Chapter 37: Pain

2.6K 49 4
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong may humahawak sa kamay ko. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tinignan yung paligid.

Nasa gilid ko sya, nakaupo hawak-hawak yung kamay ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya, parang minamasahe na pinaglalaruan yung kamay ko. Nakatingin lang sya sa kamay ko at bakas yung lungkot sa mukha nya.

AHHH...sht! Ang sakit ng ulo ko.

Napahawak ako sa ulo ko. Nakabenda na ito. Bakit ba kasi ang tanga ko para mauntog dun?!

"ahmm.gising ka na pala.. May masakit pa ba sayo? Umalis lang si Miss Tonie pero baka padating narin yun" he managed to smile at me kahit alam nyang may nagawa syang mali sa akin.

Hindi ko sya sinagot. Hindi ba nya alam na masakit ang puso ko ngayon?! Mas masakit kesa sa pagkakauntog ko!

"May kelangan ka ba? Anong gusto mo? Tubig?"

Gusto kong mawala yung sakit na nararamdaman ko, magagawa mo ba yun?

Iniwasan ko yung tingin nya.
Bumangon na ako at inalalayan naman nya ako sa pag-upo.

"yung kamay ko....."

"ha? Bakit? Masakit ba?"

"Gusto kong bitawan mo yung kamay ko"
walang gana kong sabi sa kanya. Pinipigilan kong wag tumulo yung luha ko sa harap nya, o kahit yung panginginig ng boses ko ayokong ipahalata. Diretso lang ang tingin ko pero naaaninag ko parin sya. Binitawan na nya yung kamay ko.

"Ashley..."

"yung bag ko nasaan?"

pinutol ko na yung sasabihin nya. Alam kong gustong nyang pag-usapan namin yung nangyari kanina. Pero para san pa?! Para ipamukha nya yung katangahan ko?! Wag muna ngayon, please.... Sobra na akong nasasaktan..at hindi ko na alam kung makakaya ko pangmarinig ang sasabihin nya.

Iniabot naman nya yung gamit ko. Kinuha ko yung cellphone ko. 5pm na pala. Magpapasundo nalang muna ako kay Jake. Ayoko ng makasama pa ng matagal si Daniel. Pakiramdam ko pinipiga yung puso ko kapag nakikita sya.

"hello kuya, sunduin mo na ako"

"bakit? May pupuntahan pa ako..sumabay ka nalang muna kila Vince o kaya kay---"

"Ganyan ka naman ih! Kapag kay ate Annika, hayst...sabagay KAPATID mo nga lang ako..ano naman ako sa GIRLFRIEND mo.hayst!"

pagtatampo ko.hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya...kaya nga ako magpapasundo dahil sa lalaking yun. Ayoko syang makasama...

"OO NA! Lakas mo makakonsensya!"

"yiiieeh! Thanks kuya.! Libre mo ko ice cream ah? Wait kita sa may parking lot. Byiie! Loveyou!"

"hoy! Anong libre---*tootoot toot*"
Inendcall ko na agad. Sigurado bubungangaan na naman nyan ako mamaya, pero alam ko namang hindi nya ako matiis. Love ako ng kuya ko kaya manlilibre yan!

"ako na lang maghahatid sayo.."  nawala sa isip kong andito pa pala sya. Itinago ko na yung cellphone ko.

"hindi na kelangan..masyado na kitang naabala, salamat nalang.."

Pinilit kong ngumiti para ipakitang ok lang ako....pero ang totoo hindi ko na talaga kaya.

Patayo na sana ako ng maramdaman kong hinawakan nya ako sa kamay.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now