masyadong nilalambing or magkaroon ng pagka-awkward saming dalawa.

"Ayos na kayo ni Trisha?"

Out of nowhere nyang tanong. Ilang araw na kaming ganyan, tanong sagot, tanong sagot, then silence. Hindi tulad dati na parang ang tagal naming hindi nagkita kung magkwentuhan, parang walang end yung conversation. 

"yata? Ewan. Hindi ko alam, hindi naman kami nagkakausap pero ngumingiti na sya sakin kapag nakakasalubong ko."

"ah. Ok."

Ok. Hanggang dun nalang, tahimik na ulit. Pinagpatuloy ko nalang yung binabasa ko, habang sya nakahiga sa lap ko at naka-earphones na naman. Ganyan na kami, parang hindi magkasama. Feeling ko tuloy lalong tumahimik yung bahay nila.

Alam ko naman na magiging result nito, hinihintay ko lang na sya na yung magsabi. Nahihirapan narin naman ako, pero may napagkasunduan na kami ng father nya.. Sana lang after nito, mahalin nya parin ako. Sana ako parin mahal nya pag-balik nya after 5years. Hindi naman siguro ganun katagal yun para makalimutan nya ko diba?

"Tayo ba? Ayos na ba tayo?"

napatingin ako sakanya. Ngayon lang nya ulit tinanong yung tungkol samin.

Ngumiti sya nung hindi ako makasagot. Umupo na sya ng maayos at nakipagtitigan na sakin. Psh! Wala naman kasi akong masagot, kaya wala rin akong magawa kundi tignan lang sya.

"I love you"

Lub.dub.lub.dub

ngayon lang nya ulit sinabi yan sakin personally. Hindi ako ready. Kapag sa phone kasi madali nalang, ine-end ko lang yung call nya. Patay-malisya, kunwari walang narinig. Pero ngayon? Ano itong ginagawa ko? Nagpapanggap na hindi ko na sya Mahal? Pinipigilan ko yung sarili ko na sabihin na mahal ko sya kasi alam ko na yun yung pinanghahawakan nya. Sa pagtitig nya ngayon alam kong gusto nyang marinig yung response ko.

"oo, alam ko"

tinapik tapik ko yung pisngi nya habang nakangiti sakanya. Ang dami ko ng ginagawang way ng pag-iwas.

Sorry..

Matapos lang talaga ito, handa na ko maghintay ulit sayo...Sana lang maging worth it yung paghihintay ko...

Sana nga lang bumalik ka pa ulit sakin after nito.

"buti ka pa alam mo. Ako kasi hindi ko alam kung mahal mo pa ako"

pilit parin syang ngumiti sakin at mas lalo lang akong nasasaktan. Masakit marinig yung 'I don't like you for my son.', masakit malaman na hindi ka gusto ng father ng boyfriend mo.. Pero mas masakit pala yung ganito, pinipigilan mo yung sarili mong ipakita na mahal mo sya. Sobrang sakit lang habang nakikita mo kung pano mo sya unti-unting sinasaktan.

"Ma'am Jamielle? Ok lang po ba kayo?"

"oo naman yaya! Ako pa! Tutulog lang po ako"

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now