Chapter 4

13.1K 380 14
                                    

Tahimik. Naka dim ang lampshade. Napasarap ang tulog ko gawa ng ulan sa magdamag. Dinilat ko ang mga mata ko.. Naamoy ko ang mabangong amoy ng hinihigaan ko. Bumangon ako. Iginala ang paningin sa paligid. Nasa isang malawak na kwarto ako ngayon - mas malawak ng tatlong beses sa kwarto ko kela Tita. Sarado ang kurtina. Teka, nasaan ako? Nakita ko ang uniform ko na naka hanger sa may malaking silver na drawer. Paanong napunta yung uniform ko dito?
My befuddled brain struggles through it's recent visual memories.. Dom! Nasa suite ka ni Edge!

Naalala ko na kung paano ako napunta dito kagabi. Tumakas nga pala ako kay Jin at nakita ko si Edge. Pero, paanong iba na ang suot kong damit pang itaas at pang ibaba? Sino nagpalit sa akin? Baka si Edge? Di kaya si Edge?

Napatingin ako sa bedside table, napansin ko na may note doon. Nakapatong sa isang tray ang isang baso ng gatas. May nakita din akong Advil doon. Kinuha ko ang note at binasa..

Drink your milk. It's 100% safe. Ubusin mo!
P.s. take the Advil, I know you needed it. :)

Napangiti ako. Naalala ko na. Kailangan ko talaga ng pain releivers ngayon. Medyo sumasakit na kase yung bandang pwetan ko gawa ng pagtalon ko sa bintana kagabi. How thoughtful naman ni Edge.. Iniisip pa niya yung pagkakalaglag ko kagabi.

Ininom ko yung gatas. Tapos sinabay ko na din yung Advil. Sakto namang may pumasok sa pinto. Kamuntikan ko pang mabuga yung iniinom kong gatas pagka kita kung sino yung pumasok. Si Edge naka topless!
Naka suot ito ng gray sweat pants na naka hang sa V line niya. Pawisan si Edge. He looks hot.. Slim gymfit ang katawan ni Edge. Maganda ang triceps at biceps niya. Napako ang paningin ko sa kanyang 6 pack abs. Parang ang sarap hawakan.. Ano kayang feeling kapag dinampi ko na ang mga kamay ko doon?

Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa katawan ko pagkakita sa pawisang katawan ni Edge. Parang may nabuhay sa loob loob ko na hindi ko maipaliwanag. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata. Easy ka lang Dom! Magpigil ka!

"Oh gising ka na pala! Gandang Umaga! How are you feeling?"

Base sa aura niya, likas na palangiti siguro si Edge. Paanong nagkasundo sila ni Sanji?

"Mabuti buti na ako Edge. Salamat." Sabi ko. Nahihiya ako sa kanya. Ayaw ko tumingin sa pawisang katawan ni Edge.

May dala itong paper bag. Binaba niya iyon sa bedside table. Humawak siya sa magkaabilang dulo ng towel niya na nakasukbit sa kanyang balikat. "Buti naman at nakatulog ka. Akala ko namamahay ka din tulad ni Kuya."

Kuya? May kapatid si Edge?

"May kapatid ka pala?" Biglang sabi ko.

Tumingin ito sa akin. "Oo. Mukha bang wala? I have an adoptive brother. Masungit yun. Kaya hindi mo na siya gugustuhing makilala. Actually nandito siya kanina." Tinuro ni Edge yung damit na susuotin ko na naka sabit at naka hanger sa may drawer. "He brought that."

Lalo akong na confuse. So hindi si Edge ang may gawa niyan, kundi yung kapatid niya? Bakit naman gagawin yun ng kapatid niya? Tsaka paano nila nalaman na sa UP ako nag aaral?

"Binihisan mo ba ako?" Tanong ko kay Edge.

He is drinking water habang sumasagot. "Not me. My brother did." Sabi niya.

Ano! Kapatid ni Edge ang nagbihis sa akin? Hala!

"Wala namang malisya yun sa kanya Dom. Parehas tayong mga lalaki dito.. Well, unless.." Sabi ni Edge. Nakita niya kase ako na nahihiya. Maloko si Edge. Mukhang pa easy easy lang siya sa buhay. "Isa sa inyo ay.. Hahaha!"

Tumunog ang cellphone ni Edge, sinagot niya yung tawag. "Oo gising na siya.. Ha?.. Okay ako na bahala sa kanya.." Sabi niya sa kausap.

Naalala ko na maaga nga pala ang pasok ko ngayon. Tumingin ako sa orasan na nasa bedside table. Oras na para gumayak sa pagpasok. Nagmadali akong naligo at nag suot ng uniform, habang si Edge, kausapin padin yung tumawag sa kanya.

ZieWhere stories live. Discover now