Chapter 6

12 3 0
                                    

------

Nang lumabas si Lili ay agad siyang umupo sa tabi ko. Nahihiya pa raw. Pinatayo siya ulit ni lola para besohin si tita kyla. Pinakilala na naman ulit ni Lola kay lili si tita Kyla kasama ang anak niyang Kapre.

Napatingin naman agad ako sa pintuan nang may marinig akong kumatok. Dali dali naman akong tumayo para pagbuksan kung sino man yon at para na rin makalabas sa bahay na ito. Doon na lang ako kina mang islaw. Manghihingi ako ng tambis kahit di naman ako mahilig don. Ah basta gusto ko lang talagang umalis dito.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung sino ang pinagbuksan ko. Si Ate Angel to ah! Halata rin na nagulat siya nang makita ako rito pero ngumiti naman siya agad kaya nginitian ko na rin. Siyempre mabait akong bata.

"Pasok ka" saad ko at niluwagan ang pagkakabukas sa pinto.

"Tita Kyla, Sorry po at na late ako. Ah hello po, good morning" saad niya nang mapansin sina lola. So pamangkin pala siya ni Tita Kyla? What a small world. Kung ganoon pinsan siya nitong kapre na ito.

Nilapitan ko si lola at tsaka bumulong. Sinabi kong pupunta lang ako sa banyo. Hihi pero tatakas talaga ako. Didiretso nga ako sa kusina e. Siyempre kapag tumakas ako ngayon, kailangan ko ng pagkain kasi ang dali kong magutom.

Nang marating ko ang kusina ay naghanap agad ako ng pagkain. May piniritong isda, as usual. Favorite ko to hihi. Naglagay ako sa lunchbox ng kanin na may ulam. Tapos naglagay ako sa plastic ng dalawang itlog na maalat tapos 4 na tinapay. Ngiting ngiti naman ako nang makaalis ako sa bahay. May pintuan kasi sa kusina papunta sa labas kaya nakaalis agad ako nang hindi napapansin nina lola.

Napagdesisyunan ko na hindi na pupunta kina mang islaw. Nakakahiya naman manghingi ng tambis. Hindi ko kasi kasama si Lili. Hays mas close kasi siya kay Mang islaw kesa sakin huhu. Buti na lang dala ko yung phone ko kaya makakapag soundtrip ako habang kumakain hahaha.

Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng acacia. Ayoko dun sa may puno ng mangga, natrauma na ako e. Baka kasi may mahulog na naman na mangga don at magkabukol pa ako. Sinimulan ko naring kainin yung mga dala ko. Sarap na sarap pa ako non nang may biglang nagsalita.

"Ingat sa pagkain, baka mabulunan ka" napaangat naman ang tingin ko sa nagsalita. Nakaramdam agad ako ng hiya nang makita ko ang lalaking nag salita.

Kahit pa ilang taon ko na siyang hindi nakita, kilala ko parin siya. Siya lang naman yung kalaro ko noon nung mga bata pa kami. Kaibigan siya ni Kuya Edward, yung pinsan ko. Bakit gumwapo ata siya? Dati taga kutos lang to sakin ah.

"Why are you staring at me like that?" tanong naman niya kaya ilang beses pa akong napakurap kurap bago nagsalita.

"K-Kerth? Ikaw ba yan?" parang di pa ako makapaniwala na nandito siya. Wala naman kasi itong pamilya rito. Ang tagal na nilang umalis dito kaya bakit naman siya biglang babalik dito. Nako talaga tong Kerth na to.

"Yeah ako nga ito. Miss me, Dora?" yan! Yan talaga ng tawag niya sakin kainis.

"Pwede ba? Di na ako yung bata noon para matuwa sa tawag mo sakin niyan. Laki ko na oh" sabi ko naman at bahagyang tumayo.

"Pfft" pigil niya sa tawa niya. Aba't!

"What's funny?" tanong ko naman na galit na nakatingin sa kaniya.

"Sabi mo lumaki ka na e. Dapat ang sabihin mo, tumanda ka na pero di ka lumaki" saad naman niya kaya sinipa ko ang tuhod niya.

"Umalis ka na nga! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo. Ni hindi ko nga alam kung bat ka napadpad ngayon dito tsk" Sagot ko naman at umupo na ulit para ipagpatuloy ang pagkain. Duh! Nakakainis kasi siya.

"I see... You're still Dora that I knew before. Pikonin ka pa rin." saad niya at umupo sa tabi ko.

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang buhok ko at ayus ayusin yon. Nakangiti pa siya niyan ah habang ginagawa yon.

"Hindi pa ba uso ang suklay sayo? Your hair looks like a bird's nest" nang sabihin niya yon ay agad ko siyang siniko. Tatabi na lang, mang aasar pa. Manlalait pa nako nag iinit ang ulo ko sa kaniya.

"Oh ano? Tapos ka na manlait? Baka gusto mo pang dagdagan. Nakakahiya naman sayo" walang emosyong sabi ko. Kita ko rin ang gulat sa kaniyang mukha. Di niya siguro inakala na ang bilis kong magalit ngayon. Red days ko pa naman ngayon.

"Sorry... I missed teasing you. I'm just happy to see you again. It's been 8 years right?" saad naman niya.

"Sorry ka jan. Bakit ka ba nakapunta rito?"

"I'm with Ed. He invited me. He told me that you're here kaya naman sumama ako. Kung nagtatanong ka man kung saan si Ed, nauna na siyang pumasok sa bahay niyo sinabi ko naman na susunod ako. Malayo pa lang, nakita na kita rito" sagot naman niya sakin.

"Buti naman at kilala mo parin ako" saad ko naman.

"Syempre naman, ikaw pa. Ikaw lang ang Dora sa buhay ko e. Are you thirsty? May juice akong dala dito" sabi niya at binuksan ang bag na dala niya at kumuha ng juice don. "Your favorite" sabi niya at iniabot sakin marshmallows na may kasama pang nutella.

Balak niya atang magcamping kaya may mga dala siyang ganito. Hindi ko alam kung ano pa ang nasa loob ng bag niya. Gusto kong buksan baka may pagkain pa hahaha. Agad ko namang nilantakan yung marshmallows habang dinidip sa nutella.

"Dahan dahan lang sa pagkain, mabubulunan ka." saad niya at iniabot ang juice sa akin. Syempre kinuha ko naman yon agad. Pinakuha ko rin siya ng marshmallows. Nakakahiya naman kapag ako lang ang kumakain diba?

Nilagyan ko din ng itlog na maalat yung tinapay at binigay sa kaniya. Tanda ko pa na gustong gusto niya itong kainin dati e. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko yon. Crush ko siya noon, pero ngayon ewan ko parang di ko na feel na crush ko pa siya.

"Ngayon na lang ulit ako nakakain nito. Ang sarap" saad pa niya at patuloy na kumakain.

"Inom ka rin ng juice oh. Kakahiya na ikaw pa yung may dala tapos ako lang ang uubos" saad ko naman at inabot ang hawak kong juice sa kaniya. Malaki rin kasi yung lalagyanan kaya marami yung laman siyempre.

"Would you mind if I-" hindi ko na siya pinatapos magsalita. Alam ko naman kasi ang tinutukoy niya.

"Hindi naman ako maarte tsaka wala ka namang sakit kaya sige uminom ka na" sagot ko naman at nginitian niya ako.

"Nagtataka ako kung bakit hindi ka parin tumatangkad, Dora" bigla naman niyang saad.

"Tsk ano?!" anjan na naman tayo sa height kainis.

"Wala. It's just that... you're cute. Pati height mo cute rin." pinalo ko yung kamay niya na inayos ayos ulit ang buhok ko. Hilig niya talagang pakialaman ang buhok ko hays.

"Ano ba ang problema mo sakin? Nakakainis ka na ah" saad ko at inayos ang lunchbox na pinagkainan ko. Akmang aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. Tinabig ko naman agad yon at naglakad na pabalik sa bahay.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang kapre na nakatayo sa harapan ko. Titig na titig pa sakin ang bwiset na to e. Akmang lalampasan ko na siya nang magsalita siya.

"Is dating with him is the reason why you left your visitors?" nagulat ako sa kaniyang tanong. Ano bang paki niya?

"Si Tita kyla lang at si Ate Angel ang bisita. Di ka na kasama don. Tsaka ano bang paki mo?" tanong ko naman.

"The truth is... I don't give a damn with you. Pinilit lang ako na hanapin ka and I had no choice. Tsk" sagot naman niya sa akin.

"Ulitin mo nga yong sinabi mo" nagulat ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Si Kerth pala.

"Why would I?" tanong pa ni Klein at bigla na lang kaming tinalikuran.

Agad ko namang hinawakan sa braso si Kerth nang akma niyang habulin si Klein. Baka magsuntukan pa sila dito nang dahil sakin. Nako, feel ko tuloy nasa movie kami na may love triangle na nagaganap. Pero di yon ih. Erase na nga!

------

A/N: tagal ko di naka update dito hahaha sorryyy.

The Matchmaker Where stories live. Discover now