Chapter 19

6.8K 229 29
                                    

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Drei. Tumalikod na ako at bubuksan na sana yung pinto.

"Babalik na ako kela Zie." Sabi ko.

"Hindi ka makakalabas ng pinto kapag di ko binuksan yan. Kaya kung ako sayo, dito ka nalang matulog overnight." Nakatingin at naka ngiti si Drei sa akin. Shit! Bat ganito? Ang gwapo ni Drei sa paningin ko. Bigla akong nag blush. Tumingin ako sa bintana para di niya mahalata.

"Please, buksan mo na yung pinto." Sabi ko. Ayaw ko talagang tumingin sa kanya.

"Hmm.. Eh kung ayaw ko?" He tease. Ang cute ng pagtawa ni Drei. Ang hot.

Tumingin ako sa kanya at pinaningkitan ko siya ng mata. Sinubukan kong buksan muli yung pinto kaso baliktad yung lock nito. Nasa labas yung lock tapos yung susian nasa loob. Haay!

Pinakita sa akin ni Drei yung susi. Winagayway niya yun sa ere. "Say please muna."

"Nakakainis ka Drei!" Sabi ko sabay upo sa kama niya at nag crossed arms. Tawa lang ng tawa si Drei. Kahit kailan talaga ang lakas niya saken mang asar.

"Para kang bata jan. Ang cute mo." Tatawa tawang sabi niya.
Tumabi siya sa akin. Tinignan niya ako sa mukha tapos pinunasan yung ilong ko.

"Uyy! Seryoso ka jan ha. Kitamo pati ilong mo namamawis na. Hahaha!"

"Ano ba kaseng ginagawa mo Dito?" Naka crossed arms parin ako sa kanya.

"Hmm.. bilang membro ng samahan, dapat kung nasaan ang activity nila, andun din ako." Sabi niya.

"Alam mo ba, nung nalaman ko na wala na akong mga magulang, nagsumikap ako. Nag aral akong mabuti hanggang sa nakapagtapos ako ng high school, diba dun tayo nagkakilala? Tapos naging magkaibigan tayo hanggang sa.." Tumigil si Drei. Napatingin ako sa kanya. Naka tingin na ito ng mataman sa akin. Tila inaalisa niya yung mukha ko.

"..doon ko lang napagtanto na hindi na pala simple 'tong nararamdaman ko dito." Tinuro niya yung puso niya. Hinihintay ko lang siya matapos sa sasabihin niya. Tumingin muli siya sa kung saan tapos tinuloy ang sinasabi niya.

"Alam mo ba, akala ko, kay Lola nalang ako kukuha ng lakas at inspirasyon. Nung nalaman ko na ulila ka nadin, at sa tita mo pa ikaw nakatira, nagkaron ako ng lakas ng loob para mag pursigi. Kase alam ko, hindi na ako nag iisa." Inakbayan ako ni Drei. Tapos muli nanamang nagsalita.

"At nung nalaman ko na binubully ka ng mga pinsan mo, at yung demonyita mong tita ay pinagmamalupitan ka, doon ako nagkaron ng lakas ng loob na sumali sa fraternity. Naisip ko na pag nakapasok ako, matutulungan na kita. Ayaw ko kase na nahihirapan ka sa puder ng tita mo. Ayaw ko na umiiyak ka lagi Dom." Huminto si Drei at napangiti.

"Tiniis ko ang lahat ng hirap at sakit, makapasa lang ako at maging kasapi sa samahan nila. Ang Kappa. Lahat nang iyon, hindi ko magagawa dahil sayo.." Tumingin si Drei sa akin at ngumiti.

Doon ko lang napagtanto na mahirap makahanap ng taong kagaya ni Drei. Yung uunahin ang kapakanan mo bago sarili niya. Yung iisipin yung kaligtasan mo bago sarili niya. Maswerte ako kasi nakilala ko at naging bestfriend ko ang isang katulad niya.

"Pero mali pala ako nang desisyon." Naging seryoso si Drei. Parang may kinikimkim ito na hindi niya masabi sabi.

"Panong mali?" Tanong ko.

"Lalo lang pala kita nilalagay sa kapahamakan." Tumingin si Drei sa akin. May nabubuong panghihinayang sa mga ngiti niya. Kita ko sa mga mata niya na mali talaga ang desisyon niya na ipasok ako sa Kappa.

"Ano ba talagang meron sa Kappa?" Lalo akong naiintriga sa samahan nila Zie.

"Hindi ito ordinaryong samahan na tulad ng lahat na alam kung ano ang fraternity. Nagkakaisa din sila, kasalanan ng isa kasalanan ng lahat, pero, hindi sa paraang alam natin."

ZieWhere stories live. Discover now