Chapter 13

5K 157 44
                                    



Ilang araw na puno ng sakit at pait. Althea moved out. Nalaman niya rin yung nangyari. She got mad, of course, bestfriend niya 'yon, eh.

"Hay, naku, Mariz. Wala na. Nawala na sayo parehas..." kausap ko sa sarili ko.

Deserve ko yata talaga 'to.

How many days had passed? Eight? Nine? Ten? I'm not sure.

All the sleepless nights, unsaid thoughts, days full of gloominess.

Tangina, tadhana, bakit ka ganito?

Ilang beses pa ba ako dapat umiyak? Ilang beses pa ba dapat malungkot? Gaano katagal pa?

Muli kong binalikan yung huling pag uusap naming dalawa ni Althea.

Althea

Let's not talk for a little while. I respect my best friend and you. Both of you are precious to me, hayaan muna nating humupa ang lahat.

Ako

No. Uuwi ka dito.

Althea

No. I'll stay in my unit. Kukunin ko yung gamit ko kapag alam kong wala ka sa unit mo. I don't want to see you yet. I'm still mad.

Ako

Please, Althea...

—she didn't reply to that. I sent her multiple of messages, still, wala pa ring response.

"Wala ka na namang gana," si Jane.

"Malamang. Anong gusto mong gawin ko dito? Magsayaw?" Umirap pa ako.

"Ang init ng dugo mo lagi, ano?" She laughed as if may nakakatawa. "Lalaki lang 'yan. Billions of people are still alive, lots of them are single. Hindi mo kailangang mag mukmok diyan, Mariz."

Gusto ko sanang sabihin na hindi naman si Luke ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, pero... h'wag na lang.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na. Okay. Lang. Ako?" Diniinan ko pa yung pagkakasabi ko para mas makumbinsi siya.

"If you say so..." she laughed, still unconvinced.

Argh! Okay, hindi pa rin ako okay. Namimiss ko na si Althea. Its been more than a week since the last time I saw her. Hindi pa niya ako kinausap non!

"Mag papahinga ako. Ikaw na lang muna ang bahala sa labas." I breathed out.

"Wow, simpleng-simple 'yang pag taboy mo, ah?" Tumawa pa siya.

"Whatever," muli akong umirap. "Lumabas ka na nga!" Natawa na rin ako.

Alam kong nag hihintay lang si Jane na mag kwento ako. Next time na siguro, kapag ayos na kami ni Althea.

Kamusta kaya siya? Hindi pa rin nasagot sa mga text messages ko, eh. Is she fine? Mag isa lang ba sa unit niya?

"I miss you..." mahina kong saad sa litrato naming dalawa na home screen wallpaper ko ngayon. "Balik ka na..."

Hindi ko na napigilan yung mabilisang pag tulo ng luha ko. These days, napapaisip ako kung bakit hindi pa ako mag try at mag audition para maging artista. Ang galing ko umiyak, eh. Bilis ng luha.

I laughed at my own thought. Nababaliw na nga ako.

Ako

I miss you

Balik ka na

Reply ka naman

r u busy? :(

Napabalikwas ako dahil nag notif na may reply siya. Oh, God!

Althea

Please. Mariz, stop doing these. Stop calling, texting, and chatting me. Hindi ka matutulungan nitong mga ginagawa mo. You need space and I'm giving you that. Let yourself enjoy everything alone. Please, baka nabibigla ka pa sa mga nangyari. After all these complicated things, aayusin natin lahat. We'll fix everything soon. Sa ngayon, kailangan mo muna hanapin at kilalanin yung sarili mo. You broke my bestfriends heart, Mariz. Do have any idea how painful was that? Respetuhin natin yung kaibigan ko, respetuhin natin yung naging relasyon niyo.

Ang kulit ko rin kasi, eh. Hindi ako naniniwala sa mga instinct ko na wala na talaga. Wala ng babalik. Hindi namapipilit.

Althea

Wag kang masyadong makulit dahil baka hindi ko kayanin.

What does she mean by that? Na kapag nakulitan siya babalikan niya ako? Nagpipigil lang siya, ganon? O, o baka naman... baka hindi niya kayanin at tuluyan na akong kalimutan? Hindi niya kayanin at sugurin ako para mapagalitan?

Althea

Alam kong nasasakta ka rin ngayon. I'm sorry for not being able to be with you. I'll be back real soon, for good. Pero sa ngayon, repetuhin muna natin si Luke, please. Mahal ko kayo parehas and you both need some space alone.

Gets ko na. Ganito yata talaga, tuturuan ka ni tadhana kung ano yung dapat mong maramdaman.

Althea

I miss you

Nanlaki bigla yung nagtutubig kong mata. Napaiyak ako lalo, pero this time, dahil na sa saya.

Ako

I like you

Althea

Wag mo ubusin pasensya ko

Ako

Where are you?

Nang tumunog ulit yung phone ko, nawala yung ngiti ko dahil hindi na si Althea yung may message.

Madison

Nandito ako malapit sa resto niyo, you wanna hang out? Let's have some fun, namimiss na kaya kita

Ako

Saan ka banda? I'll fix myself tapos lalabas na ako agad

Madison

Pupunta na lang ako sa foodholic tapos sabay na tayo maglibot.

Hindi na ko nag reply at nag ayos na ko ng sarili, I checked my phone again. Wala na talagang inireply si Althea. Pero at least ngayon, alam kong babalik siya. Babalik si Althea.

Dahil sa isiping iyon, lumabas ako ng office at nakipag beso kay Madison na may malawak na ngiti sa labi.

I fell in loveWhere stories live. Discover now