Chapter 6

6.4K 198 14
                                    




Agad akong napatingin sa phone ko nang tumunog ito. It's a notification from Facebook!

Binuksan ko agad yung nag-notif dahil may kausap rin naman si Luke sa phone niya. Business matters.

Althea Ramos sent you a friend request.

I accepted her request as soon as I saw it. Nakangiti pa nga ako habang tinititigan yung request niya.

Gusto ko na tuloy umuwi!

Nagstalk ako sa timeline niya. Hmm, puro girls ang nasa timeline. In all fairness naman, magaganda talaga yung mga models niya, palibhasa, may lahi.

Wala namang anything sa timeline niya na nag bibigay ng hint na may babae siyang karelasyon ngayon.

Sunod kong tiningnan yung mga past pictures niya. 'Yong mga profile pictures. Karamihan sa mga profile pictures niya, puro nasasakop ng camera yung kalahating part ng mukha, pero yung recent profile niya ngayon, sobrang ganda. She's all smiles at her recent profile, kitang kita ang mapuputi niyang mga ngipin, ang pagkakadepina ng matangos niyang ilong, ang may kanipisan ar natural niyang mapulang labi.

"Sorry, hindi ka pa ba busog?" Luke asked out of nowhere.

Nag angat ako ng tingin. Naka-tingin siya ngayon sa mukha ko. Ni hindi ko man lang napansin yung pag-upo niya.

"Bakit?" Tanong ko pabalik. Alam ko na kasunod nito, ihahatid niya na ak—

"Ihahatid na sana kita. Okay lang ba? Kailangan kasi ako sa office. Na-format daw yung presentation for the meeting tomorrow morning..." I shouldn't feel this but I'm kind of excited.

"Okay lang." ngumiti ako. "Promise, okay lang talaga!" Nag angat pa 'ko ng kanang kamay. Patunay na nagsasabi ako ng totoo.

"Okay?" Pahabang tanong niya. "Weird." Rinig ko pang bulong niya.

Kung sa normal na date lang, mas gugustuhin ko talagang mag stay kasama siya. Baka nga sumama pa ako sa kanya sa office katulad ng ginagawa ko noon. Kaso nga lang, nag hihintay si Althea ngayon sa bahay.

"Anong oras ka makakauwi niyan?" Tanong ko nang makarating na kami sa tapat ng condo. Hindi ko na pinapasok sa parking, aalis din naman siya agad.

Hinalikan niya ako sa labi, isang mabilis na halik.

"I'll text you when I get home, Mariz." Yun lang ang huling sinabi niya kaya bumaba na ako ng sasakyan.

"Bye!" Paalam ko ulit bago tuluyang isara yung pinto. Kumaway pa ako sa kanya bago bumati sa guard.

Dirediretso ako sa elevator at hindi na inabala pa yung lalaking nag taas ng kamay. Tanda na gusto niyang pigilan ko ang pag sara ng elevator.

"Sorry, kuya." I silently said.

It's 7:58 and I'm not sure what Althea is doing right now. Baka nga hindi pa kumakain ang isang 'yon.

Imbis na matawa dahil hindi siyang marunong magluto, nag aalala ako. Paano niya nakakayang mabuhay ng hindi nalalaman kung paano magluto man lang?

Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mabilis na makarating sa unit, hindi na nga kumatok sa pinto. Diretso pasok na.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang mag mukhang maayos at presentable kahit pa sobrang nagwawala yung mga nerves ko.

Walang tao sa sala pati sa kusina so obviously, nasa kwarto siya.

Nakangiti at naiiling pa ako habang nililigpit yung mga pinagkainan niya. Nagpadeliver sa isang fast food chain. Kawawa naman ang aasawahin niya.

I fell in loveWhere stories live. Discover now