Chapter 33

3.9K 119 7
                                    



The following days were normal. She was busy with her work and new offers and I am busy with mine, too.

"Good morning," she kissed my shoulder after saying that. Bumangon siya at nag punta sa banyo.

Binitawan ko ang cellphone ko at isinayad ang likod sa kama dahil nakatagilid ako patalikod kay Althea kanina.

My phone beeped the same exact moment when Althea got out of the comfort room.

It was a text message from Jane. Pauwi na raw siya. Galing siyang HongKong kasama 'yong babaeng hinahanap niya nitong mga nakaraang buwan.

"Get up and take a shower, love. Sabay na tayong kumain sa baba."

Soot ang roba, lumapit siya sa akin at tinulungan akong bumangon sa higaan. Para akong pagod na pagod na ewan. Wala naman akong ginawang magiging dahilan ng kapaguran ko pero bigat na bigat ako sa katawan ko.

"Ihahatid mo ba ako ngayon?" Dumiretso ako sa closet para mag hanap muna ng maisusuot. "Or sabay lang tayo kakain then you'll go straight to your work?"

Lumapit siya at yumakap mula sa likuran.

I am in my underwear and there's nothing to be uncomfortable about.

"Ihahatid kita today. Doon gaganapin ang go-see sa Diamond hotel malapit sa Robinsons. Ang alam ko, may after party pa."

Iniyayos ko sa pagkakasampay yung susuotin ko at humarap sa kaniya.

"Anong oras kang makakauwi?" She kissed my left cheek. "Late na?"

"Nope. Hindi na ako sasama doon sa after party. Hindi naman required yon, baby."

"Maliligo na ako. Paki ayos na lang yung almusal natin."

Tumango siya at lumabas habang soot pa rin yung roba. Magbibihis yon pagtapos sa baba.

Hindi na ako nagulat nang makita ko na may pahid ng dugo yung underwear ko. Patak pa lang yon kaya paniguradong kasisimula lang talaga ngayon.

No wonder, naiirita ako pati sa mga maliliit na bagay nitong mga nakaraang araw.

"Meron ako," bungad ko kay Althea nang pumasok siya saktong nagsusuot ako ng blouse.

"Sabi na, eh. Kahapon naramdaman ko na yan na malapit ka na." Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi. "Do you want anything?" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wala naman," walang ganang naupo ako sa kama at tinignan siya.

"Any cravings?" Tanong niya ulit.

"Wala nga." Umirap pa ako. Kasasabi ko lang.

"Okay, okay." Nagpakawala siya ng mahinang tawa at tinitigan ako. "Sungit nito," tinabig ko yung kamay niya nang sinubukan niya akong kurutin sa pisngi.

"Make up ko, ano ba?" Mahina kong saad.

"Nakaayos na yung umagahan natin. Umakyat lang talaga ako para sabihan ka."

Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos sabihin yon.

"Susunod ako," dinampot ko yung phone ko tapos hinayaan siyang maunang lumabas.

Nag scroll ako sa facebook habang nakaupo pa rin sa kama. A post got my attention. It was a confession of a girl who's currently in a same sex relationship. Ang sabi niya sa post niya, mahal niya ang partner niya dahil halos tatlong na taon na raw silang magkasama. Ang sabi pa niya, naguguluhan daw siya dahil gusto niyang magkapamilya pero alam niya raw na hindi mabibigay yon ng girlfriend niya. Gusto niya na raw patulan yung mga kumakausap sa kaniya ngayon na lalaki dahil sa kagustuhan niyang magkaanak.

Gago pala 'to, eh. Sana inisip niya muna una pa lang na temporary lang naman yung contentment na nararamdaman niya. Ang sakit sakit non sa parte ng partner niya.

Bumaba akong apektado pa rin sa nabasa. Nakaupo si Althea sa pwesto niya habang hawak rin ang telepono, katulad ko.

Si Althea kaya? Gusto niya kaya ng pamilya?

Syempre lahat naman gusto ng makakasama habang buhay.. pero... iiwan niya kaya ako para sa ibang tao? Para sa kagustuhan niyang magkapamilya?

Maibibigay ko naman sa kanya yon kaso masyadong magastos. May mga operasyon na nakakatulong sa mga katulad namin na magka anak. Hahanap ng donor tapos ituturok na lang.

Pero paano kung... paano kung hindi naman ako kasama sa plano niya na magkapamilya?

"Baby..." agaw ko sa pansin niya nang makaupo na ako.

"Yes?" Ibinaba niya ang sariling telepono at tinignan ako.

"Gusto mo bang magkapamilya?" Panimula ko.

Dinampot niya yung plato ko at sinimulang lagyang ng pagkain.

"Oo naman..."

Napaayos ako ng upo dahil sa isinagot niya. Uminom ako ng kaunting kape sa baso ko bago dugtungan ang itinanong kanina.

"Kung ganon... kailan mo plano?" Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Panandalian niya akong tinignan bago itinuloy yung paglagay ng pagkain sa plato ko.

Tinapos niya muna yung ginagawa niya at inabot yon sakin bago sagutin yung tanong ko.

"Gusto mo na bang gumawa ng pamilya?" Balik niyang tanong.

"Hindi naman yan ang tanong ko, Althea."

"Pero nandon yung sagot ko. Baby, kung kailan ka handa, doon pa lang ako magkakapamilya. Handa ako pero kung ikaw hindi pa, hindi na muna." Natigilan ako doon. Talaga bang... talaga bang kasama ako sa plano niyang pagpapamilya?

"Hindi ko naman maibibigay agad sayo yon. Pero may mga lalaki na willing naman makipag-ano, di ba?"

Parang ngayon lang nag register sa utak ko how risky my questions are. Tinignan niya ako na parang may binabasa sa utak ko mula sa mata.

"Baby... kung hindi naman ikaw ang makakasama ko sa pag gawa ng pamilya, hindi rin ako magiging masaya." Huminga siya ng malalim at umayos ng upo. "Kung magkakaron man ako ng mga anak, they will be ours. Hindi kita iiwan, kung yan yung iniisip mo."

"Hindi naman sa ganon..."

"Kung anu-anong napasok diyan sa utak mo, baby. Mahal na mahal kita at wala akong balak na iwan ka para sa iba. Walang sapat na dahilan para gawin ko yon. Hindi mga salita o galaw mo ang minahal ko sayo, ikaw mismo, baby. Nadadagdagan lang yung pagmamahal ko sayo kasi mas nakikilala kita pero kahit pa magbago yung mga nakita ko sayo, ikaw pa rin yung mahal ko."

Para akong biglang natauhan dahil sa mga naitanong ko. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito yung iniisip ko.

"Pasensya na..." nakayuko kong saad. "Naapektuhan lang ako doon sa nabasa ko kanina."

"Masyado kitang mahal at masyado akong kuntento sayo. Kontento na ako sa kung anong meron tayo at walang kahit na anong kapalit ang tatapat dito, baby."

"I'm sorry..." Dahil siguro to sa dalaw ko kaya ang extreme ng emotions ko. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip na iiwan niya ako kahit alam ko naman sa sarili ko na mahal niya talaga ako.

"Sa lahat ng desisyon na ginawa ko, yung mahalin ka? Baby, doon ako pinaka sigurado."

Matamis na halik at mahigpit na yakap ang tuluyang nakapag patahan sakin. Naalis yung iniisip ko kanina at hinahayaan siya na magligpit ng pinagkainan namin.

Hinatid niya ako hanggang sa office ko. Nagsabi siya na susubukan niya raw pumunta dito para sabay na kaming makauwi.

I texted her my love reminder at sinimulan ko nang magtrabaho.

I fell in loveWhere stories live. Discover now