Chapter 11

8 3 0
                                    

------

"You are not dictionary to define me. Wag kang mag feeling Merriam Webster o kaya naman Cambridge. At saka pwede bang bitawan niyo na ako? Late na ako tsk mga panira talaga kayo." saad ko naman. E kasi yung feeling Reynang bubuyog na to, daming sinabi sakin. Sarap niyang sabunutan e.

"Palaban ka pala ah" saad naman ng isa sa mga alipores niya.

"Oo nga. Palaban kaso sorry ha? Kasi wala ka nang laban ngayon" wika naman ng isa at nagtawanan pa sila. Ganito pala yung pakiramdam na may nangyayaring ganito. Akala ko kasi sa mga palabas lang may ganitong pambubully e. College na rin kami pero bakit ganoon? Sadyang makitid lang ata ang utak ng umaway sakin ngayon.

"Aray! Bitawan niyo nga ako! Mga bwiset" sinasabunutan na ako nung faira na to. Feeling queen bee talaga. Akala niya nasa palabas siya. Ang sakit na ng pagkakasabunot niya sakin ah. Lili, dumating ka na please.

"Why would I?" saad niya at mas nilakasan pa ang paghila sa buhok ko. Pilit ko kumakawala sa kanila pero hindi ako makalaban. Tatlo ang nakahawak sa akin. Kung sa palabas man sana ito, sana naman may tumulong sakin. Ayaw ko namang magkanda ubos ang buhok ko. Malas talaga tong araw na ito.

Sa oras na magsumbong ako kay Lola, nako babyahe agad yon papunta rito para pingutin ang faira nato kasama ang mga alipores niya. Gusto ko nang umiyak dahil sumasakit na. Pakiramdam ko mahihiwalay na ang anit ko sa ulo ko. Tulungan niyo naman ako.

"Sinita mo rin ang make up namin kanina, bakit? Gusto mo rin bang lagyan?" tanong naman ni Faira at tumawa pa na parang bruha.

"Kung gusto niyong magmukhang chakadoll, wag niyo na akong damayin mga putragis kayo" Anla? Nagmura ako. Lagot na ako kay Lola. Pero kasi e.

Nakita kong may inilabas na maliit na pouch si Faira at ngiting ngiti na binubuksan ito. May binabalak siyang masama. Inilabas niya don ang lipgloss niya at ewan ko kung anong tawag dun sa isa. Basta pang make up yon. Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko nang madiin.

"Bagay din ito sayo" nang sabihin niya yon ay bigla na lang niya ako nilagyan sa bibig at sinobrahan niya ang paglalagay. Lampas nga sa lips ko. Pilit akong kumakawala sa kanila pero hindi talaga ako makawala.

Grabeng university naman ito. Wala man lang guard na pumupunta dito. Dapat mag roam aroung sila nang makita naman nila ang mga pinaggagawa ng mga bwiset na mga nilalang na ito. Akmang lalagyan niya na ako ng ewan ko kung ano yon nang may biglang dumating.

"Get your hands off of her!" Sigaw niya. Agad naman akong binitawan nila at gulat na tumingin sa kaniya. Waaaaah! Si Kerth! Papaano siya napunta dito? May suot pa siyang uniform ng ibang school e. Hindi naman pala imposible ang mga nangyayari sa pelikula na may biglang dumarating para tulungan ang inaapi.

Nilapitan naman ako ni Kerth at pinakatitigan ang buong mukha ko na para bang chinicheck niya kung may sugat ba o wala. Inayos niya rin ang pagsira ng buhok ko at tiningnan ang mga bwiset. Tumalim ang tingin niya sa kanila. Halata naman na natakot sila. Hays sarap talagang sipain e.

Napakagat kagat na lang sa kuko ang isa sa kaniyang mga alipores. Si Faira naman ay nakatingin kay Kerth. Mukhang ngayon niya lang ito nakita. Nagtitipa sa screen ng cellphone niya si Kerth ngayon. Tapos inilagay niya sa kaliwang tainga niya ang cellphone.

"Trouble at tourism building" yon lang ang sinabi niya sa cellphone tapos ibinaba niya na ang tawag.

"Tinatakot mo ba kami? Paano mo naman matatawagan ang mga guards e halata namang you're new here." Saad naman ng isa sa mga alipores ni Faira. Akmang hihilain siya ng isa pang alipores niya pero hindi naman nila nagawa. Gusto na yata nilang tumakas e.

The Matchmaker Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt