Chapter 36

4.8K 138 19
                                    

Isa hanggang dalawang beses pa akong sinikmuraan ni Jin.

Sinamantala niya yung kahinaan ko, hinalikan ako ni Jin sa leeg hanggang sa tainga ko.

Wala akong nagawa.

Dahil wala pa akong kain kanina pang agahan, lalo akong nanghina dahil sa mga suntok na natanggap ko mula kay Jin.

"Baka nalilimutan mo, kung hindi dahil sa akin, hindi ka makakabalik dito sa bahay!" Sabi ni Jin habang hinahalikan ako ng marahas sa leeg.

"J-jin... Pakiusap, tama na." Pagmamakaawa ko.

Muli nanaman akong sinikmuraan ni Jin.

Doon na ako tuluyang nawalan ng lakas. Napaupo ako sa sahig.

"Jin.. H-hndi ko alam kung anong kasalanan ko sa inyong mag-iina, bakit niyo ako ginaganito?"

"Gago ka pala eh! Dahil sayo, wala nang gana si papa sa amin ni Sanji. Dahil yan sa pagbibida mo!" Hinawakan ni Jin yung kwelyo ng damit ko. Tinaas niya ako.

"Kung hindi ka masyadong mapapel, hindi ka sana makakatikim sa akin."

Galit na galit si Jin sa akin. Namumula yung mata niya at mukhang lango siya sa ispirito ng alak.

"Subukan mo lang magsumbong kay mama, hindi lang yan ang matitikman mo."

Bago umalis si Jin, sinikmuraan pa niya ako ng isang beses. Doon na ako napadapa at nagsuka. Nahihilo din ako tapos biglang kumirot yung pilay ko sa bandang tagiliran.

.
.
.
.

Nang gabi ding iyon, ang buong akala ko kahit papano ay makakapag pahinga ako. Aatupagin ko nalang sana ang pagrereview at mag back lessons ako ng sarili. Kaso, pagbaba ko mula sa attic, nadatnan ko na may dalang barkada si Sanji sa salas.

Nagkalat ang mga pinagkainan nilang titsirya at pinagbalatan ng balot at mani sa lapag. Tapos may alak pala silang iniinom.

Nagkalat din ang mga basyo ng red horse sa paligid.

Hindi ko sinasadya na may narinig akong usapan nila ni Alvin. Nasa dirty kitchen sila sa likod bahay. Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"Pre, paano kapag nalaman ng nanay mo na ikaw ang kumuha ng perang binibintang niya ngayon sa pinsan mong si Dom?"

"Walang makakaalam kung hindi ka magdadaldal. Dahil kapag nalaman ni mama yun, ikaw ang babanatan ko. Sayo ko lang sinabi yun, Alvin."

"Naawa kasi ako kay Dom. Usap usapan siya ngayon sa UP."

"Wala akong pakelam. Dapat lang yun sa kanya. Masyado siyang epal sa amin ni Kuya Jin."

"So, ano plano mo?"

"Tuloy lang. Pati, nakikinabang ka din naman sa motor ko di ba? Inabutan din kita ng pera. Kaya manahimik ka kung ayaw mong hindi na masikatan ng araw bukas. Baka hindi ka umabot sa graduation ninyo."

"Pare, hindi na kasi kaya ng konsenya ko. Naawa ako kay Dom. Ang bait niya kase sa akin."

Nakita ko na kinuwelyuhan ni Sanji si Alvin.

"Pare, kanino ka ba kampi? Baka gusto mong isiwalat ko sa council ang mabahong pagpapatakbo ng master niyo sa kappa? At baka nakakalimutan mo, kapag ginawa ko yun, kick out ka at ang kasapi mo sa kappa!"

"Pare, wag naman. Ang akin lang naman, hanggang kelan mo itatago ito?"

"Hanggang sa tuluyan ng mawala sa amin si Dom."

Buti nalang at nakatago ako agad bago bumaling ng tingin sa direksyon ko si Sanji.

Nanlumo ako sa narinig. Kung ganon, si Sanji pala ang kumuha ng pera ni Tita.

ZieWhere stories live. Discover now