Chapter 8

5.9K 207 5
                                    






Tama si Luke. Parang kailan lang, umiiyak pa ako dahil hindi ko gusto na umalis siya. Pero ngayon, bukal sa loob ko yung pag payag sa pag balik niya sa States.

Nag usap kami ni Luke kanina. Ayaw niya raw magkamali. Ayaw niya raw umalis. Ayaw niya raw akong iwan.

Noon, halos mag makaawa ako sa kanya na wag niya akong iwan. Kahit hindi pa naman kami umaabot sa isang taon noon.

"Halos iyakan mo nga ako noon, Love. How can you say that it's fine now?" Muli kong narinig ang boses ni Luke.

Damn! Bakit ganito? Bakit okay lang? Bakit parang wala lang? Bakit hindi ako nalulungkot knowing na tatlong taon bago siya maka balik ulit?

Kanina pa ako hindi makalabas dito sa office ko. Puro lang ako pag sulyap sa mga papeles sa lamesa ko pero wala naman akong ginagalaw. Pinaglalaruan ko lang yung ballpen sa kamay ko.

"Bukas yan." Sagot ko sa kung sinumang nasa pinto.

"Hey." Si Jane.

"May lakad ka?" Napansin ko kasi yung suot niya.

She's wearing a black fitted dress na hanggang kalahati lang ng hita niya ang haba. Naka stilettos din siya na kulay pula.

"Yup. I have a date." She leaned in to give me a kiss on my cheek.

"Umuwi ka na. You look tired. Mag a-alas siyete na, Mariz, wala ka pa yatang kain." She was right when she said that. Kanina pa ako walang kain. Hindi rin naman ako nakakadama ng gutom.

"I'm fine. Tatapusin ko lang itong huling babasahin ko. Gusto kasi ni mommy mag tayo ng bagong branch sa Quezon. Pag aaralan ko muna yung location."

"No. Uuwi ka na. Ihahatid kita. Ako na ang bahala diyan bukas. Wag mo masyadong pinapagod ang katawan mo." Pag tutol niya.

Madalas sa mga normal na araw, ako ang nasusunod sa aming dalawa. Pero sa ganitong bagay, hindi siya nagpapatalo.

"Alright. Hintayin mo ako sa labas. Mag aayos lang ako." Tumayo na ako bitbit yung handbag ko sa cr.

"May problema ka ba?" Mahinang tanong ni Jane habang ako, nakatingin lang sa labas ng bintana. Hindi nagsasalita.

"You can tell me anything..."

"I... nag paalam kasi si Luke. Babalik raw siya sa States." Panimula ko. Tumingin ako sa kanya. She didn't say anything.

"I mean, you know. Okay lang naman sa akin." She nodded.

"That's the problem. Naiisip ko kasi... bakit ganon? Bakit okay lang? Bakit hindi ako nalulungkot?" My tears started to pour inside my eyes. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko.

"Tapos sabi niya, hindi daw siya aalis kasi hindi niya ako kayang makita na nag iiiyak na naman..."

"Mariz..." she sighed. "Are you... falling out of love?"

"I don't know..." is the only answer na kaya kong banggitin. Miski ako, hindi ko alam ang kasagutan.

"Hindi naman mali kung mag bago yung pagmamahal mo sa kanya." She held my hand.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin 'yon sa kanya." I looked away. Hindi ko alam kung paano na ako kapag nagalit siya. Kapag nalungkot siya. Kapag nasaktan ko siya.

"Couz, love doesn't fade away if it's real. Mag iiba, oo. Pero hindi naman yun mawawala. He will understand." She stopped the engine. Nandito na pala kami sa tapat ng condo ko.

Parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko. Hindi iyon dahil sa sinabi niya.

Lumabas siya at umikot para pag buksan ako ng pinto.

"Everything will be alright, Mariz. Sundin mo yung puso mo." Muli niya akong hinalikan sa pisngi. "Magpahinga ka, okay?" Umikot na siya ulit. Kinawayan niya pa ako bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Bumalik ulit sa loob ng tiyan ko yung mga insekto kanina. May nga pakpak sila at malayang lumilipad. May kumikiliti sa tiyan ko. Hindi iyon dahil sa mga sinabi ni Jane. Dahil yun sa babaeng nakatayo sa hindi kalayuan habang nakatitig sa akin.

"Althea..." mahinang sambit ko. Alam kong hindi niya narinig. Ang intense ng pagkakatitig niya sakin.

Dahan-dahan siyang lumapit. Hindi pinuputol ang pag titig sakin. Why is she like this, though?

Pinunasan niya agad yung pisngi ko nang makalapit siya.

"Dito pa talaga, huh?" She said before kissing me. Not minding the guard who's obviously watching us. Damn, Althea. Hindi ako maka-hindi sayo!

Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming umakyat sa taas. Walang imikan mula elevator hanggang sa makapasok sa unit ko.

Huminto kami parehas sa center table dito sa kusina.

"Maglinis ka na ng katawan. Mukha namang kumain ka na."

"You think so?" I asked. Ang sarap sa tainga ng ganitong boses niya, tunog nag seselos.

"Yup. You look tired. Marami kayong ginawa?" She looked at me looking so pissed.

"Hey! Stop smiling."

"I'm not!" Nakangising sambit ko. Shit talaga! Hindi ko mapigilan.

Paniguradong kung hindi ako iiwan ni Luke, ako ang mang iiwan sa kanya! At sigurado rin ako na hindi ko iyon pag sisisihan.



"Yes you are! Tuwang tuwa ka pa talaga na naiirita ako sayo ha!?"

Hindi ko na napigilan yung tawa ko. She's clearly jealous!

"Uh-huh!" Napapatangong sambit ko.

"You're jealous!"

"Nope. I'm not!" Pag tanggi pa niya.

"Yes, baby... You are!" Nakangising sambit ko.

Kinulong ko siya sa magkabilang bisig ko. Pinahaba niya yung nguso niya bago ipatong ang magkabilang kamay sa mga balikat ko.

"Sino ba kasi yun?" Mahinang sambit niya.

"That's my cousin, Althea. You need not to worry about her." Malambing na saad ko.

"Sana kanina mo pa sinabi yan! Halos mamatay ako sa selos dito, Mariz!"

Tumawa lang ako sa sinabi niya at agad ko siyang hinalikan.

"You're jealous, huh?"

"Yes, Mariz. Akin ka lang dapat. Buong parte ng katawan mo. Miski ang pangalan mo. Lahat-lahat." May awtoridad na sambit niya bago ako halikan. Mas malalim, mas may feelings, halik na tanging pagmamahal lang ang gustong iparating.

I fell in loveWhere stories live. Discover now