Chapter 60: He's back

2K 29 0
                                    

Hello. Update ulit. hoho! Read vote comment follow  THANK YOU! :")

**

"I missed you baby"

Pagkarinig ko sa boses nya, automatic na napadilat ako bigla. Nagulat pa nga sya dahil agad syang napatayo.

Napakamot pa sya sa ulo na parang nahihiya sa ginawa nya. Ngumiti sya sakin.

Tama ba ko? Nakangiti sya sakin ngayon?

Umayos naman ako ng upo at tinignan lang sya. Hindi ako nagsasalita. Hinihintay ko lang magpaliwanag sya sakin.

"u-uhmm. Sorry nagising pa kita.. A-ano kasi. Bakit andito ka pa? Tara, hatid na kita"

Ano daw?! Ganun lang yun? Matapos nya kong hindi pansinin kanina, 'Tara hatid na kita' ganun nalang? Walang palipaliwanag?! So, kapag trip nya kong pansinin dun lang nya ko papansinin?

Akala nya madadala nya ko sa I miss you nya saka nakaw na halik, huh! Magaling! Pagpatuloy lang nya yun, at baka forever na kaming hindi magpansinan.

"Hindi na. Kaya kong umuwi ng mag-isa"

Ang bitter lang ng pagngiti ko sakanya. Tumayo ako at kukunin ko na sana gamit ko ng bigla nyang hawakan kamay ko.

"Baby, hindi mo ba ko namiss?"

namiss? Theeff! Try kaya nya munang magpaliwanag, diba? Para hindi naman ako mukhang eng-eng kakaisip ng dahilan nya.

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Alam kong alam nya na galit ako, kaya hindi sya makaangal sakin.

"Hindi. Baka kaninang umaga pwede pa, pero nagbago na isip ko. Bakit nga pala bumalik ka pa? Sana dun ka nalang."

Nakukuha ko pa talagang ngumiti pero halata namang pilit na pilit dahil halos taasan ko na sya ng kilay.

Balak pa nyang hawakan ulit kamay ko kaya napaatras ako at nagcross arms.

Napahinga sya ng malalim. Bahagya syang ngumiti at pinamulsa nalang yung mga kamay nya. Ang lungkot ng titig nya sakin, nadadala ako pero hindi pwede. Gusto kong malaman reason nya!

"Sorry. Sorry dun sa nangyari kanina. Ano kasi..ahmm."

Hindi nya matuloy sasabihin nya. Ano ba?! Nabibitin ako!

Hindi nya ko matitigan ng matagal. Titingin sakin, then sa floor, sakin tapos sa floor. Urgh! Hindi naman mahirap magexplain, unless may nililihim sya.

"May sasabihin ka ba? Kung wala mauna na ko--"

"nagseselos ako."

And that’s it!. Sa wakas inadmit na rin nya. Pinipigilan kong wag ngumiti. Masira moment ng pagdadrama nya, sayang. Ahahaha! Tinitigan ko lang sya like saying you need to explain everything to me.

"Nung saturday, kahit masakit pa ulo ko at medyo nahihilo dahil sa byahe pumunta ako sainyo."

"Saturday? Nasa bahay lang ako nun ah"

Iniisip ko pa kung ano ginawa ko nung sabado. Bakit hindi ko alam na pumunta sya, eh hindi naman ako umalis nun.

"Oo nga. Nakita nga kita. Kaso may bisita ka, hindi na ko tumuloy baka makaistorbo pa ko."

Ang bitter lang ng ngiti nya. Psh. Gaya-gaya. 

Sino bang bisita yun? Eh ang pumunta lang nung saturday eh si.... Ok fine. Si Vince na naman. Jusko po! Bakit ba lagi nalang nya pinagseselosan yun?! Kaya pala ang sama ng titig kay Vince kanina.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now