Chapter 4

7.1K 217 10
                                    




Later that day, we decided to go to grocery store. Paubos na mga stocks ko rito sa bahay. Hindi na kami masyado nag usap pag tapos naming kumain. Nag presenta lang siyang mag hugas ng mga pinag kainan at sinabihan niya na akong mag ayos para makapamili.

Matapos ang halos isang oras kong pag aayos, nakuntento na ko sa itsura ko.

"Kanina ka pa?" I asked. Mukha siyang inip na inip. Nakaupo siya sa sofa while her legs are wide open.

"Tara na." Nag iwas siya ng tingin.

Pinag buksan niya ako ng pinto at pati ng sasakyan. Walang kibong pinag masdan ko siya habang nag mamaneho. Her over sized shirt is tucked in her high-waisted shorts, naka white converse katulad ng akin. Pero hindi katulad ng kaniya, mas maiksi ang shorts na suot ko, mas fitted din yun gdamit ko kumpara sa kaniya.

"Stop staring.." she said in a low voice. Napaiwas agad ako ng tingin dahil don. Damn! Iiwas naman ako ng tingin. Hindi niya ako kailangan sabihan. Nakakailang.

Nakarating kami sa mall makalipas ang labing-limang minuto. Hindi ganoon kalayo ang condo unit ko sa Robinsons kung saan din ako nag tatrabaho.

"Dumaan na rin tayo sa Resto, pag tapos siguro natin mamili." Sambit ko sabay lingkis ng kamay ko sa braso niya.

"Ang iksi ng suot mo..." hindi ko alam kung ano ang emosyon sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko alam kung gusto niyang iparating pero may kung ano akong naramdaman. Pinahaba ko na lang yung nguso ko para pigilan yung ngiting nag babadya na lumabas mula sa aking labi.

Ano ba 'tong nangyayari sakin?

Pag pasok sa grocery store, siya ang nag presinta na mag tulak ng cart.

"Ano bang kailangan natin bilhin?" I didn't answer.

Kung hindi lang siya nag tutulak ng cart ngayon, hinapit ko na siya para mas maging malapit kami sa isat-isa. Gusto kong ipamukha sa mga tumitingin sa kanya na may kasama siya, at ako 'yon.

Nang mapansin nyang wala akong balak sumagot, tinapunan niya ako ng tingin. "Hey," hinapit niya ako sa baywabg. "Are you okay?" She asked.

Hindi pa rin ako sumagot. Hindi ko alam kung sa kanya ba ako nag tatampo o sa mga taong panay ang sulyap sa kanya. Bakit ba kasi nag paganda siya?

"Sandali nga lang," sambit ko nang makaisip ako ng paraan. "Bumili muna tayo sa labas."

"Ano namang bibilhin natin? Nandito na nga tayo sa loob." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Maiintindihan niya kaya? Gusto ko sana bumili ng sumbrero para kahit papano, hindi siya masyadong mapansin.

"Wag na nga lang. Bilisan na lang natin." Pag suko ko.

Inuna namin bilhin yung mga karne na kakainin namin hanggang sa mga susunod na araw. Napag usapan kasi namin na hindi muna siya aalis.

"Vegetables." She pronounced it fluently. "Mahilig ka ba sa gulay?" She asked.

"Yeah, I mean... kind of," that's a lie. Halos hindi ako kumakain ng gulay. Swerte lang ako dahil hindi ako tabain kahit kadalasan, karne ang kinakain ko.

"Ay, ganon? Pang sahog na lang bilhin nating gulay. Tapos fruits naman." Sabay iwan sakin sa gilid ng cart para mamili ng nga gulay na pang sahog.

Habang namimili siya, mamimili na rin ako ng mga prutas. Hindi naman ako ganun kalayo sa kanya. Halos ilang hakbang lang yung layo namin.

"Wag ka nga masyado lumayo sakin." Napatalon ako sa gulat. Bigla-bigla siyang sumulpot. Halos patapos na ako sa pag dakot ng mga prutas nang nag salita siya ulit. "Umayos ka nga ng tayo!" Nababakasan ko yung inis sa boses niya. Anong problema nito?

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon