Chapter 33: Always be yours

2.9K 51 11
                                    

Try ko lang magupdate every week. hihi! tutal lapit na bakasyon. so excited. hoho! :"D

look. look. ----> yung picture. hihi! my gassss! XP

------------------------------------------------------------

Naiwan akong nakatayo sa may stage. Hindi ako makakilos. Hindi ako makagalaw sa ginawa nya.


Hinalikan nya ako. Hinalikan ako ni Vince.


"Uy, Ashley! Ano pang ginagawa mo dyan! Next scene na!"

napakurap ako ng marinig ko ang boses ng classmate ko. Dun ko lang rin narinig ang palakpakan nila. "sorry" Dali dali na akong naglakad paalis sana ng stage, kaso nakita ko si Daniel. Sa may gilid ng stage kung saan ako bababa. Nakatayo lang sya dun, walang kaemosyon emosyong  nakatingin sa may stage...kung saan kami nakaupo kanina.


Nakita nya kaya?


Nakita nya kaya yung ginawang paghalik sakin ni Vince?

"Daniel"
napakagat ako sa labi ko. Parang natauhan naman sya ng makita akong papalapit sakanya. Ngumiti sya. Yung ngiting matamlay. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko nakita ko na yung ngiti nyang ganyan. Nung araw na kinukulit ako ni Brando at hinalikan ako sa pisngi ni Vince, na sya namang nakita nilang lahat. Yung ngiting iniwan nya bago sya lumabas ng room.

"Galing mo pala talaga. Napabilib mo ko dun ah"

hindi ako nakaimik. Parang pinipilit lang nyang maging normal. Gusto kong itanong kung nakita ba nya. Gusto kong malaman nararamdaman nya ngayon. Pero para saan pa? Alam kong nasasaktan sya pero wala na akong alam gawin kundi tumahimik.

Bumaba na kami pero nanatili kaming nakatayo lang dun sa may tabi ng hagdan.


"mukhang napagod ka yata.. Labas ka kaya muna? Mainit dito." bahagya syang ngumiti sa akin.


Daniel.

Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin yung totoo? Ayoko kitang saktan, pero ayoko rin syang masaktan. Kung pwede lang sana na ako nalang ang nakakaramdam nitong sakit.

"oh? Hindi ka pa yata nakakaget over sa play. On-shock ka parin ba? Kaen mo lang yan.ahaha"

pinisil na naman nya yung mga pisngi ko. Ako naman itong napasimangot.

"Aaahh! Aray! Ewan ko sayo! Lalabas na nga ako! Tabi!"

"hahaha. Yun oh, mukhang nagutom nga yung sexy na princess."
nilingon ko sya at hahampasin sana kaso naglakad na sya paatras.

"CHE!"

Lumabas na ako. May pintuan kasi dito sa may backstage na hindi mo na kelangang dumaan pa sa harap.
Baka mahuli pa ako ni ma'am Cruz na tumatakas. Any ways, tapos narin naman ako at hindi rin naman siguro ako kelangan sa 'closed curtain' dahil hindi naman talaga ako ang gaganap sa play, kaya ok lang siguro.


Hayst. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang sa ngayon ay mapag-isa.


It's almost 5pm na at wala ng gaanong students. Naglakad ako papunta sa may parking lot. May swing kasi dito. Para syang playground para kasi sa mga grade school na nag-aantay ng sundo. Yun yung lagi naming tambayan ni Vince. Bukod sa pareho kaming isip-bata, nakakarelax kasi yung place na yun. Minsan nakikipaglaro kami. Hahaha. Para talaga kaming bata ni Vince nun.



Vince.



Napahawak ako sa labi ko.


Lub.dub.lub.dub


Bakit ganito nalang yung pakiramdam ko ng halikan nya ako? Paulit-ulit parin sa isip ko yung nangyari. Hindi ko akalaing gagawin nya yun. Hindi ko akalaing mamahalin nya ako higit sa kaibigan.


Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin kong may nauna na pala sa akin.


Nakayuko lang sya habang nakaupo sa may swing.


Muli na namang sumikip ang dibdib ko. Kahit malayo, kilala ko kung sino sya. At nasasaktan akong makita syang nagkakaganito.


Napaatras ako ng mapatingin sya sa kinatatayuan ko. Nagkatitigan lang kami. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may nagtatambol sa loob. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalapitan ko ba sya o hindi?
Pero ano? Nakita na nya ako. Alangan namang iwasan ko sya? Pero yun ang gusto nya diba? Pero yun din ba ang gusto ko? Eh pano si Daniel? Eh pano nga rin sya? Pano kung lalo kong siyang masaktan kung hindi ko sya ilelet go?


Iniwas nya na ang tingin nya sakin. Diretso lang ang tingin nya sa may harap, na parang ang layo layo ng tinitignan nya.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now