Chapter 25

4K 116 7
                                    



"Ang sakit po ng mata ko, ma." Nakayukong sambit ko habang naghahanap ng pamalit na damit.

Alam kong gusto ni mama na magkuwento ako. Simula noong pumasok ako, wala siyang ibang ginawa kung hindi sundan ako ng tingin o magtanong kung kumusta ang Maynila.

"Ma, nag uusap tayo almost everyday. You know everything that's going on with my life,"

Hindi ko maiwasan yung pag tutubig ng mata ko. Alam kong hindi ako tatantanan ni mama unless malaman niya yung totoong dahilan kung bakit ako biglang pumunta dito.

"Halika, yayakap na lang ako,"

Lumapit ako at yumakap. Tuluyan nang bumuhos yung luha na kanina ko pa pinipigilan. Masyadong mahigpit yung yakap niya para hindi ko maisip na talagang concern siya.

"Anak..." she kept on rubbing my back. "What happened?"

"Ma..." sa nanginginig na boses, nanginginig na labi, at nanginginig na balikat, hindi ko natuloy ang sasabihin ko. I hugged her even more.

Parang yung sakit sa nakita ko kanina, nadagdagan dahil sa yakap ni mama.

"Is this about your friend?" Tukoy niya kay Althea.

Umiling ako. Pero kalaunan, umamin rin. "Opo," new set of tears came out. "Napapagod na po ako, ma."

"Napapagod ka na sa kaibigan mo?" Malumanay niyang tanong.

For the second time, I shook my head. Huminga ako ng malalim at tumalikod.

"Magbibihis po ako," I cleared my throat. "Lalabas po ako ulit para kumain."

She didn't say anything. Tinignan niya lang ako ulit tapos lumabas na siya.

Pinakawalan ko yung malalim na hininga na hindi ko alam kung gaano katagal kong pinigilan. Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita yung payapa at tahimik na lugar namin.

After minutes of taking a bath, nag bihis ako ng pang bahay lang na damit.

Ramdam ko yung pag sunod ng mga tingin nila Mama pati ni Daddy nang makababa ako. Nagkalabitan pa sila bago magsalita si Daddy.

"Nak," tumayo siya at lumapit sa akin. "You need anything?" He calmly asked.

"May makakain po ba ako? Snacks?" Manonood na lang ako ng movie sa taas.

Gusto kong aliwin yung sarili ko hanggang sa hindi ko na maisip yung problema na bumabagabag sa akin.

"Kauubos lang ng mga kapatid mo, eh." Si Mama.

"Sige, bibili na lang ako sa labas."

Sa dulo ng subdivision may convenience store na pwede kong bilhan ng kahit na ano.

"May ulam pa naman diyan, Mariz." Sagot ni Mama.

"Hindi na po. Bibili na lang ako. Hindi rin naman ako sobrang gutom."

Walang gana akong umakyat sa taas para kunin yung wallet ko. I checked how I looked and released a deep breath.

Lumabas ako at naglakad papunta sa dulo. Sa unahan 'yon. Bungad bago ka makapasok dito sa line namin.

Para akong lupaypay na dahon habang naglalakad. I'm too weak to smile and too tired to have any energy.

Why do I feel so dead on the inside?

There's no perfect relationship, I know. There will be ups and downs. Whether we like it or not, there will be problems that we will to go through. But... cheating is not a part of those ups and downs, right? Cheating is something that someone can't forget easily.

I fell in loveWhere stories live. Discover now