Chapter 3

8.2K 267 48
                                    




"Ano bang magandang panuorin?" Tanong ni Althea. Ang aga-aga pa lang, nag yaya na siya manuod ng kung ano man sa Netflix. Katatapos ko lang kainin yung inihanda niyang breakfast na inakyat niya pa talaga dito sa kwarto ko.

"Seriously? Ginising mo ko ng pag ka aga-aga para yayain manuod lang?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Parehas tayong kulang sa tulog, Althea. Please, let's just go back to sleep..."

"It's already 9 in the morning. Hindi naman kita pinag prepare ng breakfast para matulog lang ulit..." pinahaba pa niya yung nguso niya pag tapos niyang sabihin 'yon.

"May pasok ako mamayang 11." Gustuhin ko mang umabsent, baka makarating na kay mommy, baka masabihan na naman ako na hindi ako pinauwi dito sa manila para pabayaan yung isang branch ng Resto namin dito. Ayoko naman bumalik sa Laguna, nandun yung ex-boyfriend ko na kinukulit talaga ko.



"Don't you want to stay here?" Nag pa-puppy eyes pa siya ng sabihin 'yon. "Hmm?" Pahabol pa niya.

"Kailan ka pa natuto mag pa-cute?" Medyo natatawang tanong ko.

"Wag ka na pumasok, please?" Oh God! How can I resist this cutie?

Lumapit siya sa higaan at humiga sa gilid ko. Nag sumiksik siya sa tabi ko tapos niyakap yung isang braso niya sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at kung nararamdama din ba niya yung nararamdaman ko.

Masyado kaming malapit sa isat-isa. Parehas kaming walang suot na bra sa loob ng mga t-shirt namin. Nararamdaman ko yung hinaharap niya sa kin, pero hindi siya naiilang man lang, parang wala lang sa kanya yung nangyayari sa ilalim ng kumot na pinag hahatian namin.

"Ang bango mo talaga." Parang na-aamaze pa na sambit niya bago ilapit yung ilong sa leeg ko. Rinig na rinig ko kung pano niya sininghot yung amoy ko. It feels uncomfortable, kasi di pa ko naliligo. Nag sipilyo lang ako pati nag hilamos.

She breathed out, naramdaman ko yung mainit na hininga niya sa leeg ko, and somehow, it felt like I'm loving this scenario. Parang kasing init ng hininga niya yung singaw ng katawan ko. Uminit bigla yung paligid.


Kinuha niya yung braso ko at ipinulupot niya yun sa likod niya, nakapasok ngayon sa likod niya yung kamay ko.

I rubbed her back using my not-so-long nails. At dahil wala siyang suot na brassiere, damang-dama ko yung kakinisan nung likod niya.

Medyo lumayo ako sa kanya para narin mas maging komportable ako. Nang dapuan ko siya ng tingin, nakita kong nakapikit siya. And slowly, tinanggal ko yung kamay ko sa loob ng t-shirt niya. Inilipat ko yun sa batok niya. I'm slowly rubbing the back of her ear and the back of her neck. Minsan idinadamay ko rin yung buhok niya.

Muling dumapo sa maganda niyang mukha yung paningin ko. Ngayon ko lang siya tinitigan ng ganito kalapit. She's really pretty. Noon, hindi ako masyado pumupuri ng mga babae, mas napapansin ko pa nga yung mga imperfections nila, but Althea is not just some random girl. Mas maganda pa nga siya sakin. Napaisip tuloy ako bigla... paanong hindi nag kakagusto si Luke sa kanya?

She slowly opened her eyes. She's looking at me the way I am looking at her. Unti-unti kong ibinalik yung pag hagod ko sa buhok niya.

Sa hindi ko malamang dahilan, inilapat ko sa pisngi niya yung palad ko. She leaned into my palm before closing her eyes once again. Sa pag dilat niya, unti-unting sumilay yung matamis na ngiti mula sa labi niya.

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon