Chapter 59: I exist

1.9K 36 4
                                    

Lutang na lutang yung isip ko. Pinipilit kong maging ok pero hindi ko talaga kaya. Naguguluhan ako. Bakit hindi man lang nya ko pinansin kanina? Imposibleng hindi nya ko nakita dahil nagkatitigan pa kami. Wala naman akong maisip na dahilan para iwasan nya ko.

"uy Ashley, ok ka lang ba talaga?"

Kinalabit ako bigla ni Khate. Kanina pa sila nagtatanong kung anong nangyari sakin, kasi may mga pasa ako saka ang gulo gulo ng buhok ko pagkakita ko sakanila. Kinwento ko yung nangyari, pero hindi ko sinabi na hindi ako pinansin ni Daniel. Sabi ko lang hindi ko sya nalapitan.

"Ah okay lang. Ano ba kakainin nyo? Tara dali. Mamaya wala na tayong table nyan"

Hinila ko si Khate. Napatingin ako kay Vince at alam kong alam nya na pinipilit ko lang ngumiti.

Pumunta na kami sa canteen. Naghanap pa muna kami ng mauupuan. Kinakabahan ako. What if kumain din sila dito?

Hindi mapakali yung mata ko. Halatang may hinahanap.

"Vince ayaw mong magpabili samin?"

"Hindi na, kayo na muna umorder mamaya nalang ako"

bantay table ngayon si Vince. Pffft. Tagalan ko kaya yung  pag-order?

Patayo na sana kami ng mapalingon ako sa mga bagong dating. Ang dami nila kaya agaw atensyon yung ingay. Pero sa isang tao lang ako nakatingin.. Kay Daniel na papalapit na sa table namin.

"Hi Khate! I miss youuu!" yayakapin na sana ni Carlo si Khate pero inunahan ko na sya sa pagyakap. Namiss ko toh. Ang asarin si Carlo. "psh. Ashley naman!"

tinaasan ko lang sya ng kilay. Napatingin ako kay Daniel, hindi man lang sya tumitingin sakin at hindi man lang talaga sya nagsasalita.

"Welcome back tol"

walang ganang bati ni Vince. Yung tipong bored na bored sya. Sungit na naman.

"Thanks"

Bahagya lang syang ngumiti kay Vince. Hindi ko maintindihan. Parang hindi sya si Daniel na kilala ko. Kahit dati na hindi pa kami close, hindi ko sya nakitang ganyan. He's so cold. Meron ba kong nagawa para ikagalit nya?

"Captain, dito!"

"Uy guys dun na kami. Balik kami dito mamaya. Bye Khate!"

Nagpaalam na si Carlo pero hindi man lang sya nagsalita. Tumingin lang sya kila Khate saka kay Vince. Whatthe! Hindi talaga sya tumitingin sakin na parang hindi ako nageexist sakanya! Shettttt! Ang sarap nya sapakin para makita nyang andito ako!

"Ayos lang ba kayo ni--"

"Tara na Khate. Gutom na ko. Dito ka lang B ah."

Ayoko munang magsalita dahil hindi ko rin alam yung dahilan nya. Pumunta na kami sa counter. Nauna sakin si Khate, gumagaya nalang nga ko sa mga kinukuha nya. Wala ako sa mood para mag-isip pa kung anong kakainin ko.

"oh? Kumakain ka na pala ng gulay Ash?"

napatingin naman ako sa plato ko. Ohmyghaad! Bakit may gulay?!!

"a-ah.Oo. He-he!"

gross! Hindi ko naman pwedeng ibalik, nakakahiya.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now