Chapter 16

8K 293 31
                                    

"Handa ka na?" Tanong ni Zie, Titig na titig ito sa akin. Pumitik yung puso ko, ang gwapo niya talaga. Tumango ako, gusto ko sanang sabihing handa ako sa kahit na ano kaso nauunahan ako ng kaba at excitement.

Sinubukan kong maging casual at hanggat maari hindi ipahalata kay Zie na gustong gusto ko siya. Ayaw kong makitaan ako ni Zie ng ganun baka isipin niya, ang harot ko.

I am really trying my best to become impassive as possible habang papasok kami sa elevator, hawak ako ni Zie sa kamay. Naalala ko, ganito rin yung hawak niya sa kamay ko nung kumain kami sa resto/cafe noon. My heart leaps a joy. Masama bang kiligin? Siguro mga limang segundo lang nasa top floor na kami.

Nakita ko yung puting private jet ni Zie. "Lika na." Sabi ni Zie. Hawak padin niya ako sa kamay.

"Okay ka lang?"

"Oo." Naramdaman ni Zie yung pangangatog ko. First time kong makakasakay sa private jet. At nisa panaginip, hindi ko naisip na magkakaroon ako ng pagkakataong makasakay sa sasakyang panhimpapawid. Sobrang excited ako ngayon. Masaya. Sobra. Kasi si Zie ang kasama ko.

Nang makalapit na kami, mas malaki pala iyon sa inaakala ko. Binuksan ni Zie yung pintuan sa harapan at pumasok ako sa loob. Wow. Ang lambot ng upuan. Ganito pala yung feeling kapag nasa loob ka na ng isang jet. Nakakakaba na masaya.

"Upo - wag kang humawak sa kahit na ano." Utos niya habang umupo narin sa tabi ko.

Sinara niya yung pinto ng malakas. Sapat lang sa dalawang tao ang laki ng cockpit area ng private jet ni Zie. Pumunta siya sa harapan ko para malagyan ako ng harness. Merong apat na kanto itong harness. May mga butas iyon para sa pasukan ng harness. Sinikipan ni Zie yung nasa taas na straps, para hindi ako makagalaw.

Masyado siyang malapit sa akin at naka focus sa ginagawa niya. I can almost smell his breath and his hair.. Hmm.. Ang bango.. Lalaking lalaki.. Konting konti nalang at mahahalikan ko na siya. Pero hindi ako makagalaw kase masyadong mahigpit ang pagkakatali niya sa akin. Tumingin siya sa akin at ngumiti. His eyes is burning. Zie is tantalizing close. I hold my breath habang dinodoble check niya ang higpit ng mga straps sa katawan ko.

"You're secure. Wala ka nang kawala." Bulong niya sa akin. There is humor in his tone. And I can't help but bit my lip. Ang gwapo talaga ni Zie! Shit! Lumapit siya sa akin at pinadaan ang daliri niya sa pisngi ko. He's gently caressing it with his long skilled fingers.. Sabay binigyan ako ng mabilisang halik sa labi. Tumunog iyon.

"I like this harness on you, Dom." Bulong niya.

Ano daw? Minsan talaga hindi ko maitindihan si Zie.

Umupo siya sa tabi ko at nag seat belt nadin. Tapos may mga switch siyang binuksan at button na pinindot.

"Isuot mo." Turo niya sa headphones sa tapat ko. Sinuot ko iyon at pamiramdam ko, malalaglag iyon sa tenga ko. Ang bigat pala nun.

"Alam mo ba yang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang abala siya sa pagpipindot ng mga switches.

Tumingin siya sa akin. "Wag kang mag-alala, isa na akong professional pilot at ginagawa ko na ito for four years now. Kaya ligtas ka sa akin." Sabi niya na may kasamang ngiting aso sabay kindat.

Shet! Wag kang magpa cute dito Zie!

"Ang dami mo naman palang alam imaneho." Sabi ko sa sarili ko. Pero hindi ko inaasahan na narinig niya pala iyon.

Tumingin si Zie sa akin at kumindat. "Oo naman. Kahit nga ikaw pwedeng pwede kong drive-an."

Namula ako sa sinabi ni Zie. Alam ko naman na ibang Drive ang tinutukoy niya. Pero kampante naman ako kase hindi niya yun magagawa sa akin kase siya ang magmamaneho ng private jet.

ZieWhere stories live. Discover now