Chapter 36: don't worry

2.5K 51 5
                                    

Hindi ko akalaing mas kakampihan nya si Trish. Siguro nga hindi ko siya masisisi, yun ang nakita nya. Hindi nya nakita ang buong pangyayari.  

"Gusto mo kausapin ko siya?" ngumiti lang ako kay Khate at umiling. Hindi na kelangan ni Khate mainvolve dito, samin nalang tatlo yun.  

kinuha ko na yung mga gamit ko at umalis na. Wala naman kaming masyadong pinagusapan ni Khate ngayon. Tango nga lang ako ng tango. Wala kasi akosa mood ngayon kakaiisip sa pangyayari kahapon. hayst.

  "Ashey...." napatingin ako kay Khate. naglalakad kami sa may corridor ngayon ng bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako.  

  "si Daniel...."  

sinundan ko naman yung tingin nya at nakita ko si Daniel na naglalakad kasama mga kateammates nya.   lub.dub.lub.dub.

  bumibilis ang tibok ng puso ko. Ito na yung kinatatakot ko, ang makita siya....dahil baka maiyak lang ako sa harapan nya. At ito na ngayon, naiiyak na nga ako pero kelangan kong pigian. Matapos nyang sabihin yun sa akin, may pride naman ako sa sarili ko. Kelangan kong maging matatag sa harap nya.

  Hinawakan ni Khate yung kamay ko "I'm here"  

napangiti ako sa sinabi nya. Naglakad na kami at diretso lang ang tingin ko kahit alam kong magkakasalubong kami.  

ang bigat bigat ng hakbang ko at ang sakit sa dibdib ng ginagawa ko. Napapahigpit pa tuloy yung hawak ko sa kamay ni Khate.  

Ayoko siyang tignan kahit ngayon lang. Ito naman ang gusto nya diba? Manhid ako diba!?!  

"Uy si Ash, pre oh!"  

napatingin ako sakanya ng magkaharap kami, hinihintay ko siyang ngumiti o magsalita man lang pero tinignan lang nya ako at nilagpasan.  

ShT! so siya pa talaga ang galit ngayon?! so ganun nalang talaga ang lahat sa amin?! Ganun nalang ba? Ganito nalang ba kami, tulad dati na parang hindi magkakilala?    

"Dre, si Ash yun diba?"

"Oo, nakita ko"

"parang tanga lang pre?"

  narinig kong sabi nila. Hindi parin ako makaalis sa kinatatayuan ko. lumingon ako at tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad. Tumingin naman sa akin mga kateammates nya na parang naawa sa akin.  

May magagawa pa ba ako? Magsorry na kaya ako? Pero kapag ginawa ko yun, baka lalong magkaroon ng lakas ng loob si Trisha para pagsalitaan ako ng kung anu-ano.. Parang inadmit ko narin ako talaga ang may kasalanan. Hindi ko naman talaga kasalanan yun, sadyang ang bobo nya para paniwalaan yung pagpapaawa ni Trisha. tss.

  "Ashley.."

"I'm okay Khate, don't worry" ngumiti ako at tumalikod na. I guess, hindi na kami magkakabati pa, I should accept this.

"Ashley! sandali lang" tinignan ko yung kateammate nya na humarang pa sa harap ko. mukhang hinabol nya ako dahil hinihingal pa siya.

"Ash, bilang kaibigan nyong dalawa, ayokong nakikita kayong ganyan."

"We're fine. Isipin mo nalang na hindi kami magkakilala. katulad ng dati."

nilagpasan ko na siya. ayoko ng makipagusap pa tungkol sa kanya. Nasasaktan na ako.. hindi ko na kaya.. mamaya tumulo nalang ang luha ko.

"Sandali Ash! Hindi alam ni Daniel na kinakausap kita. sabi ko may nakalimutan lang ako."

"Oh? Tapos? wag mo na akong kausapin baka magalit pa siya sayo"

"Wait Ash!" hinawakan nya ako sa braso ko kaya napahinto ako at humarap sakanya.

"What do you want?!"

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon