Epilogue

13 1 0
                                    

A/N: Thank you so much for those who supports me and encourage me to keep writing. And now, we're finally at the epilogue of this story. I hope that everyone was able to enjoy the story hihi :> lovelots.

------

Ang tagal na panahon na nung mawala ka sa akin Klein. Pero alam mo bang sariwang sariwa pa sa akin ang pangyayaring 'yon? Pero tuluyan ko nang natanggap na wala ka na talaga. Naging masaya na rin ako kasama ang mga munting anghel na iniwanan mo sa akin. It's been six years.

I thought isang anghel lang ang dinadala ko, pero dalawa pala. You need to be strong for them... Kaya pala ganoon ang sinabi mo sa akin dahil nararamdam mong kambal ang dinadala ko. Natatawa na lang ako sa tuwing naiisip ko kung gaano ka kagaling gumawa. Akalain mo 'yon, nagkataon na babae at lalaki ang kambal. You gave me a prince and a princess.

Hindi naman ako nahirapan sa kanila. They're good. Lagi silang sumusunod sa akin dahil alam nilang papagalitan ko sila kapag naging matigas ang ulo nila. Hindi naging mahirap sa akin na turuan sila sa mga bagay bagay. Alam mo ba, ang babait nila. Lagi nilang pinoprotektahan ang mommy nila. Siguro nung nasa tiyan ko pa sila ay napagsabihan mo na sila sa kung ano ang dapat nilang gagawin. Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko. Alam kong naririnig mo ako, Klein. Alam kong lagi mo kaming binabantayan ng mga anak mo. At masaya na ako sa isiping 'yon.

Kaarawan nila ngayon, Klein at gusto ka namin dalawin ngayon. Alam mo bang marami silang namana sayo? Lalong lalo na ang lalaking anak natin, Klein.

"Kleina, Bleiz come here" tawag ko sa kanila at nagpaunahan naman silang tumakbo. Bumitaw pa sila sa pagkakahawak sa kamay ni mama.

Sabay nilang nilagay ang bulaklak sa puntod ng daddy nila. Napangiti na lang ako nang umupo silang dalawa sa harap ng puntod ng mahal kong asawa.

"Hi daddy, I miss you" saad ng babae kong anak na si Kleina. She got her eyes from Klein. Magkasing mata talaga silang dalawa that's why I named her Kleina Amor Ordoveza.

"Hey daddy it's our birthday" saad naman ni Bleiz, ang munting prinsipe ko. Bleiz ang ipinangalan ko para fair, kinuha ko sa pangalan ko. He looks like Klein. But they got their fair skin from me.

"Mommy missed you too, daddy. You know what? Mommy always tell us your story. You're so cold back then daw, parang si kuya Bleiz. Diba grandma? " Kleina is right, ang cold nitong kakambal niyang si Bleiz. Nagmana sa daddy. Natawa na lang si mama sa inaasta ng dalawang apo.

"What did you say Kleina? You know what daddy? Kleina is maarte. She's not like mommy. She doesn't eat vegetables" sumbong naman ni Bleiz na parang kausap nila talaga ang daddy.

"Heh, Daddy, sorry po. I only eat two types of vegetables e. But don't worry I'm healthy naman" sagot naman ni Kleina.

"Hey babies! " napatingin naman kami sa likuran nang marinig ko ang boses ni Lili. Agad nagtakbuhan ang dalawa para magmano sa tita nila.

"Hi po tita Lili, hello tito Carlos tsaka hello din baby Carlie!" ang hyper talaga nitong si Kleina.

"Hello po" yun lang ang sabi ni Bleiz.

"Hey Bles, kamusta?" tanong ni Lili sa akin. Kasama niya ngayon si Carlos na asawa na niya habang dala dala ang dalawang taong gulang na anak nilang si Carlie.

"I'm fine. Kayo? Kamusta? It's been five months ah" saad ko naman.

"We're fine. Nakita mo naman pataba ng pataba itong anak namin. Ang bigat bigat na tuloy" natawa na lang ako sa isinagot ni Lili.

"Pinapahirapan ang daddy e" saad naman ni Carlos.

"Hello po tita" bati naman ni Lili kay mama at nagmano. Ganoon din ang asawa niya at ang anak niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Matchmaker Where stories live. Discover now