"Mukhang mayaman, sis!"

"Sugar daddy!"

"Diba Sobreval yan? 'Nong ginagawa niya dito?"

"Wala na akong pakialam kung anong ginagawa niya dito. Basta akin siya! Asawa ko yan!"

I flinched at the vulgarity of words thrown by the girls who were watching his every move. Nagsimulang gumapang ang pagka-irita sa akin ngayong nakikita silang nababaliw sa boyfriend ko. Suplada na akong nakatingin sa kanila, nanliliit ang mga mata. Blake texted me earlier that he's going to see me after enrolment, as soon as he's done in work. I guess he went out early, because now he's here and people are going crazy over his mere existence.

"Bakit hindi ka pa nagsusulat—oh..." a sly smile curved into Jessica's unpainted lips. "Nandito pala si Blake." Pinanuod niyang huminto si Blake sa gitna ng field. The morning light basking into his skin made him glow like some Greek god and it infuriated me more! Parang mamamatay na ata kakatingin ang mga babaeng kanina pa siya pinagpapantasyahan. "Hinahanap ka ata, Anna."

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kaniya. Let's see if he can find me in the crowd. He tried to pull out his phone and seconds later, mine vibrated. I know he's asking where I am right now, but I'm not answering. Tahimik lang akong nanunuod kung papaano niya ako tutuntunin.

He advanced after receiving no reply. Habang palapit siya ay mas lalo namang lumalakas ang tilian ng mga babae sa harapan namin. Pati iyon ay napansin na din ni Jessica.

"Ang haharot, Anna! Ano, upakan na natin?"

Hinawakan ko kaagad ang braso ni Jessica nang akmang tatayo na siya. Napatingin tuloy siya sa akin nang nagtataka. I shook my head. She sighed.

"Hay nako. Kahit kailan talaga..." dahan-dahan siyang umupo. Nang balikan ko ng tingin ay tuluyan nang pumasok si Blake sa lobby at patuloy pa rin akong hinahanap. Some girls are trying to talk to him, asking him what he might need but he politely ignored them and went on.

Leaning against the side of the wall, I tapped the end of my pen against the paper I'm holding while still watching him. Despite everything that happened, I still can't believe that this man is into me. I thought we would grow to be good friends but now we're kissing and touching each other and it just felt so right. My mind is clouded of him when we were away and now that I'm back and he's here, I still couldn't take him off my mind.

Bahagyang nakaawang ang bibig ni Blake habang nililibot ng tingin ang paligid. Then, he saw me. My heart leapt to my throat when our gazes locked. Umusli ang gilid ng kaniyang labi nang sa wakas ay makita ako. It would've been better if I'm doing something when he saw me! Now he'll know that I've been watching him all the time. Nakakahiya...

"OMG! Papunta siya dito!"

"Tangina, yung panty ko mahuhulog ata!"

"Sis, blessing na to! Amen, Lord!"

Umikot ang mga mata ko nang patuloy na maglikot ang mga babae sa harapan. Binilisan ni Blake ang paglalakad patungo sa kinaroroonan ko. The girls stiffened when he finally neared us. Sumabog ang panglalaki niyang amoy na noon ko pa memoryado. It has always been his signature scent. Hindi gaanong katapang at nagtatagal sa mga bagay na hinahawakan niya.

Nilagpasan niya ang mga babae at huminto sa harapan ko. The three girls sharply turned to us and squinted their eyes. Napanganga sila nang hawakan ni Blake ang magkabilang pisngi ko at pinaulanan ako ng halik sa labi.

"I've been looking everywhere for you," he whispered, while brushing his lips against mine. Nanigas ako sa kinauupuan ko. May naririnig pa akong hiyawan mula sa likod, sa mga estyudanteng nakakita sa ginawa at ginagawa niya ngayon.

Ruthless BeautyWhere stories live. Discover now