Prologue

18.7K 311 16
                                    



Mariz

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Medyo naiiritang sambit ko kay Luke, my boyfriend. Almost three years na yung relationship naming dalawa pero until now, hindi ko pa rin hawak buong oras niya.

He has this bestfriend named Althea. Kaibigan niya raw kahit nung nasa sinapupunan pa lang sila.

"Love, please? Panandalian lang naman. Hindi pa kasi niya napapa asikaso yung condo na lilipatan niya. Just a night or two," nag papa-cute pa na saad niya.

Ganyan siya lagi. Kapag about sa bestfriend niya, wala na akong laban. Pero anong magagawa ko? Nauna yung bestfriend niya.

Hmp! May pang aral sa states tapos may pang bili ng condo unit pero walang mautusan na mag linis ng lilipatan niya. Imposible. Ang sabihin niya, gusto niyang makasama boyfriend ko!

Humaba yung nguso ko, "aayusin ko na lang muna yung guest room." Walang laban na sagot ko.

Mag isa lang ako dito sa unit ko at hindi daw siya mapapanatag kung sa iba makikituloy yung bestfriend niya.

Ilang beses ko na nakita si Althea. Sa video calls, video clips nila before, sa pictures nila, ilang beses ko na rin nakausap sa video calls pero bumabati lang.

Ngayon lang nag decide na umuwi dito sa Pilipinas yung bestfriend niya dahil hindi na daw masyado nag eenjoy sa ibang bansa. Sayang, mas marami pa namang magandang pwedeng kuhanan ng litrato dun kesa dito. Photographer kasi.

"Bakit kasi hindi pa sumabay sa inyo pag uwi niyo last year?" Medyo naiinis na sambit ko. Galing rin kasi sa States sila Luke kasama yung sister niya na si Alexis pati si Tita.

He cleared his throat, "Biglaan din kasi talaga yung pag uwi niya, kasal kasi nung pinsan niya tapos siya gustong kunin na photographer. Hindi naman siya maka-hindi. So ayun." Paliwanag niya.

"Siguraduhin mo lang na mabait yan ha! Kung hindi, naku!" Sabay tayo para umpisahan na yung pag ligpit sa guest room.

Naramdaman ko naman yung pag pigil ni Luke sa braso ko. "Thank you," he kissed me. "This means a lot.." he smiled.

"Hindi na kasi talaga sanay matulog si Alex na may katabi, may mga gamit pa sa guest room kaya hind—" I cut him off,

"It's okay. Magiging mabait ako, I promise." Nakangiting saad ko, pero pag talikod ko, nag pakawala ako ng napaka lalim na buntong hininga, kailangan ko yata talaga sungitan yung bestfriend ni Luke, para na rin alam niya na hindi ako natutuwa sa presensya niya. Parang siya kasi yung girlfriend hindi ako.

Umalis na rin si Luke para sunduin sa airport yung kaibigan niya, sabay na siguro silang kakain.

Nakabusangot na nilinis ko yung guest room. Pinalitan lahat ng kumot at punda, nag walis, pinalitan ko na rin yung tsinelas na pang bahay. Walang banyo dito pero meron naman sa baba, bandang kusina at may banyo din sa kwarto ko.

Bahala na siya. Kaya niya na sarili niya. Siya na nga na mumuwerwisyo tapos aasikasuhin ko pa? No way!

Bumaba na ako agad nang masatisfy ako sa pag lilinis na ginawa ko.

Kailangan ko pa mag luto ng kakainin ko. Pero kahit na mag isa lang akong kakain, dinagdagan ko na baka kasi dito sila mag hapunan.

Ano kayang itsura niya sa personal? Siguro maikli siya manamit. Naka-sexy dress siguro siya ngayon tapos mapulang mapula na lipstick, naka high heels kahit pa medyo malawak yung airport. Naka makapal din siguro na make up kasi ang sabi ni Luke, isa daw sa mga libangan ni Althea ang pag memake up.

Kailangan ko na maligo pero tatapusin ko na lang muna tong niluluto ko. Adobo lang naman kaya hindi ganun katagal. Naligo naman na ko kanina pero kasi, nag linis ako, kaya medyo napawisan. Nakakahiya naman.

Pag lagay ko ng mga rekado, kasama yung suka at toyo, hininaan ko na yung apoy at nag pasyang maligo na sa taas.

Hindi ko na pinatagal yung pag ligo ko, hindi na nga umabot ng ten minutes. Kailangan ko rin kasi balikan yung niluluto ko sa baba.

Nakatapis lang yung tuwalya sa katawan ko at may nakapulupot rin sa buhok ko.

"Holy shit!" Medyo malakas na sambit ng kung sino man sa loob ng unit ko.

Bigla akong napatili, paano siya naka pasok?

Tinakpan niya yung mga mata niya, "I'm sorry, kanina pa ko nag dodoorbell sa labas. Antagal kasi kaya ginamit ko na yung spare key na binigay ni Luke, mag bihis ka muna please? Ako na bahala sa niluluto mo." Saad niya. Para pa siyang nag mamadali na pumunta sa kusina.

Wow! What a great way to meet her for the first time. Ni hindi man lang ako nakapag pakilala ng maayos. Hindi ko rin siya masyadong napag tuunan ng pansin dahil mas nag focus ako sa mga sinabi niya. Bahala na si batman sa kung ano magiging pakikitungo ko sa kanya.

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon