Chapter 15

5.5K 165 0
                                    

"Let's go. Uuwi na tayo." Mahinang saad niya. "Miss ko na baby ko." Sambit niya bago sundutin yung tagiliran ko.

Sabay kaming napabitaw sa yakap at napatingin sa cellphone niya na may tumatawag.

"Yes, mom?" Agad niyang sagot. "Yes po," tiningnan niya ako. "Po?" Hinawakan niya yung kamay ko.

Ngumiti lang ako at pinakinggan yung mga sinasabi niya.

"Wala po bang pwedeng ibang sumundo?"

"Okay, okay, mom, I will." Nakita ko pa yung pag irap niya.

"Kailangan kong sunduin yung mga tita ko sa airport. Katatapos lang ng bakasyon nila sa San Francisco, ako daw gustong makita na susundo." Napabuntong hininga siya. "I want to go home with you." She pouted.

"Sira! Sunudin mo na yan. I'll be fine here. Pababalikin ko na lang si Madison."

"You sure?" She asked. "Ihatid na lang muna kita," tumayo siya at hinawakan yung siko ko.

"Hindi na. I can handle myself, Althea. Pababalikin ko na lang si Madison." I smiled. "Mag iingat ka, ha?" Humalik ako sa pisngi niya.

"Tawagan mo muna si Madison."

I did what she told me to do. After three rings, Mads answered it.

"Why?" She asked as she picks it up.

"Nakalabas ka na? Aalis si Althea..."

"Nandito ako sa third floor, nagtitingin ng make up. Saan ka ba? Ako na pupunta sayo."

"Dito pa rin. Hintayin kita, bye, I love you."

"Yeah. I love you too."

"Habit mo na 'yan, eh, 'no?" Sabi niya right after I ended the call.

Maang akong napatingin sa kanya.

"Alin?" I asked.

"Yung mag-I love you sa kausap sa tawag." She said.

"Hindi kaya. Sinasabi ko lang yon sa mga taong mahal ko talaga." Sagot ko.

Totoo naman kasi. Why would I say that to someone na hindi ko naman mahal.

"Eh bakit sa 'kin?" She asked.

"Hindi pa kita nakakausap sa telepono through call, Althea." Napairap ako.

"Eh bakit yung mga kaibigan mo?" She pouted.

Ang pacute talaga nito.

Hawak-kamay kaming lumabas sa Starbucks. Ipinulupot ko yung braso ko sa likod niya.

Hindi ko tuloy magets yung sarili ko. Nandito naman si Althea pero bakit ganito? Bakit namimiss ko siya kahit na magkasama naman kami?

"Ayan na si Mads," pinisil niya yung dalawang pisngi ko. Tumingin siya kay Madison, "Sorry, importante lang." she said.

"It's okay. Pupunta naman yung isa ko pang kaibigan, nga lang, may gusto yun sa girlfriend mo." Sagot ni Mads. "Kidding," nag peace sign pa siya. "'To naman. Joke lang naman, eh!" She laughed.

"Ikaw talaga, Madison," pinanlakihan ko siya ng mata. Halata na nga na nagseselos 'tong isa, ginaganyan niya pa.

"Kung gusto mong bantayan, balikan mo agad." Tinapik niya si Althea as if they're close friends.

Umirap lang yung isa bago ako hinalikan sa labi at i-beso si Madison.

"Take care," I said.

"I will, ikaw din, ha?" She kissed me again. "Mads?" Tumango lang si Mads kaya umalis na si Althea.

I fell in loveWhere stories live. Discover now