Chapter 1

27.8K 505 40
                                    


"That's all for today, don't forget to review, may pop quiz tayo bukas. Class dismiss!"

Pagkalabas na pagkalabas ng prof namin, sabay na nag tayuan ang mga classmates ko.

"Dom," inakbayan ako ni Drei, ang bestfriend ko since high school. "Review tayo mamaya sa place ko."

Nilagay ko na sa bag ko ang mga libro at ballpen ko. "Sige tawagan mo nalang ako kung anong oras" sabi ko.

Biglang umilaw ang phone ko, pag tingin ko, nakita ko ang pangalan ni Tita.

May 5 missed calls na pala ito. Naka silent kasi ang phone ko kaya hindi ko namamalayan. Hindi ko mailagay sa vibrate mode at baka tuluyan nang mag goodbye philippines ang Nokia 1280 ko.

Tumingin ako kay Drei. Medyo nalungkot siya. "Sige, next time nalang siguro."

Alam kasi ni Drei na kapag si Tita na ang tumawag sa akin, may ipapagawa nanaman ito, kaya alam niya na magiging busy ako.

"Pasensya na Drei, magseself review nalang ako mamaya bago matulog." Ang sabi ko nalang.

"Oh hindi mo ba sasagutin yang phone mo?" Tanong ni Drei. "Baka napano na yang Tita mo." Sarkastikong sabi niya pa.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Dom! Asan ka na! Dalian mo umuwi ka na! wag ka nang maglakwacha! Umuwi ka na dito at tulungan mo ako! Ang dami pang gagawin tanghali na!" Yan ang bungad ni Tita. Hindi pa man din ako nakakapag hello.

"Opo Tita, pauwi na po." Sabi ko nang matapos ang kung anu ano pang sinasabe ni Tita.

"Alam mo yang Tita mo, kulang nalang ma permanent disable na. Grabe, hindi ba siya makakilos ng wala siyang alalay?" Angal ni Drei.

"Hayaan mo na Drei. Nagtitiis nalang din ako eh." Sabi ko. Tumayo na ako at naglakad na palabas ng room.

"Hay nako! Dom, hindi nila hawak ang buhay mo! Hindi porket sila ang nagpapa aral sayo, susunod ka nalang sa lahat ng sinasabi sayo ng Tita mo!"

"Wala eh, ganun talaga." Sabi ko. Kung may mapupuntahan nga lang akong iba, hindi na sana ako magtitiis ng ganito.

"Bakit ba ang bait bait mo?" Tanong ni Drei habang naglalakad kami. Naka akbay ito sa akin.

"Nakikisama lang ako kay Tita, alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa kanya. Asawa niya ang nagpapa aral sakin ngayon. Kaya lahat ng iuutos ni Tita, sinusunod ko nalang." Sabi ko.

Sinasabayan ako ni Drei sa paglalakad. Mabagal lang ang ritmo namin.

"Alam mo, pag igihan mo, galingan mo sa pag aaral natin. Para balang araw, hindi ka na nila aapi-apihin ng ganito. Eh halos wala ka nang social life! Lahat ng libreng oras mo nauubos jan kakasunod sa lahat ng iniuutos sayo ng Tita mo."

"Alam mo naman na sumusunod lang ako sa kanila. Ganti ko na yun para sa pagpapa-aral sa akin ni Tito. Nakakahiya naman kung kain tulog nalang ang gagawin ko."

"Eh hindi na pakikisama yang ginagawa mo eh, nagmumuka ka nang boy sa style mo. Utos dito, utos doon, ikaw naman si tanga, sunod lang ng sunod. Hindi ka marunong mangatwiran."

"Alam mo naman na hindi ako pwedeng umangal. Dahil konting pagkakamali ko palang, naka report na agad kay Tito sa Dubai. Baka mamaya, bawasan nanaman ang allowance ko. O baka patigilin na ako sa pag-aaral. Ayaw ko naman mangyari yun."

"Eh diba may sweldo ka naman sa part time job mo?" Tanong ni Drei.

"Hindi naman din yun kalakihan. Nagagastos ko din yun sa bahay. Hindi naman pwede na hindi ka gumastos doon. Nakikitira lang ako. Nakakahiya. Si Tito na nga ang nagpapa-aral sa akin."

ZieWhere stories live. Discover now