Chapter 22

33.2K 1.5K 321
                                    

Chapter 22


"Daming tao! Ang init pa. Hanep." Reklamo ni Jessica habang hinihiwa namin ang dagat ng taong gustong magpa-enrol sa Sta. Veronica College. Tahimik lang akong nakikipagsiksikan habang si Jess naman ay umaangal sa tuwing may nakakasiko sa kaniya o nababangga ang balikat. Kapag nakikita din niyang may tumutulak sa akin para umabante sa linya ay sinisinghalan niya, dahilan ng paglipad ng tingin ng iilang estyudante sa amin.

"Juice, Anna, gusto mo? O tubig?" aniya habang inaabot sa akin ang isang can ng orange juice. Marahan akong umiling at umabante sa linya.

"Ayos lang."

"Sigurado ka?"

I nodded. Ibinulsa ni Jessica ang inaalok na orange juice at binuksan ang isa. Inilibot niya ang paningin sa paligid.

"College na tayo, Anna. Ang bilis ng panahon, 'no?"

Napangiti ako. Tama. Sobrang bilis nga ng panahon. At sobrang dami rin ng nangyari sa loob ng panahong iyon. I thought my life would be normal. I'd finish high school with Jessica by my side, and then move on to college with the guidance of my parents. Hindi ko akalaing magiging ganito pala.

"I-fill up mo yang registration form tapos ipasa mo sa window 6." Masungit na sabi sa akin sa registrar sabay abot ng manipis na papel. Ni hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa akin mula sa kaharap na computer. I quietly accepted the paper and then moved away so Jessica could get hers. Nagtalo pa sila sandali bago tuluyang nakuha ni Jessica ang kaniyang form.

"Sungit-sungit! Matandang gurang naman. Naku!" she muttered angrily under her breath.

Naghanap kami ng bakanteng upuan kung saan pwede kaming mag-fill up sa aming form. While writing, Jessica suddenly lifted her head to stare at me. Tapos ay umugong na ang tanong na alam kong kanina lang niya pinipigilan.

"Ayos ka lang ba talaga, Anna?"

I stopped writing, staring at my paper. Slowly, I lifted my gaze to Jess who looked so worried right now. Her expression reminds me of my mother, whenever I am sick or not feeling good. She'd always have that worried expression that comforts me and helps me to relax, somehow. I always seek for her presence whenever I am feeling bad about myself because she's the only person who can make me feel good.

"Pasensiya ka na, ah? Wala ako nung libing ng tatay mo. Hindi ko rin siya nadalaw sa ospital. Nasa probinsiya ako nung mangyari yun. Nagsisisi nga ako, eh. Kung kailan kailangang-kailangan mo ng kaibigan, saka pa ako wala."

I smiled ruefully. Umiling ako at inabot ang braso niya upang pisilin. "Ayos lang, Jess. Alam kong nagtatrabaho at nag-iipon ka para sa kolehiyo."

"Oo, eh. Dapat second semester pa ako magpapa-enrol para makapag-ipon ako nang maayos kaso naiisip kita. Ayokong iwan ka nalang basta-basta. Iyakin ka pa naman."

Tumawa kaming dalawa sa sinabi niya. But deep inside, gumagaan ang loob ko. I'm still so lucky to have Jessica in my life. She's a good person and an excellent friend.

While we were filling up our forms, the delightful moans of the girls near us caught our attention. Nag-angat ulit ako ng tingin upang makita kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Nagsisikuhan na yung tatlong babae at nang sinundan ko ang tingin nila ay bumagsak ito kay Blake.

Still fresh from work, Blake carelessly toss his car keys and placed his Raybans on the bridge of his nose, walking like he owns the place. Pati ang ilan ay napapatingin din sa kaniya. His sports car is enough to capture the attention of many but when they saw who's driving, the girls are starting to get crazy. Hindi pa iyon napapansin ni Jessica dahil abala siya sa pagfi-fill up ng kaniyang form.

Ruthless BeautyWhere stories live. Discover now