Chapter 16

5.1K 158 2
                                    



Eighth day, and still, wala pa ring Althea na natutulog sa higaan ko.

She's busy looking after her cousin, Mabel, and its baby.

Nagtetext naman kaming dalawa, may mga pagkakataon nga lang na bigla na lang siyang walang reply, o kaya naman, ako dahil na rin sa matinding antok at pagod.

Kanina, tumawag siya, dumating na daw, finally, dito sa Pilipinas yung Daddy nung baby ni Mabel, pinsan niya.

"Haay, buhay," isang buntong hininga na malalim ang pinakawalan ko.

I miss her.

Pinilit kong bumangon at ihanda yung mga susuotin ko. Sa office na lang ako kakain. Tinatamad akong kumain ngayon.

Nag text kagabi si Jane, saying that I wont see her today. Emergency daw.

Sus. Emergency my ass. Paniguradong may gala iyon na ayaw ipaalam. Mabuti na lang talaga at wala akong gagawin kung hindi ang pumasok ngayon.

Walang gana akong pumasok at bumati sa mga tao dito sa loob ng resto. As usual, dahil kabubukas lang, wala pang customer. Mamayang lunch, paniguradong lahat kami dito may gagawin.

Ako

Busy ka?

Umabot ng tatlong minuto at wala pa rin siyang reply.

Ako

Asan ka?

Still, wala pa ring reply. Busy siguro 'to.

"My coffee, please." Saad ko kay Rizza bago ko buksan yung pinto ng office ko.

"Yes, maam. Anything else?" Magalang niyang tanong. "Ako na lang po pipili ng breakfast niyo, ma'am. Mukha pong wala kayong gana pero pipili ako ng pagkain na hindi nakakaumay."

"Thank you," I smiled. "Brown—"

"Brown rice, coffee without sugar, pero may creamer," nakangiti niyang putol sa sasabihin ko sana.

Hindi ko napigilan yung ngiti sa labi ko. Nagutom ako bigla.

"Yes," napatawa pa ako nang mahina. "Pakibilisan." Dagdag ko at tuluyan nang pumasok.

I ate my breakfast peacefully. Lumabas ako sa office pagkatapos non bitbit yung mga pinagkainan ko.

"Ma'am!" Napatayo si Joven nang makita ako.

"Tulungan niyo si Ma'am," agad na sabat ni Rizza habang kinukuha ang order ng customer. "I'm sorry, what is it again, sir?"

"It's okay, ako na." Sagot ko kay Joven na kukunin sa kamay ko yung tray. "Kaya ko naman," I smiled.

"Nakakahiya naman po, ma'am." Si Kevin, kalalapit lang, nagkakamot ng batok.

"It's fine. Maraming customer, sila na lang ang asikasuhin niyo." Nakangiti kong saad.

Lumapit ako kay Rizza at pinalitan siya sa counter. "Paki ayos ang kabilang monitor, Rizza. Mag kukuha rin ako ng orders." Sabi ko bago kunin yung order ng bagong customer.

"Okay po,"

"Ma'am, you can take a break." She smiled. "Tapos na po ako. Isa pa, si Joan po nariyan na." Tukoy niya sa isa sa mga crew na kaya rin kumilos dito sa cashier.

"O, sige." Natatango kong saad.

Binitbit ko yung bag bago lumabas ng resto. Wala akong balak kumain ng kanin kaya mag pi-pizza na lang ako at kape.

I first ordered a slice of pizza, iyong medyo malaki, bago pumunta sa isang cafe.

Nawala ang excitement sa body system ko when I saw Althea inside the cafe, with a girl, in a round table. Todo ngisi pa silang dalawa habang ako, sinasakal sila parehas dito sa isip ko.

No wonder wala siyang reply. Busy pala. Mukhang gustong-gusto niya rin yung ginagawa niya, eh.

Kung makapag demand na hindi ako pwedeng makipag kita sa ibang tao na may connect sa akin romantically akala mo girlfriend ko pero ganito yung ginagawa. Nang gigigil ako! Hmp! Kurutin ko kaya siya sa harap ng date niya?

Hindi ko maiwasang mairita habang mabilisang baglalakad papunta sa pwesto nila.

"Hi," pinasigla ko pa yung boses ko pero dahil sa inis ko, mapait yung tonong lumabas.

Napatingin silang dalawa ng sabay. Itinaas ko yung isang kilay ko. Yes, Althea? Ngayon ka makipag usap at tawanan sa harapan ko.

Shock is visible in their faces. Mukhang hindi nila inexpect na magkakaron sila ng biglaang bisita.

"Uh, this is—"

"I'm her girlfriend," nakangisi kong sabi. "You are?" Tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay. Naiirita ako!

"Mabel, her cousin," she smiled.

Ang galit at selos ay agarang nawala sa katawan ko at napalitan ng hiya. Ang tanga! Ang tanga-tanga, talaga!

Nawala yung sarkastikong ngisi sa labi ko at natabunan ng hiya yung kawatan ko. Ni hindi ko siya matingnan dahil sa hiya ko.

"Oo nga pala, aalis na ako, Althea. You know, Ian needs me. Baka pagod na kakalaro kay baby Dexter." Tumingin siya sakin at ngumiti. "Pasensya na, ibabalik ko na yung girlfriend mo." May mapaglarong ngiti na nagbabadyang lumabas sa mga labi niya, pero ang ending, mahinang tawa ang lumabas doon.

"Sige lang, Mariz. Mag selos ka lang," she is looking at me intently, "galingan mo pa hanggang sa tuluyan kitang magustuhan." Seryoso niyang saad na nagpatigil panandalian sa mundo ko.

Ang puso ko na patuloy sa pag kabog ang narinig ko nang malinaw matapos niya sabihin 'yon. Damn this girl! Mas lalong hindi ko gugustuhing kumawala!

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon