"You'll be okay, right? Gagaling ka naman diba?"


Humarap ako sa gawi niya. Nakatayo na siya and she's looking at me intently. It's like her eyes were telling me to say Yes. But... Will I be okay?


"I don't know, Ji." I smile bitterly.


"Anong you don't know?! Yes, Lily. Dapat yes ang sagot mo! Gagaling ka, okay?!"



She gave me a one last tight hug before she let me go. Siya pa naghatid sakin sa ospital. Hindi rin siya umalis hangga't hindi dumadating si Mom. Sa totoo lang, kinakabahan ako. What if hindi ko kayanin? What if hindi ako makalabas ng buhay dito?


"Mommy's here now. Alam kong kaya mo 'to, baby. Don't leave mommy alone okay? Balik ka kay mommy okay?"


I can't help but to cry as soon as my mom hugged me. I want to be strong for her. Ako nalang ang meron ang mommy ko. I don't want her to go through that same stage again where she have to deal with her broken heart alone because someone left her.


"Mom, I'll be fine."

As soon as the Doctor enters the room, they did some tests before preparing me for the chemotherapy. Tinanong pa ako ni Doc kung handa na daw ba ako. I wanted to say No. I wanted to run from them. But I promised my Mom na babalik ako sa kaniya ng buo.


After almost four hours of my first Chemotherapy session, nagising ako sa hospital room ko. I roamed my eyes around the room and I saw Jina at the sofa, sleeping. Hanggang sa hindi ko na namamalayan 'yung araw, nakaka-ilang session na rin ako pero parang mas lalo akong nanghihina. Unti-unti na ring nalalagas yung buhok 'ko dahil sa chemo.

"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling kay Rose?" Tanong ni Seul kay Jina.


Sila ang bantay ko ngayon dito sa Ospital dahil kumukuha ng gamit si Mom sa bahay. Nung sinabi ni Jina kila Seul yung kalagayan ko, nagalit pa sila sakin. Kung wala lang daw ako sa ospital, baka nabugbog na daw nila ako.

"Baka daw kasi sabihin ni Rose kay Jasmin kaya ayaw niya sabihin yung totoo." Sabi naman ni Yeri.

"Bakit nga ba ayaw mo ipaalam kay Jasmin?" Tanong ni Jeong.

"Malalaman din naman niya 'yun. Hindi ko lang kaya pa sabihin sa kaniya ngayon." I said.

Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nagtatalo talo pa tungkol sa kung saan. Alam na din pala nila Daddy yung tungkol sa akin kaya naman minsan rin silang nandito sa Ospital. Maya maya pa ay dumating na si Mommy dala yung mga gamit ko.

"Anak, may bisita ka." She said.


Ang nasa isip ko, sila Daddy kasi ilang araw din sila hindi nakabisita dahil sa work nila overseas.


"Sino daw?" Tanong ko.


Ang tagal kong nakatingin sa nakabukas na pinto. Hinihintay kung sinong bisita ang tinutukoy ni Mom. Then unti-unti ko nang naaaninag yung mukha nung bisita.


"Hi." Bati niya.



"V-Vince? Anong ginagawa mo dito?"


Napatingin pa ako sa likuran niya kasi baka kasama niya si Jasmin. Hindi ko alam bakit parang kinakabahan ako. I guess I'm not yet ready to face her.


"I can't take it anymore. I badly want to see you."


Iniwan muna kami nila Jina para makapag'usap daw kami ni Vince. Umupo siya sa tabi ko as he scanned my face.

"Kailan ka pa naka-uwi dito?" tanong ko.

"Ngayon lang. I went here as soon as I landed." Vince said.


"Oh? So hindi pa kayo nagkikita ni Jasmin?" Tanong ko ulit.


"Not yet. She's in Japan pa and bukas pa ang dating niya dito. Actually, hindi rin niya alam na uuwi ako."


Nagkwento lang siya tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa Spain. Tinanong din niya ako about Jasmin. Kung ano daw ba ang tingin ko sa kaniya kasi nagkasama na daw kami kaya kilala ko na daw si Jasmin.


"She's... sweet. She's thoughtful. Bossy minsan pero she just want what's best for you. Maalaga siya... sobra. She'll be good wife and a good mother. She had always something to say. Hindi ka niya hahayaan na manalo sa away niyo." I said. I saw myself smiling the whole time na kinukwento ko si Jasmin.


"She's a keeper, Vince. I'm glad you found her. She's in good hands and vice versa. I hope you will never get tired of each other. Parehas kasi mainitin ang ulo niyo. Alagaan mo siya!"


"I know right? I'm happy she's with me, Lily. I will never hurt her. Ayoko na makita ulit yung dating Jasmin. Miserable, Nawalan ng pananaw sa buhay, Nawalan ng tiwala sa lahat and... yung Jasmin na akala niya walang nagmamahal sa kaniya. I don't want her to feel unloved again." Vince said.

And it hit me. I turned the old Jasmin into that. I made her feel unloved. And now, si Vince na 'yung bumuo sa kaniya. I didn't know na masasaktan pa rin ako nang ganito.

"I'm happy for the both of you." I sincerely said. From the bottom of my heart.


"Kaya magpa-galing ka ha? Hindi ka pwede mawala sa kasal namin." Masayang sabi ni Vince.



"And also... She makes the best Pancakes." I said and then we both laugh.


"I agree." Vince said.



"Make her the happiest girl, okay?" Sabi ko. Hindi naman sa nagbibilin ako. Pero parang ganun na nga kasi hindi ko naman masasabi kung anong mangyayari sakin sa mga susunod na araw.


"I will, Mom." Sabi ni Vince. Nag salute pa siya sa akin habang nakangiti.


I slowly closed my eyes as I felt my eyes were getting heavier. I fell asleep with a light heart knowing that I don't have to worry about her anymore.

LOVE is BLIND (ON GOING)Where stories live. Discover now