Chapter 38

5.7K 127 31
                                    

Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Zie. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko na din inabalang itanong pa. Ligtas ako kapag kasama ko si Zie. Kaya okay lang kahit saan basta siya kasama ko.

Kanina pa ako walang imik. Ganun din si Zie na mula sa peripheral view ng kanan kong mata, nakikita ko si Zie na maya't maya ang tingin sa akin.

"When was the last time you ate, Dom?" alalang tanong ni Zie. "Pumapayat ka."

Aware ako sa sinabi niya pero hindi ko magawang sumagot.

"I'm sorry wala ako sa tabi mo. Lumabas ako ng bansa for two weeks simula nung hinatid kita pagkagaling natin sa Ilocos. I just found out kay Alvin yung nangyari sayo. Gusto mo bang turuan ko ng leksyon yang pinsan mo?"

"Wag." Mabilis kong sagot.

Alam kong kayang kayang gawin iyon ni Zie. Pero, pinsan ko padin sila Sanji at Jin kaya hindi ko padin ma aatim na paghigantihan ko sila. Tama na sa akin na nalaman na ang katotohanan. Sapat na yun.

"Okay ka lang ba? What's on your mind? Tell me." Hinawakan ni Zie yung kamay ko.

Upon our hands touched, I felt an electric current na masasabi kong namissed ko everytime na hinahawakan ni Zie ang kahit na anong parte ng katawan ko. Sobrang ramdam ko ang concern at pag-aalala sa akin ni Zie ngayon.

"I promise, this time hindi na ako mawawala sa tabi mo. I'll make it up for you."

Napangiti ako sa sinabi ni Zie. Masarap pakinggan lalo na sa parte ko. I admire Zie a lot. At alam kong alam niya ang level ng pagka-attract ko sa kanya.

Partly ng utak ko ngayon sinasabi sa akin na huwag maniwala sa sinabi ni Zie. Wala naman kaming relasyon. Malinaw sa akin na hanggang sex lang ang namamagitan sa aming dalawa. Malinaw sa akin na yun ang pinaka "relasyon" naming dalawa. Diba si Zie naman din ang nagsabi na "I don't do the boyfriend thing" kaya mahirap umasa sa sinabi niya sa akin ngayon. Ayokong masaktan. Ang hindi ko lang matanggap, simula nang magkaroon ako ng pagkakataong mapalapit kay Zie, nagsimula na akong umasa sa lahat ng bagay na nagmumula sa kanya. Mahina ang puso ko at pagkatao pagdating sa kanya. Lalong lumalambot ang damdamin ko na lagi akong nagpapadala sa lahat ng mga sinasabi niya kahit na alam kong sa huli wala naman akong mapapala. Masasaktan lang ako at lahat ng ito ay balewala - iyan ang pilit na pinapaintindi ko sa utak ko. PILIT. oo pero, iba ang tibok ng puso ko kapag kasama ko si Zie.

Hindi ko namamalayan na may luha na palang tumutulo sa mga mata ko. Agad hininto ni Zie yung sasakyan ng makitang umiiyak ako.

Bigla niya akong niyakap. Sabay sabing..

"I'm sorry.."

At hindi ko na din napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong umiyak. Sana heto na yung huling beses na iiyak ako ng ganito.

----

Dalawang mabagal na araw na ang nakalipas simula nang makita ko si Zie. Dalawang araw na din siyang walang paramdam. Tama nga ang utak ko na wag siyang paniwalaan. Imbes na isip-isipin ko si Zie, inabala ko nalang ang sarili kong mag-isa dito sa condo ni Drei. Sabado ngayon at wala akong klase.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nag decide akong mag jogging. Sinuot ko ang hindi ko pa nagagamit na sneakers na bigay pa sa akin ng tatay nila Jin at Sanji. Sinuot ko ang earphone ko, hinahanap ko sa cellphone na pinahiram sa akin ni Drei ang paborito kong playlist.

Naglalakad si Drei sa hallway nang masalubong ko siya. Galing siyang UP at mukhang kakauwi lang niya. Nagkangitian lang kami. Nag sign ako na magja-jogging lang tumango si Drei at nagsabing "Mag-iingat daw ako." I need some serious time alone. Sam Smith is playing in my ears, lumabas na ako ng unit.

ZieWhere stories live. Discover now