Chapter 38

3.5K 102 4
                                    


Warning: spg.

———————

"Jane ano bang klaseng regalo to?" Pinanliitan ko siya ng mata. Lunes ng hapon at kauuwi ko lang.

"For your information, mareng Mariz, masarap ang alak sa Europe, ano. H'wag mong maliitin ang pasalubong ko." Umirap pa siya bago pumunta sa kusina kaya sinundan ko.

"Alam mong hindi ako mahilig sa alak." Inirapan ko rin siya kahit pa nakatalikod siya sakin.

"I know, right? Si Althea naman ang iinom niyan pero syempre sayo ko iaabot para mag mukhang may pasalubong ako na para sayo." Humarap siya sa akin at ininom ang malamig na tubig sa baso. "Why does your water taste different?" She asked.

"Water tastes the same, Jane. Kaiinom mo ng alak yan kaya pakiramdam mo siguro chaser yan."

"Hindi pare-parehas ang lasa ng tubig. Palibhasa panay ka milk tea at juice." Umirap siya ulit.

"Anyways, dumaan lang ako dito para sabihin sayong pupunta ako sa makati to check how the resto is going there. Ang laki ng idinagdag ng branch na yon sa kinita natin last month."

"Nabasa ko rin sa email. I'll go there next week since pupuntahan mo naman na ngayon. Isasama ko na lang siguro si Althea sa site sa BGC para tignan ang lagay ng pinapatayo natin."

"Okay," she hugged me and gave me a kiss on my right cheek. "I'll see you tomorrow."

Hindi ko na siya hinatid palabas. I just shouted "Ingat.".

Inilabas ko ang steak sa ref para palambutin. Alas quatro pa lang kaya paniguradong mamayang alas seis, malambot na yon at pwede nang lutuin.

May shoot ngayon si Althea sa Bulacan na five pm pa ang tapos. Paniguradong by 7, nandito na siya.

I texted her with my reminder about not eating dinner kasi sabay kami dito sa bahay. I'll just prepare our dinner and let her drink what Jane bought for us.

Inilabas ko na rin ang broccoli at ang ilang bawang. Ang butter, hinayaan ko muna ref at inihanda ko ang paminta.

Nang masiguro kong wala na akong kailangang intindihin, lumabas na ako ng kusina.

I've been thinking about surprising Althea since then. Ngayon ko lang matutupad.

Nag suot ako ng brassiere at lumabas para bumili ng mahabang kandila. Para sa table mamaya.

Ang planong kandila lang, nauwi sa ilang rose petals, balloons, bath bombs and pizza.

Nang makauwi, inayos ko ang beige silk dress at ang aking panloob. Sanay si Althea na hindi ako nagsusuot ng bra kaya hindi ko kailangang gumamit non. Kaso... baka mag picture kami. Magsusuot na lang ako.

Inilagay ko ang dalawang magkaibang kulay na bath bombs sa bathtub at hinayaan itong mag sayaw sa tubig habang paliit nang paliit.

Four scented candles ang inilagay ko na magkakahelera sa kabilang side ng bathtub. Sisindihan ko mamaya sabay kaming liligo bago matulog.

I fixed the table with two long candles on the center, petals na nakalagay sa mga parteng walang nakapatong na kung ano.

Ang alak na nasa ref lang, inilagay ko na sa freezer. Nag text si Althea na patapos na ang shoot niya at napabilis daw.

Inuna ko ang steak at nagpakulo ng tubig na pang banli sa broccoli. Iluluto ko ang brocoli sa sauce na matitira galing sa steak.

Nang matapos ako sa table at ma satisfy sa pinag gagawa ko, umakyat na ako para mag shower. Amoy na amoy ko ang kandila kahit hindi pa nakasindi. Quick shower lang ang ginawa ko dahil nakaligo naman na ako kanina.

I fell in loveWhere stories live. Discover now