Chapter 32

4.7K 161 7
                                    

Malaki ang pagkakangiti ni Sanji. Mukhang masayang masaya siya na makita ako. It's only been 4 days? Pero, iba ang kutob ko sa ngiting iyon ni Sanji. Nakasuot ito ng jersey kaya, napansin ko nanaman yung matipuno niyang braso. Iba talaga feeling ko kapag nakakakita ako ng lalaking malakas ang dating tapos naka sando.

"Dom, miss ka na nila mama." Hawak padin niya ako sa balikat.

"B-bakit daw Sanji?"

Napailing ito. Ang cool at lakas talaga ng dating ng magkapatid sa paningin ko.

"Eh, bakit hindi ikaw ang magtanong? Lika na, pasok na tayo sa loob."

Inakbayan ako ni Sanji. Iba talaga ang kutob ko. Parang may mali? Hindi naman ganito si Sanji sa akin dati. Kinukutuban ako ng masama.

Dala ko ang gamit ko habang hindi pa din inaalis ni Sanji yung pagkaka-akbay niya sa akin nang buksan na niya yung pinto sa bahay ni Tita.

Puno ng kaba ang dibdib ko nang matanaw ko si Jin na naka crossed arms habang naka sandal sa pader.

Tila naudlot yung pinag-uusapan nila ng kausap niya. Nabigla si Jin nung makita ako.

Nakita ko si Tita na nakaupo sa sofa. Nangga-galaiti ito sa galit. Kinutuban ako lalo. Sabi na parang may hindi magandang pangitain yung kaba ko pagkakita ko kay Sanji kanina.

Biglang tumayo si Tita at nagulat ako nang bigla niya akong pinaghahampas at pinagsasampal.

"Walang hiya ka! Napaka sama mo! Wala kang utang na loob!"

Nyawnyaw ni Tita habang pinagsasampal ako. Iniwan ako ni Sanji at tumabi ito sa nanay niya.

Hindi ako makagalaw at nagulat ako sa sinalubong sa akin ni Tita.

Anong meron?

"Tita sandali lang po!" Sabi ko habang sinasalag ko yung kamay ko sa kamay niya na sasampalin yung mukha ko.

Nakatikim pa ako ng ilang hampas at sampal bago ako nakapagsalita uli.

"Tita ano po bang nangyari?"

"Napakawalang hiya mong bata ka!"

Dinuro ako tapos muli akong pinaghahampas. Habang si Sanji hindi man lang inaawat yung nanay niya. Ganun din si Jin.

"Napakawalang utang na loob mo! Matapos ka naming kupkupin, pakainin, binigyan ng maayos na matutulugan ganito ang igaganti mo sa amin? Magdidispalko ka pa ng pera! Napaka walang hiya mo! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito sa pamamamahay ko! Hayop kang bata ka!"

"Ha? Ano pong pera? Tita, kahit kailan hindi po ako nangupit o kumuha ng pera sa inyo nang hindi niyo nalalaman."

Nabigla ako sa sinabi ni Tita. Ako? Nagnakaw ng pera? Kahit kailan hinding hindi ko naisip na mangupit ng perang hindi akin.

"Napaka sinungaling mo!" Lumapit si Tita sa akin tapos pinagsasampal at pinaghahampas niya muli ako.

"Saan ka galing!" Sigaw ni Tita sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot. Baka lalo lang maghinala si Tita kapag sinabi kong sa Ilocos ako galing. Baka lalo niya isipin na ninakaw ko nga talaga yung perang nawawala na ibinibintang niya sa akin.

"Ano! Saan ka galing! Ilang araw kang nawala Dom! Saan mo dinala yung pera ko!" Halos mangiyak ngiyak na sa galit si Tita.

"Tita, wala po akong alam sa sinasabi niyo."

Hindi ko malaman ang tamang paraan para ipagtanggol yung sarili ko. I was caught off guard.

"Ang kapal ng mukha mong bata ka! Napaka sinungaling mo talaga! Huling huli ka na, hindi ka pa umaamin!"

"Maniwala po kayo sa akin, Tita. H-hindi ko po alam yang sinasabi ninyo."

Umalis si Tita sa harapan ko at pagbalik niya, dala na niya yung mga damit ko. Binato niya iyon sa mukha ko.

"Lumayas ka! Wala akong pamangkin na magnanakaw! Lumayas ka! Lumayas ka sa harapan ko! Layas! Lumayas ka sa pamamamahay ko!"

Sigaw ni Tita habang binabato niya sa akin yung mga damit at ibang gamit ko.

Nanliit ako at nanlumo. Ano bang nangyayari at ako ang pinagbibintangan ni Tita sa perang nawawala daw?

Hindi ko na napigilan yung luha ko. Pinagtanggol ko yung sarili ko kay Tita, nagmamakaawa ako na huwag akong palayasin. Wala naman akong ibang mapupuntahan. habang yung dalawa kong pinsan, wala man lang ginawa. Ni pigilan man lang nanay nila, hindi nila nagawa.

Lumuhod ako at dinampot yung gamit ko. Naluluha ako. Ano bang kasalanan ko bakit nangyayari sa akin ito?

Anong pera? Kahit kailan hindi ko gagawin ang magnakaw.

Sinipa ni Sanji yung libro ko at tumama iyon sa ilong ko. Gusto ko sanang manlaban kaso nanghina ako nang may makita akong dugo na tumulo sa sahig.

"Yan bagay sayo. Nakakahiya ka, wala kaming pinsan na magnanakaw! Tinatarantado mo pa si papa, ginago mo kaming lahat dito. Kunwari, tatahi-tahimik ka, manggagantso ka naman pala!"

Sabi ni Sanji habang nakatayo sa harapan ko.

"Maniwala ka, Sanji. Wala akong alam sa binibintang ng nanay mo sa akin. Wala akong kinukuhang pera." Mangiyak ngiyak na paliwanag at pagmamakaawa ko sa kanya.

"Lumayas ka na dito! Ayaw kong makita yang pagmumukha mong bata ka!" Dinuro ako ni Tita. Akmang babatuhin pa sana ako ng banga na hawak niya kaso pinigilan siya ni Jin.

"Ma, tama na yan. Lika na sa kwarto."

Matapos mapakalma ni Jin yung nanay niya, naiwan ako sa salas na luhaan at lito. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Ang bigat at ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko makontrol at sabihin sa sarili na "kalma lang, Dom" kase nauunahan na ako ng pagkalito at pagkabigla sa nangyari.

Tumakbo ako palabas at di ko na inalintana na may maka bangga ako.

Nanliliit ako sa sarili ko. Ganun ba kababa tingin sa akin ni Tita? Nagawa niya akong pagbintangan sa kasalanang hindi ko kayang gawin?

Gusto kong lumayo. Malayong malayo sa bahay ni Tita. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Basta sa lugar na tahimik at walang nakakakilala sa akin.

Buti nalang at umulan. Hindi mapapansin ng mga taong pinagtitinginan ako yung mga luhang tumutulo sa mata ko.

Pero sana, kayang tangayin ng ulan yung sakit na nararamdaman ko ngayon...

itutuloy...

ZieWhere stories live. Discover now