Chapter 22

4.5K 128 0
                                    



Starting this day with a not-so-happy face is bad but... well... I'm not that happy, so...

Kahapon, pinilit ko si Althea na kausapin at tuluyan nang tapusin ang lahat between her and Nath.

Wala naman sigurong mali kung mag usap sila ulit? I mean... I don't even know where the idea came from but... the outcome may be great, I guess?

"Mornin'" she moved closer.

"Good morning," I smiled. Tumagilid ako paharap sa kanya.

"Any plans for today?" She said with a low voice enough for me to hear.

"None. Sandali lang ako sa resto. May gagawin ka?" I replied.

"I wanna go out with you today," nagsumiksik siya sa leeg ko. "Will that be fine, tho?"

"Of course." Nagtayuan ang mga balahibo ko lalo na yung nasa batok nang sinimulan niyang paulanan ng mumunting halik yung leeg ko. "Susunduin mo ako?" Kunwaring wala lang, I asked.

"Yeah. Well... may mga bibilhin din ako."

"Okay. Get up. Magluluto na ako ng almusal." Sukat sa narinig, mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"No!"

"Althea," medyo natatawang saad ko.

"No," pinalungkot at pinahaba niya ang pagkakabanggit non.

"We really need to get up. Anong oras na,"

"Baby please, just give me a minute. Saglit na lang. I'm still sleepy."

Umayos siya ng higa at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Mariz..." mahina at malambing niyang saad. "Wanna watch a movie later?"

Naramdaman ko ang mga mumunti niyang halik sa leeg ko.

Alam ko na agad kung saan kami mapupunta nito. Hindi ko na rin nagugustuhan yung ganito na palagi na lang kaming hindi natutuloy.

"Like, dito... sa unit." It was a whisper. Just enough for me to hear and understand what she's trying to say.

"Magbabayad ako ng bills bago umalis sa resto mamaya. I'll try to go home early."

"Sasama na ako. Wala talaga akong gagawin today. Besides, wala ka rin namang kasama so..."

"Okay, pero... mag asikaso muna tayo. Pwede?" Natatawang saad ko habang nanggigigil na kinurot ang magkabilaan niyang pisngi.

Kanina pa namin pinaguusapan kung saan manonood. She requested to just stay and watch in her unit but something inside me badly wants to go out.

"Makakapag enjoy din naman tayo kahit na hindi sa bahay manonood, Althea." For the nth time, I said.

"Yeah, but... don't you think na mas okay talaga kung sa bahay na lang? We can enjoy ourselves if we're together. Like, alone."

Actually, I can clearly get her point. It's just that... paano kapag dumating ulit si Nathalie?

Gusto ko sanang mag sabi ng maraming maraming dahilan para hindi na sa bahay manood mamaya. I wanna say everything reason na pwede kong sabihin except syempre doon sa totoong dahilan na ayaw kong magkita sila ulit.

I mean... of course I want them to end everything up. It's just that... hindi muna ngayon?

My insecurities might eat me up and I don't want that to happen. Ayaw kong mag overthink to the extent na hindi ako makakatulog sa gabi. I want to have the peace of mind that she gave me these past few months.

I fell in loveWhere stories live. Discover now