Chapter 34

5.1K 158 9
                                    

Kitang kita ko sa mga mata ni Zie na galit na galit ito kay Drei. Matalim ang titigan nilang dalawa habang hawak padin ni Drei yung kanang kamay ko.

Yung isang kamay niya naka kuyom at nanginginig sa sobrang gigil. I felt drei's protecting me sa taong aagaw sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sana wag na silang magkasakitang dalawa.

"Sa akin siya sasama." Mariing sabi ni Zie.

Nakatayo lang siya at walang bakas ng pag-aalala. Hindi ko pa din alam kung ano tumatakbo sa isip niya ngayon. Hindi ko talaga siya mabasa-basa. There is something deeply misterious about him.

"Hindi siya pwedeng sumama sayo, dahil simula nang dumating ka sa buhay ni Dom, nagkanda letse-letse na yung buhay niya. Ako ang bestfriend kaya sa akin siya sasama." Buong tapang na sagot ni Drei. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Zie just smiled. Pero, halata rin na hindi siya basta basta papayag na sumama ako kay Drei.

Maging ako nagtataka at nagugulat sa kinikilos ni Drei. Sa pagkakataong ito, right at this very moment, parang hindi siya si Drei na kakilala ko. Parang hindi siya yung bestfriend ko.

"Saan ka kumukuha ng tapang mo Banchero?"

Tumingin sa akin si Drei tapos hinarap muli si Zie.

"Sa kanya. Kay Dom ang bestfriend ko."

"Tama ka jan dahil hanggang best kalang talaga kay Dom. I am the one capable of taking care of him."

"At sa tingin mo, pag-aari mo na siya? Hindi. Hindi ako papayag na gawin mong sex slave yung bestfriend ko!"

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Drei. Napatingin sa akin si Edge. Nahiya ako bigla.

Kailangan gumawa ako ng paraan para matapos na ang sagutan nilang dalawa. Hindi ba nila naiisip na ako ang mas naapektuhan sa away nilang dalawa?

"Wait, hold up guys, I think you need to respect my place. And stop cursing my brother, Drei. Nakikiusap ako sayo." Sabi ni Edge.

Hinarap ni Drei si Edge.

"Bakit, totoo naman ah! Alam mo ba yung palakad ng kapatid mo sa kappa, Edge? Ikaw ang matanda sa inyong dalawa, hindi mo dapat tinotolerate yang kapatid mo. Imposibleng hindi mo alam yang ginagawa ng kapatid mo."

Pinaghiwalay ni Edge yung kamay ni Drei sa kamay ko.

"Let Dom decide kung kanino gusto niyang sumama."

Tumingin sa akin si Drei.

"Sa akin ka sasama right? I'm your bestfriend."

"Drei Banchero, we're not that close. Pero di ba naging membro ka din sa kappa ng kapatid ko.... So may alam ka din sa tunay na palakad ng kappa?" Kinuwestyon ni Edge si Drei. "Bakit hindi ka nagsalita noon pa? Bakit hinayaan mo pang mapasok si Dom doon? Akala ko, bestfriend mo siya? Kung talagang may pakelam ka at concern kay Dom, hindi mo siya hahayaang mapalapit sa kappa."

"Hindi totoo yan!" Sabi ko. Tumingin sa akin si Drei at Edge. Si Zie nakatayo lang walang expresyon ang kanyang mukha.

"Kaya ako tumiwalag kase hindi ko na kayang maatim yung nakakadiring palakad ni Zie doon. Ginagamit niya ang kappa para makahanap ng bagong submissive." Sabi naman ni Drei.

Tumingin si Drei kay Zie.

Tahimik lang si Zie at mukhang hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi sa kanya ni Drei.

"Drei tama na." Sabi ko.

"Dom, inaalala ko lang yang kapakanan mo. Ayaw kong pinagsasamantalahan ng iba yang kahinaan at kabaitan mo."

ZieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon