Chapter 5 (ORIGINAL DRAFT, DOM MET ZIE)

12.9K 348 31
                                    

Maingay, magulo at... malamig. Punong puno ng mga tao ang lugar kung nasaan kaming tatlo nila Alvin. Nandito kami ngayon sa isang kwartong malaki na ayon kay Drei ito raw ay Chapter Room - isang nakatago at lihim na meeting place ng mga Old Balls o senior member sa isang fraternity. Sabi ni Alvin sila daw ay Alumnus o mga grumaduate na sa UP pero kasapi padin ng kanilang samahan.

"Brod!" Sigaw nang isang lalaki na sumalubong samin. Nakita ko na nag kamayan ulit silang tatlo nila Alvin at Drei - katulad nung ginawang kamayan nila Alvin at Drei noon.

Napatingin sa akin yung lalaki. Parang nakakita ito ng "unwelcome visitor". Surely, It is obvious that I was just visiting. I don't fit in here at all.. The thought made me feel worthless. Wala nang bago Dom I inwardly sigh.

Nagsimula na akong magsisi sa suot ko ngayon - puting t shirt at slim fit na jeans. Sana hiniram ko nalang yung leather jacket ni Drei. I have made an effort to wear my one and only jeans. Dalawang beses ko palang ito nasusuot. Tinatago ko talaga ito para sa mga importanteng lakad.

"Sino nagbigay ng bid sayo?" Tanong sa akin nung lalaki. Matangkad ito. Malaki ang katawan. Kahanay niya yung mga katawan nila Sanji at Jin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Wala naman kase akong ka-idi-idea sa tinanong niya saken.

"Brod, Akin siya." Sabi ni Alvin. Tinignan ako nung lalaki pataas, pababa. Tila inaases niya ang pagkatao ko. May binulong ito kay Alvin. Feeling ko tungkol sa akin yun. Tumingin yung lalaki sa akin. "Tignan ko lang kung tatagal siya." Sabi niya sabay alis.

Lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi nung lalaki. Sinundan ko siya ng tingin, nakita ko na tumatawa ito habang naglalakad. Ano ba 'tong pinasok mo, Dom? Dapat sa structural designs ako naka focus at wala dito!

Inakbayan ako ni Drei. "Dom, okay ka lang?" Tumingin ako sa kanya. Mukha ba akong okay? Kasalanan mo to Drei!

"Umuwi na tayo Drei. May tatapusin pa akong design eh." Sabi ko. Gusto ko na kasing maka alis sa lugar na ito.

"Okay lang yan. Wag kang matakot. Andito ako. Sasaluhin kita kapag hindi mo na kinaya." Sabi ni Drei. Alam ko pinapalakas lang niya loob ko. Si Drei kasi mas malakas ang loob kesa sa akin. We are comepletely different pagdating sa mga likes and dislikes namin. Magkaiba ang level ng strenghts naming dalawa.

"Sasaluhin mo ako? Bakit ilalaglag ba nila ako sa bangin?" Tanong ko.

Natawa si Alvin. "Hindi. Hindi ganun, basta malalaman mo rin mamaya Dom."

Mas lalo akong kinakabahan sa mamaya mamaya na yan. Dahil sa kaba, nagpaalam ako kela Drei para mag CR. May nakita akong sign na Comfort Room malapit sa likod ng mini stage.

I stand rather shakily. Naunahan kasi ako ng lalaki na pumasok sa CR. May nabasa kasi akong sign duon na "One at a time". Naghintay akong matapos yung lalaking naka leather jacket na nauna sa akin. Ihing ihi na kase ako. Hindi ko alam kung sa aircon o dahil sa kaba kaya ako naiihi.

Naghintay ako.. Nang naghintay. Pero ilang minuto na hindi padin lumalabas yung lalaking naka leather jacket sa loob. Akala ko baka napano na siya, kaya I make my way to the partially open door.

Tinulak ko yung pinto at natumba ako. Natapilok ako sa kahoy na nakaharang doon.

Ang lampa lampa mo talaga Dom! Itinayo ko ang sarili. Humawak ako sa door knob. May nakita akong kamay na nag oofer ng tulong sa akin. Hiyang hiya ako. Damn my clumsiness! Huminga ako ng malalim bago tinignan kung sino nagmamay ari ng kamay na iyon. Dom! Yung lalaki sa hardware store!

Zieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن