Chapter 42

3.5K 92 35
                                    

Nagising ako sa pagkaka-idlip mag aalas-dos na ng hapon nang gisingin ako ng flight attendant para ibigay ang aking pagkain. Nakangiti ito sa akin kaya ganun din ang aking ginawa.

"Salamat." Sabi ko sa flight attendant. Isa isa niyang hinatag sa harapan ko ang free meal ng eroplanong ito. Tumanggi ako nang i-offer niya sa akin yung alak. Nang umalis na ito, ako ay napabuntong hininga.

Kasalukuyan akong nasa byahe papuntang Japan. Doon kase idinaraos ang annual seminar para sa mga civil engineering student gaya ko. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Sino ba naman ako para maging representative ng buong civil engineering department sa UP? muli akong napabuntong hininga.

Isa lamang akong ordinaryong studyante ng engineering deparment. Wala akong kamalay malay na ako ang mapipiling representative ng aming Dean. Pero ganoon pa man, sinabi ko sa sarili ko na i-enjoy na lamang ang once in a lifetime na oportunidad na gaya nito. Lahat naman ng ito ay sponsor ng UP. Kaya, aangal pa ba ako?

A big leap of faith, Dom.

Magkahalong excitement at panghihinayang ang nararamdaman ko na may konting kaba. Tama 'eto nga yung nararamdaman ko ngayon. Panghihinayang kase.. kase matagal na akong walang balita kay Zie. Isang linggo simula nang malaman niya kay Alvin noong anibersaryo ng kappa ang pagpunta ko sa Japan, hindi ko na siya namataan ni balita wala ako masagap sa kanya.

Naglalaban sa isipan ko kung tama ba na hindi na magpakita si Zie sa akin ng tuluyan at hayaan ko nalang na ganito ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa o patuloy na umasa na sana hindi ko nasaktan ang damdamin niya. Hindi ko aakalain na magiging isang malaking bagay para kay Zie ang hindi ko pagsabi sa kanya sa pag alis kong ito.

Tandang tanda ko pa at tila naka record na sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Zie noong huling gabi kami magka-siping... "Gusto kong nakikita ang mga ngiti mo at gusto ko sa akin ka lang ngingiti nang ganyan. Akin ka lang. Akin lang."

Pinikit ko ang aking mga mata at sinandal ang ulo sa headboard ng upuan. Hindi ko mapigilan na maiyak. Naglalaban sa isipan ko na iwan ko na sa Pinas ang alaala namin ni Zie habang ang kabilang parte naman ay sinisigaw ang pangalan niya. I cannot stop the rush. I cannot give him up nang ganun ganun nalang eventhough Zie is not good for me. At hindi siya kailanman magiging maganda para sa akin.  Pinunasan ko ang luha ko sa kanang mata. Miss ko na nga si Zie. Muli kong sinariwa ang huling gabing pinagsamahan namin ni Zie...

.
.
.

"Dom, alam mo bang ang ganda ng katawan mo? At gusto ko, ako lang ang makikinabang dito."

Ramdam na ramdam ko ang magkahalong takot at excitement sa sinabi sa akin ni Zie. Takot kase baka mas lumala pa ito at mauwi sa sitwasyon na tinatawag na obsesyon. Excitement kase gusto ko ang ginagawang ito ni Zie. He is my light. Siya rin ang sisira at mag aayos ng pagkatao ko. Sigurado ako doon.

Muling dumampi ang malamig na daliri ni Zie sa kanang hita ko. Gusto iyon ng katawan ko. Hindi ako makatanggi kase hindi ko kayang gawin iyon kay Zie. Nagbago ang ikot ng mundo ko simula nang nakilala ko siya.

"Sinasabi ng puso ko na iiwan mo ako balang araw. Iyon ang kinakatakot ko." Titig na titig sa akin si Zie ng sabihin niya iyon sa akin. Yung mga mata niya kitang kita ang kalungkutan.

"Gusto ko malaman mo na sa bawat salita, bawat kilos at galaw ko, bawat paghinga at pagtibok ng puso ko ay ikaw ang dahilan, Dom. Kaya pakiusap, wag na wag mo akong sasaktan. Kase... baka hindi ko kayanin."

Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang pagiging control freak at possesive ni Zie sa akin. Tanging siya lang ang makakasira sa akin at siya rin ang bukod tanging magbubuo nito. He always sets my heart on fire. Magpapaubaya na ba ako? Hindi na ako nag-iisip ng deretso. Gagawin ko ang lahat para kay Zie.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 19, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

ZieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang