Chapter 31

3.7K 106 4
                                    



"Tara." Pinagbuksan niya ako ng pinto bago bumulong. "Baby, dumugo yung ilong."

I looked at her with a smirk on my lips. My left brow naturally raised. Lumapad ang ngiti ko at tinapik siya sa balikat bago ako tumitig sa kaniya.

"Oh?" I exaggeratedly breathed out, still with a smirk. "Anong gagawin ko?" Binasa ko yung mga labi ko gamit yung dila ko.

Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng yon. Mabuti na lang ngayon, may dahilan na para hindi masabi na literal na freak ako.

Isa pa, Althea is my girlfriend, for pete's sake. I know my rights. Alam ko kung kailan dapat walang imik at kung kailan ko kailangang makisali.

She exaggeratedly breathed out and looked down. "Nothing," she said.

Ngumiti siya sa mga tao sa table namin at naramdaman ko yung kamay niya sa baywang ko. "Aalis na kami." Isa isa niyang hinalikan sa pisngi yung mga kasama namin. Ganoon din ako.

"Drink responsibly, guys." Pahabol ko bago damputin yung cellphone ko at bag.

Pareho kaming tahimik ni Althea nang makarating kami sa sasakyan. She opened the door for me.

Bakit parang kasalanan ko pa na ginawa ko 'yon? I only did that because her ex is acting too much. Okay lang sana kung parinig at pag irap lang sa akin. Pero yung ganon na hinalikan niya si Althea? Hell no! Hinding hindi!

Bakit ko ba iniisip yon? Lalong umiinit yung dugo ko.

Isa pa 'tong si Althea. Ayaw pang magsalita. Anong gusto niya? Matuwa ako na hindi maka move on ex niya sakanya? E di mag sama sila! Bwiset!

"Sana hindi mo na sinuntok." Mahinang saad niya. "Dumugo yung ilong nung tao." Dagdag pa niya. Kahit mahinahon naman yung pagkakasabi niya, parang may something doon na nag ti-trigger sa utak ko na sumabat.

"Anong gusto mong gawin ko? Palakpakan siya kasi hinalikan niya girlfriend ko?" I fixed my seatbelt and faced the window. Bahala ka.

"Ang akin lang nama—"

"Masyado kang concern, ah? Pasukin mo sa loob tapos i-check mo kung ayos lang ba siya. Baka mamaya iniisip mong binabawalan kita when it comes to her."

For the nth time, she sighed.

"H'wag kang mahiya sa akin, ano ba? Pasukin mo na..." pinaglaruan ko yung kuko ko at hindi parin siya tinapunan ng tingin.

"Ang akin lang, alam mong model yung tao, Mariz. Hindi na sana ganon." Parang sampal sa akin yung sinabi niya. I know exactly what she's trying to explain. Alam ko naman ma mali ako pero hindi ko napigilan yung sarili ko.

"Paano shoots niya kung pasain siya?"

Sobrang naiintindihan ko yung gusto niyang iparating pero ang receive ko, pinagtatanggol niya yung ex niya kahit malinaw naman na gusto niya lang na makita ko yung maling ginawa ko.

"Pasukin mo na nga sa..." I cleared my throat before continuing. "l-loob..." mahina kong saad. Both of my eyes let go of a tear.

Ano bang iniiyak ko? Ano bang nakakaiyak dito?

Naramdaman ko yung pagkilos niya at narinig ko yung pag click ng seatbelt niya.

I heard the sound of her door. Lumabas siya.

Napapikit ako ng sobrang diin dahil sa ginawa niya. Tears fell down as soon as I heard her door closed.

Lalo lang akong naiyak nang maramdaman ko yung braso niya na nakapalibot sa akin. I didn't even notice her, opening the door on my side.

"I'm sorry..." bulong niya. "I'm so sorry, baby." Inayos niya ang buhok ko at inangat ang baba ko para magtagpo yung mga mata namin.

"I only want you to realize that what you did was wrong. Paano yung trabaho nung tao? Isa pa... magtatanong ang media dahil maraming reporters ang nandoon sa loob kanina."

"I'm sorry..." I'm not sure if she heard that clearly pero totoo... alam ko naman na mali yung ginawa ko.

"Ayos lang naman sa akin kung ako at si Nath lang ang mai-issue. Baby kasama ka doon kapag nagtanong yung media about sa iisue. Madadamay yung pangalan mo pati yung buhay mo. This industry is difficult to face kaya ganon yung naging reaksyon ko." Kalmado at mahinahon niyang paliwanag.

"I do, get your point, Althea. Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko... mapipigilan mo ba yung sarili mo katulad ng gusto mong gawin ko?" Kinalas ko yung seatbelt ko at umayos ng upo paharap sa kaniya. "Kapag ba nakarating sayo na may nagpumilit na halikan ako... kailangan ko bang mag expect na wala kang gagawin?"

"It's not like that..." she breathed out and held both of my hands. "I'm sorry..." hinalikan niya ang mga kamay ko tapos yung noo ko. "Ayaw ko lang na isipin ng iba na war freak ka at ganon yung ugali mo kasi hindi ka naman ganon."

"I can do something morethan just punching, Althea. Gustong gusto kong pilayan yung babaeng 'yon. Wala naman siyang karapatan na halikan ka. You're my girlfriend. I have all the rights to keep you away from her." Paliwanag ko pa rin sa sarili ko. Totoo naman, di ba? I can't even picture my girlfriend with that ex of hers in my mind. Hindi dahil natatakot ako, sadyang alam ko lang na hindi magpapaawat 'yong si Nathalie.

"Stop smiling." Umirap ako at tinignan siya ulit. "Ano ba? Nakakatawa ba?" I crossed my arms and rolled my eyes once again.

"You—" hindi niya tinuloy yung sasabihin niya sana dahil pinigilan niya ako sa pag ayos sana ng upo paharap sa unahan. "I love you." Nakangiti niyang saad bago ako bigyan ng halik.

"You hate my kiss?" Pinaliit niya ang boses niya at pinahaba ang nguso nang sabihin 'yon.

"Doon ka kay Nathalie makipag halikan. Hahalikan mo ako after kissing that girl?"

"Hindi naman dumikit, ah? Pinilit halikan pero hindi dumikit yung labi."

"Whatever," umirap ako ulit pero gumanti na ako nang halikan niya ako ulit.

"Sa akin ka ngayon uuwi." She pushed my nape to draw me closer to her. "I love how possessive you are when it comes to me." She gave me a peck before finally standing straight.

"You don't know what else I can do. Kapag nawala ka, mawawala rin ako. Hindi pwedeng mag isa ka lang o ako. Dapat dalawa tayo."

"Sorry, I didn't understand your side. Naiintindihan ko na ngayon."

"It's okay... basta next time... make sure na iiwas ka ulit sa kahit na sinong iba ang intensyon sayo."

"Yes, boss!" Nakangiti niyang saad bago ako bigyan ng halik sa noo.

"Mahal na mahal kita, Althea." Yumakap ako sa baywang niya bago siya hayaan na lumayo.

"Mahal na mahal din kita. Mahal kita ngayon pati sa mga susunod na araw at taon." She gave my lips a light kiss before going back to her seat. "Uwi na tayo."

Ngumiti lang ako at inayos yung seatbelt ko.

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon