42: ONSE ELEMENTOS

Start from the beginning
                                    

Nang humarap ako ay bigla niya akong sinuntok. Kahit babae ako ay nagawa ko ring suntukin ang pagmumukha niya. Masakit na ang mukha ko, alam kong may mga galos na akong nakuha galing sa mga suntok niya. Siya naman ay may galos din, pero advantage siya dahil may sugat ang binti ko.

"Ano?! Suko kana?!" Mapaglarong ngiti ang nakikita ko sa kanya.

"Walang elementos ang sumusuko!" Sabi ko at sinuntok siya sa mukha. Nahilo siya saglit kaya nakalayo ako sa kanya.

Kahit sumakit ang binti ko ay tumakbo pa rin ako at naghahanap sa pwedeng mataguang lugar para hindi niya ako mahanap. Medyo nanghihina na talaga ako pero tiniis kong hindi ma out of balance. Nang nakarating na ako sa isang malaking kahon ay kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang weapon pero wala akong nakapa. Narinig ko ang tawa sa impostor ni Dos.

"Well... Sino sa atin ngayon ang mamatay pag nalaman niyang wala ang weapon niya." Sabi niya.

Kumakabog ang puso ko dahil may alas na siya sa akin. Naramdaman ko na rin ang pagkahilo ko pero na lalabanan ko pa iyon.

"Ang mas mabuti pa, lumabas ka jan at harapin mo ako..." Sabi niya. "Or else, dudurugin ko ang sira mong weapon." Dagdag niya pa.

Nagdalawang isip pa ako kung lalabas ba ako o hindi kaso kailangan kong bawiin ang weapon ko or else mamamatay ako. Hinarap ko siya at ngumiti siya.

"Kawawang prinsesa... Mamamatay na dito, wala kahirap-hirap!" Sabi niya.

"Hindi ako mamamatay!" Sigaw kong sabi sa kanya.

"Talaga ba?!" Nakangiting sabi niya.

Maya-maya may nakita akong dalawang tao sa malayo. Hindi ko pinahalatang may tinignan ako at binalik agad sa kanya ang paningin ko.

"Bakit?! Sino tutulong sayo dito?" Tumawa siya. "Last word mahal na prinsesa?" Sabi pa niya.

"Mamatay ka!" Sigaw ko.

Nakahiga na siya sahig at naglaho bigla ang katawan. Nakahinga ako ng malalim nang namatay na ang impostor ni Dos. Tinignan ko ang tumulong sa akin, lumapit sila sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Paano kayo nakapunta dito?" Tanong ko sa kanila.

"Ang sabi lang namin ay magpahinga kami ate Lumi, hindi nila alam na umalis kami." Sabi ni Leilani. "A-ate Lumi... Naalala mo na ako? Kami?!" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo Lei, naalala ko na lahat." Sabi ko.

"I missed you Ate Lumi" sabi nito at niyakap ako ulit. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Ate Lumi, nasaan na si Kuya?!" Tanong ni Dark.

"Hindi ko pa siya nakita Dark... Ang mabuti pa, umuwi na kayo, ako na ang bahala maghanap sa kuya mo!" Sabi ko sa kanila.

"Tutulungan ka namin ate Lumi" sabi ni Leilani. "Magaling na kami sa mga ganito." Dagdag niya pa.

"Tsaka ate Lumi, tignan mo sarili mo... Napuno kana sa dugo tsaka," napatingin siya sa weapon at binawi niya ito.

Inayos niya ang weapon ko at bumalik na sa dati, nanumbalik na rin ang enerhiya ko. Isa iyon sa ability ni Dark. Nagpasya na kaming hanapin si Dos. Sinigaw namin ang pangalan niya pero walang sumasagot. Nang pumikit ako may kung bumulong sa akin na wala si Dos doon. Napadpad kami sa college building. Naalala ko ang building na ito, dito kami nagtago nina Belle at Kiara. Nasa first floor na kami pero tahimik lang ito, parang walang tao.

"Ate Lumi, sigurado ka bang nandito si Kuya?" Tanong ni Dark.

"Dito raw kasi... Tumahimik na lang muna tayo." Sabi ko.

Dahan-dahan kaming umakyat sa second floor. Ramdam kong malapit na namin makita si Dos.

"Ate Lumi, may tao!" Sabi ni Leilani kaya pumasok muna kami sa isang classroom.

"Kailan kaya sila ulit lulusob dito?"

"Kung lulusob sila ay paniguradong ubos tayo, ang liit na lang natin."

"Tsaka hindi pa natatapos ang ginawa nila..."

"Pero sabi ni Kadong ay matatapos din iyon bukas.."

Lumabas kami sa classroom at pinatay namin sila. Magaling na sina Leilani at Dark sa pakikipag-away. Alam nila ang galaw ng kalaban kaya napadali naming natumba ang tatlo, agad din namin tinago ang patay na katawan para hindi nila maramdaman na may ibang tao sa building. Ngumiti ako sa kanila at pinuri, masaya naman sila dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy na kaming naglakad at unti-unti ko na ring naramdaman si Dos.

"Stick to the plan Dark, Okay?" Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. "Ikaw na muna ang bahala dito sa labas Leilani, kaya?" Sumagot din agad ito kaya sinimulan na namin ang plano namin. Nagtago kami ni Leilani sa katabi ng classroom kung saan sila naroon ni Dos.

"Kuyaaaa Ace!" Sigaw ni Dark.

Hindi nagtagal naramdaman kong lumabas si Dos.

"D-dark?! Sino kasama mo dito?!" Narinig ko muli ang boses ni Dos.

I missed you so much!




Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE A FAN. Labyuuuu all<3

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now