Chapter 2

8.5K 264 27
                                    




From a deep sleep, nagising ako dahil sa pag higpit ng yakap sa 'kin.

"Uhmm," my eyes are still closed. "Luke, bakit dito ka natulog? Hindi tayo pwede mag tabi, remember?" Hindi ako galit, pero ngayon lang kasi tumabi si Luke sakin.

We both know our limitations. Alam namin yung pwede sa hindi pwedeng gawin.

"Mariz..." a woman who has a husky voice made my eyes shut open. "Wake up, I'm scared." Naramdaman ko pa yung pag hatak niya sa laylayan ng suot kong loose shirt. "Please, gising..."

Napabalikwas ako at napaupo. "Sino ka?" Nabibiglang saad ko. Bakit ako natulog ng may katabi na hindi ko kilala?

Binuksan ko yung lampshade sa bedside table ko. Nabigla pa nga yung mga mata ko dahil sa liwanag mula sa ilaw.

"Althea?" Wait, what?

As if on cue, bumalik sa utak ko lahat ng nangyari. Yung biglaang pag uwi niya, pag tira panandalian dito sa unit ko, pag katok sakin kagabi, yung yaka—,

Parehas naming hindi inaasahan yung biglaang pag kulog, "Aaayy!" Nabigla ako sa pag tili niya at pag yakap sa batok ko. Hindi ako maka hinga.

"Althea, Althea... di ako maka hinga..." medyo nahirapan pa akong sabihin 'yon dahil naramdaman ko yung dibdib niya sa dibdib ko. Parehas kaming walang suot na bra sa ilalim ng mga t-shirt namin.

Naiilang man, inayos ko yung pag kakayakap niya sakin. Yung pag kakaupo niya sa hita ko, pagkakapulupot nung mga braso niya sa batok ko, at dahan-dahan kong kinamot yung likuran niya.

Nawala bigla yung antok ko.

Napalingon ako sa alarm clock sa gilid lang nung lampshade and it says 2:37 A.M. hindi ko alam kung makakatulog pa ba ko, o, kung gugustuhin ko pa bang matulog.

Dahan-dahang lumuwag yung pag kakayakap niya sakin... parang may kung ano sa lalamunan ko na pinipigilan akong mag salita. Ang awkward. Parang walang may gustong mag salita saming dalawa.

"Takot ka sa kulog?" I asked out of curiosity. Pang alis na rin ng awkwardness sa atmosphere.

Tuluyan nang kumalas sa pag kakayakap si Althea, umalis na rin siya sa pag kakaupo sa hita ko. And somehow, there's this something inside me na parang gusto siyang pabalikin sa pwesto niya kanina, sa ibabaw ko.

Hindi siya sumagot, ilang sandali pa, humina na yung pag ulan. Hindi na rin ulit kumulog. Inayos ko yung pag kakasara ng kurtina sa bintana para hindi masyadong nag liliwanag kapag kumikidlat.




"I was just 12 years old when my auntie died. Nag sleep over ako non sa bahay nina Xander. Planadong planado talaga ang lahat. Xander slept with me inside their guest room. It was raining so hard that time. Puro kulog lang ang maririnig." She wipes her tears away. Damn. She looks so precious even when she cries.

"When we were still young, Xander chose to be with his mom, nananakit kasi yung daddy niya. But then, little did we know that auntie wouldn't stay that long with us...." she cleared her throat. "Nagising ako dahil sa sigaw ni auntie next to our room. Hindi ako bumangon agad kasi, I thought I was just dreaming and wala lang 'yon. Pero mali." She looked at me with so much sadness in her eyes.

"Pag pasok ko sa room ni auntie, nakahiga siya, puro dugo. Tapos... tapos... someone climbed from her window. A tall guy. Hindi ko nakilala dahil madilim talaga." Nakikita ko na sobrang punong-puno na siya.

Without a second thought, lumapit ako sa kanya para yakapin siya ng sobrang higpit. I want her to know that she's not alone. I want her to know that I'm here.

"Shh, hush now, you will get over that. I promise." Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Parang... parang ayokong isipin niya na wala siyang kakampi. Ayokong isipin niya na nag iisa siya. Gusto kong isipin niya na nandito ako palagi, I want her to know that I'll stay, kahit pa hindi ko rin alam yung dahilan kung bakit.

"Sobrang kasalanan ko yun. Kung sana lang nakilala ko yung pumatay... kung sana lang hindi ako natakot. Kung sana lang hinabol ko yung lalaki, sana may justice. Ako may kasala—"

"Althea, Althea makinig ka." I grabbed her face using both of my hands. "Look at me," may lambing sa boses ko nang sabihin ko 'yon.

Nag tama yung mga mata namin. Namumula yung mukha niya, namumula yung ilong. Basa yung mag kabilang pisngi, namamasa rin yung mga labi at mga pilik mata niya. But still, hindi nabawasan yung kagandahang taglay niya.

"Hindi mo kasalanan yung nangyari, okay?" I flashed my sweetest smile. "Hindi lang umayon yung nangyari sa gusto mo sanang mangyari." I wiped her tears away. "That incident was hard to accept, I know. Pero wag mong sisihin yung sarili mo. It's not your fault. Hindi mo ginusto yung nangyari."

Another set of tears fell down from her beautiful eyes. I wiped them away again. But this time, using my lips. I'm showering her cheeks with tiny kisses and lastly, I kissed both of her eyes.

"Wag ka na iiyak, okay?" Sambit ko matapos kong halikan yung dalawang mata niya. "Pangit mo, eh." Hinampas niya ako sa braso dahil sa biro kong 'yon.

"Thank you..." sabi niya bago mag sumiksik sa leeg ko.

"Chansing yan, ah!" Pag bibiro ko ulit.

"Ikaw nga chansing dyan, eh. Ilang beses mo ko hinalikan." Naramdaman ko yung pag init ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

Actually, hindi ko talaga alam kung bakit ko 'yon ginawa. Ang alam ko lang, sinusunod ko yung sinasabi ng damdamin ko.

"Hindi na ko makakatulog." Sambit ko habang hinahagod yung likod niya.

"Ako rin." She replied.

Kumalas siya sa yakap at humiga na. Sa kisame siya naka tingin. Humiga ako sa gilid niya at inunan yung braso niya. Sa kisame lang rin yung tingin ko.

Walang may gustong mag salita samin. Okay na rin 'to. Baka kasi may masabi ako na hindi niya magustuhan or hindi ko madeliver sa tamang paraan.

Gusto ko sanang sabihin na I like her being this close to me. Ang comfy kasi talaga.

"Tinawag mo akong Luke kanina..." hindi ko alam kunf tampo o kung ano yung nasa boses niya.

"Hindi kasi talaga ako nag papatabi sa kay Luke kapag natutulog." Kwento ko. "Hindi kasi talaga ako sanay na may katabi matulog. I mean, ayoko talaga na may katabi." I sighed. "Naiintindihan naman ni Luke na ayoko pa gawin 'yon." I looked at her. "As much as I can, pinipigilan ko talaga gumawa ng move na mapapaisip siya na ready na akong gawin yung bagay na yun."

"But... why did you let me in?" She asked.

"I don't know..." I looked away.

"Pinatulog mo ko dito kahit ayaw mong may katabi?— and alam mo naman na I'm into girls." May kahinaan yung boses niya ng sabihin niya 'yon.

"Bakit?" I laughed a little. "Are you into me?" May panghahamon pa sa boses ko.

"Ewan ko." She laughs. "Ano sa tingin mo?" Tanong pa niya.

"Bakit? Hindi mo ba ko type?" Medyo natatawang sambit ko.

"Hindi!" Tumawa pa siya ng malakas.

"Ah, ganon!" Medyo iritadong sambit ko na ikinatawa niya. Tatayo sana ako pero hinila niya ako sa bewang.

"Dito ka lang..." hinigpitan niya pa yung pag hawak sa tagiliran ko. "Dito ka lang sa tabi ko."

Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Parang... parang mali, parang mali talaga pero bakit ganto? Bakit parang gusto kong mag ka mali?

I fell in loveWhere stories live. Discover now