Prologue

81 7 2
                                    

------

Hihihi mukhang magiging maganda ang bakasyon namin dito kay lola. May naisip kasi ako at nasabi ko na rin yon sa pinsan kong si lili. Ligaya talaga ang pangalan niya. Sosyal siya, pero pilipinong pilipino ang pangalan diba?

Nasa tanauan, batangas kami ngayon. Dito kasi nakatira ang lola ko. Sila mama at papa? Wala, hindi sila sumama. Abala rin kasi sila sa negosyo. Gusto ko ngang sumama sa kanila dahil patravel travel lang sila. Ganda kaya non, makakagala ka kahit saan.

Pero siyempre hindi ako pinapayagang sumama nila mama at papa. Magpapasaway lang daw ako sa kanila. Hindi naman ako magpapasaway e. Hindi na ako bata. Labing pitong taon na kaya ako. Kakabirthday ko lang noong nakaraang buwan.

"Amore! Amore parine ka nga" tawag sa akin ni Lola. Hays alam niyo ba, kahit mainitin ang ulo ni lola, love na love ko yan. Sila ni lolo.

"Lola naman e, Amor nga lang po ang pangalan ko wala ng 'e' ilang taon na akong pabalik balik dito pero Amore parin tawag niyo sakin e" sagot ko naman kay lola. Iniinis niya kasi ako lagi sa pangalang Amore na yan.

Ako si Blessica Amor Sandoval. Amor at hindi Amore. Kahit ganiyan si Lola nakakatakot yan. Akala mo, mang iinis lang sayo pero maya maya siya na ang maiinis sayo. Ang gulo diba?

"E sa gusto kong tawagin kang Amore. Ano bang pakialam mo don aber. Tawagin mo na yang pinsan mo kanina pa tulog e. Kakain na tayo e" saad naman ni Lola at pinalo pa ako sa pwet. Lola talaga e.

Tumakbo ako papuntang kwarto na tinulugan ni Lili. May naiisip na naman ako e. Sige tulog ka lang lili.

"LILI!!! YUNG MGA KAMOTE MAHUHULOG NA SA MUKHA MO! MAINIT PA NAMAN YAN OH MY GOD!" buong lakas kong sigaw. Bigla naman siyang napatili at napatayo. Gulat na gulat ang kaniyang mukha kaya ayon, natawa ako. Hawak hawak ko pa nga ang tiyan ko e.

"Akala ko totoo na! Bwiset ka talaga Bles! Ganda na ng tulog ko e. Napanaginipan ko pa crush ko" nakabusangot itong nagsasalita. Natatawa tuloy ako sa mukha niya. Bles nga pala ang tawag niya sakin.

"Sorry naman, pero kasi pinapatawag ka na ni lola, kakain na tayo. Hihi nakapuwesto na nga agad si lolo sa hapagkainan e" sagot ko naman at nag peace sign pa sa harap niya.

Nang makarating kami sa hapagkainan uupo na sana ako sa bangko na gawa lang ni lolo sa kahoy ay napasapo agad ako sa ulo ko. Paano ba kasi, si lola pinalo ako ng sandok sa ulo.

"Dalaga ka na Amore! Tapos nagsisigaw ka pa sa loob. Napaka isip bata talaga nireng apo mo" saad naman ni lola.

"Ginigising ko lang naman po si Lili e. Alam niyo na mahirap siyang gisingin hehe. Tsaka wala pa po akong ligo pero ipinalo niyo ang sandok sa ulo ko baka may germs na yan" saad ko na ikinatawa naman namin ni Lili.

Natigil kami sa pagtawa nang bigla kaming pinalo ni Lola sa ulo. Buti pa si Lili isang beses lang napukpok sa ulo e ako? Tatlong beses talaga hays. Ano ba yan.

"Yan, para sulit e. Huhugasan ko naman. Ikaw talagang bata ka e palakatan ka." hays lola naman oh. Ang sakit kaya ng sandok niyang kahoy. Mabigat yon ng konti no.

"Oh sige alam niyo na ang gagawin bago kumain hindi ba mga apo?" si lolo naman ang nagsalita ngayon. Kabaligtaran yan kay lola. Napakabait ni lolo. Hindi yan nagagalit samin kahit nagpapasaway kami ni Lili. Napapagsabihan lang kami minsan.

"Magdadasal po lolo" sagot ko naman.

"Nagmukha kang anghel na gutom nang makita mo ang mga pagkain Bles, grabe lakas makaattract ng pagkain Sayo" bulong naman ni Lili sa akin. Kaya inirapan ko siya. Hindi totoo yon no, hindi naman ako naaattract sa mga pagkain. Hihi

The Matchmaker Where stories live. Discover now